Napabuntong-hininga na lang si Phillip ng makapasok na siya sa malawak na Hardin nila kung saan ginanap ang wedding anniversary ng kanya ama at ng stepmother niya. Masquerade ang theme ng nasabing okasyon kaya natatakpan ng kulay itim na maskara ang halos kalahati ng mukha niya.
Alam niya sa ganun din setup nagkakilala ang kanya ama at madrasta. Weird pero hanga naman siya sa pagmamahalan ng mga ito kahit na may kaunting gap sila ng ama pero hindi sa stepmother niya.
Tinernuhan niya ng kulay itim na three-piece suit at maong na pantalon na kulay itim na humakab sa hita at binti niya.
He looks so model on his outfit pero hindi niya alintana ang pagtingin sa kanya ng mga inbitado lalo na mga dalaga na kasa-kasama ng mga nakakatanda.
"Gwapo talaga natin ah!" pagsalubong sa kanya ni Denis. Kulay pula naman ang maskara nito. "Baka mainlove talaga sayo yung future-wife mo!" mahina nitong asar sa kanya.
Inilingan na lang niya. Kanina pa nga niya hinahanap ang ama pero hindi niya mahagilap.
"Mukha talagang pinaghandaan ito para sa anunsiyo. Ang daming dumalo eh," seryoso na ang tono nito.
Napabuga siya ng hangin. Napakakomplikado na talaga ng sitwasyon niya. Hanggang maaari ayaw niya ipahiya ang ama sa lahat!
Napalingon sila ng pinsan ng magsalita ang inupahan emcee para simulan na ang party. Nagsisimula na hindi pa rin niya makita ang mga ito kahit si Paula.
Ganun ba kadami ang dumalo at hindi niya mahagilap ang mga ito.
Doon lang niya nakita ang mga ito ng tawagin na ng lalaking emcee ang mag-asawa.
Pinakilala ang mga ito sa lahat at nagbigay ng mensahe para sa isa't-isa.
May kaba siya dahil paniguradong doon na isisingit ng ama ang tungkol sa engagement niya dahiL nagpapasalamat na ang ama sa mga kaibigan,kakilala at kabusiness associate nito.
Naikuyom niya ang mga palad. Damn. Nahagip na ng mga mata niya si Mr.Chui lalo na ang babaeng katabi nito na nakasuot ng kulay pink na dress,kulay pink din ang maskara nito. Hindi niya tuluyan maiwasan mapangiwi.
So girly.
Pero pagkaraan ng pasasalamat ng ama nakahinga siya ng maluwag dahil inanunsiyo ng emcee na may special performance na magaganap.
Kaya pala may drums set at may gitara na nakasandal doon. Kanina pa nga siya nagtataka kung bakit wala gumagamit niyun.
Atleast makakahinga pa siya ng maluwag. Baka kailangan pa sila ipakilala ng isa't-isa ng babae bago ianunsiyo ang engagement. Damn,sana nga lang hindi ngayon!
Umatras siya ng bahagya dahil nagsilapitan ang iba sa may harapan. Malamang para makita ang magpeperform na iyun.
Pag-atras naman niya may nabangga siya na agad naman siya humingi ng sorry.
"I'm sorry---" agad na natigilan siya ng magtama ang mga mata nila ng nakabanggaan niya.
Those eyes!
Kulay berde ang mga mata ng babae. Kulay green din ang suot nitong maskara na higis wolf.
Ngumisi ang babae.
She's so fuvking familiar to him!
Hindi siya pwede magkamali. Iisa lang ang babae ang nagpapatibok sa puso niya ng ubod ng bilis gaya ng singer na iyun na si Arsha Jade.
Jade,ang pangalan ng kapitbahay niya. Pinagkaiba lang ang kulay ng mga mata nito pero iisa ang sinasabi ng isip at puso niya na...iisa lang ang mga ito?!
Bago pa man siya makapagsalita tinalikuran na siya nito at napamaang ng umakyat ito sa stage at umupo sa likod ng drums set.
"Kakantahin po niya ang paboritong awitin ni Mrs. Helmer!"anunsiyo ng emcee.
Muli nagtama ang mga mata nila. Kasabay niyun ang muli pagkabog ng malakas ng dibdib niya.
Sigurado siya. Siguradong-sigurado siya na iisa lang ang dalawang babae iyun!
BINABASA MO ANG
TPOGWD Series 10: ARSHA J. URILLIO (COMPLETED)
Loup-garouPrincess Arsha Jade Urillio,ang prinsesa ng mga lobo na may angkin na ganda mapisikal man at boses. She love to sing and play musical instrument especially,the Drums. Namana niya sa ina na si Reyna Ayisha ang galing sa pagdadrums na noong nasa Mundo...