Chapter 19

3K 133 24
                                    

Napangisi si Prinsesa Arsha matapos niyang ireview ang mga tanong na itatanong sa kanila ng host. Isang oras na lang ang hihintayin nila bago magsimula ang interview nila ni Phillip.

Kinakabahan ako sa magiging sagot niya mamaya dyan sa tanong na hindi mo Inalis!

Lalo lang napangisi ang prinsesa. Nag-angat ng mukha ang binata at agad naman niya ito nginitian. Kausap kasi ito ni Paula.

Napakagwapo nito sa suot nitong kulay asul na polo shirt na pinatungan ng black checkerd na jacket na tinernuhan ng kulay itim na pantalon at kulay brown na sapatos. Kanina pa nga pinagpipyestahan ng mga staff na babae ang binata. Malakas talaga kasi ang dating nito kahit sino mapapalingon rito.

"Ms.Jade..okay na po yung questionnaire?" paglapit sa kanya ng writer.

"Yes,thank you.." agad na binigay niya rito ang hawak na papel. Lumapit na siya sa magkapatid.

"Ready?" untag niya sa binata.

"He's ready,Ate Jade! Kabado lang yan kaya tahimik "

Napailing na lang ang binata at natawa naman sya ng mahina.

"Mabuti pa pupuntahan ko na mga team phil-sha!"

Ang group na binuo nito paea sa love team daw na binuo nito para sa kanila ng binata.

Inabot niya ang kamay nito. "Mabilis lang ang interview,promise.."

Tumango ito.

Maya-maya pa ay nagsimula na ang interview nila at agad na nagtilian ang mga fans niya na swerteng nakapasok roon at ang grupo ni Paula. May mga hawak pa ang mga ito ng placard kung saan nakasulat ang combination ng name nila ng binata.

Nang tawagin na sila hindi niya inaasahan na alalayan siya ni Phillip na makaupo sa pandalawahang sofa. Nagtilian ang lahat at gayundin ang babaeng host.

"Wow! Kaya trending kasi tunay naman pala taLaga napakagwapo ng kasintahan ni Ms.Arsha Jade!"hindi napigilan puri ng host sa binata.

Sinulyapan niya ang binata. Seryoso lang ito pero nagpasalamat naman kahit papaano. Alam niyang kabado lang talaga ito.

" Okay,unang tanong para kay Mr.Helmer,"simula na ng host. "Saan kayo nagkakilala ni Ms.Arsha Jade at ano ang nagustuhan mo sa kanya?"

kalmante naman na nagsalita sa mikropono ang binata. Sumulyap muna sa kanya ang binata at kinatili iyun ng lahat.

"Kakilig kayo!" anang ng host.

Natawa lang sya.

"Well,in personally..she's my neighborhood..doon ko siya nakita in person," tugon ng binata na ngayon ay sa harapan na nakatingin. "Ano nagustuhan ko sa kanya? Well,she's so humble and very friendly. Mas nauna niyang naging malapit ang younger sister ko bago kami...naging malapit sa isa't-isa,"patuloy nito na kinatili ng lahat.

" That's nice,I'm sure hindi mo inexpect na kapitbahay mo pala ang kilalang singer na si Ms.Arsha Jade,"sabi ng host.

Tumango agad ang binata. "Yes...it was happen na magambala ako sa pagtulog ng marinig ko ang pagdadrums niya ,that's so disturbing kaya hindi rin kami kaagad naging ganun nagkasundo sa simula," saad ng binata  na hindi niya inaasahan na sasabihin nito.

"TaLaga?! Wow!"mangha turan ng host. Sa kanya naman bumaling ang host.

"Ms.Arsha Jade,noong last interview mo sinabi mo na nalove at first sight ka sa isang non-shobiz na si Mr.Helmer nga,is he the one you looking for...your forever?"

Agad na sumagot sya. "Yes,he's the one. He's my mate,"aniya sabay sulyap sa binata. Nagtilian muli ang lahat.

"A soulmate! Wow!"

"I have question again,Mr.Helmer.." baling muli nito sa binata.

"Gaano ka kaseryoso kay Ms.Arsha Jade? At bakit?"

Hindi kaagad nakaimik ang binata. Tumingin sa kanya ito na nginitian niya lang.

Simple lang naman ang tanong pero sobrang lalim nun kay mate!

Agad naman sumagot ang binata pagkaraan.

"In terms of seriousness sa relasyon na meron kami sa tingin ko ...she's the one that I'm looking for in my entire life. She's my first girlfriend..and hoping she will be the last," tugon ng binata na kinahiyaw ng lahat sa sobrang kilig sa sagot ng binata.

Gusto matunaw ang puso ni Prinsesa Arsha sa sinagot ng binata.

Tumitig ito sa kanya at mababanaag roon na sinsero ito sa sinabi.

Hindi kaya in love naman talaga siya sayo!

TPOGWD Series 10: ARSHA J. URILLIO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon