Chapter 3

2.4K 95 6
                                    

She's feel alive. Sila ng kanyang lobo sa tuwing nakakahawak siya ng drumstick habang walang kapaguran na bigay todo sa paghampas. Pumapainlanlang ang bawat ritmo niyun sa buong kabahayan.

Nakahanap naman ng bahay ang manager yun nga lang may kapitbahay siya pero mukha naman daw walang tao kaya malaya siyang mag-ingay at kung meron na,well,siguro sa tamang oras na hindi niya magagambala ang pamamahinga nito kung sino man ang magiging kapitbahay niya.

Drumming is part of her morning exercise,so,let's rock the world!

Patuloy pa rin siya sa paghampas sa hawak na drumstick niya na kulay green. Regalo sa kanya ng Hari at ng Reyna at hindi yun basta-basta mababali dahil gawa iyun sa matibay na kahoy mula sa distrito nila.

Nakapikit ang mga mata niya habang may nakapasak na earphone sa magkabilang tainga niya. Pinapakinggan ang isang awitin na sinasabayan niya ng paghampas sa drums.

Bukod sa pag-awit niya isa din yun sa hinangaan ng lahat ng fans niya ang pagdadrums. Sa tuwing may concert siya na gaganapin iyun ang ginagawa niyang opening na kinamamangha ng lahat.

Isang bagsak ang ginawa niya ng matapos ang kanta. Nakangiti na dumilat siya dahil kuntento at buhay na buhay ang pakiramdam niya pagkatapos niyun.

Yeah,I'll feel alive,too! I want some more!

Uulitin sana niya muli ng mag-ingay naman ang doorbell niya.

Huh? Si Tita Marian ba yun?

Pagkakaalam niya hapon pa siya pupuntahan ng manager niya para sunduin.

Muli nag-ingay ang doorbell. Tumayo na siya na hindi na nag-abala pang alisin ang pagkakasalpak ng earphone sa kabilang tainga niya habang bitbit din ang drumstick niya.

Hinila niya pabukas ang malapad na pintuan at nasilayan niya ang isang lalaki na lukot na lukot ang mukha nito. Nang magtama ang kanila mga mata. Mababanaag na pareho sila natigilan sa isa't-isa.

"Paano ko po pala malalaman kung siya ang magiging mate ko?" Pagtatanong niya kay Zei pagkaraan niya abutin ang kulay berdeng parihabang kahon.

Ngumiti ang dating panginoon. "Sa tibok ng puso niyo,mahal na prinsesa," anito.

Nasapo niya kaagad ang dibdib kung saan mabilis na mabilis na tumitibok ang puso niya.

He's...h-he's..our...m-mate?

"Miss,pasensya na pero nakakagambala kasi ang ingay na nagmumula dito sa bahay mo sa pamamahinga ko?"pukaw nito sa kanya.

Saka lamang siya natauhan sa sinabi nito.

Kapitbahay natin siya!

" Alam mo bang may tamang oras para sa panggagambala,alam mo bang hatinggabi na ko natatapos mula sa trabaho at kunting oras lang ang nilalaan ko sa pagtulog pero may isang tao na hindi man lang iniisip kung may naaabala ba siyang kapitbahay?"litanya nito.

Ay..ang sunget!

Nginitian niya ang lalaki pero nanatili inis ang anyo nito. Nakapantulog pa nga ito at bumangon lang dahil nga nagambala niya.

"Pasensya na. Hindi ko kasi alam na may nakatira na pala dyan sa kabilang bahay," friendly niyang sabi rito.

Nakatitig sa kanya ang binata pero agad din ito bumalik sa pagkainis.

"Ngayon alam mo na,kaya,Miss..sa susunod huwag sa ganitong mga oras," anito sabay sulyap sa hawak niyang drumstick.

"Oo,pasensya. Exercise ko kasi ito. Uh,since we're neighborhood,pwede mala--"

Agad natigil siya sa pagsasalita ng mag-ingay ang phone nito na dinukot nito sa suot nitong sweatpants.

Hindi na ito nag-abala pang lingunin siya ng basta na lamang ito umalis at tumawid sa kabilang bahay.

That was so rude!

"Malalaman din natin ang pangalan niya. Lalo pa at natagpuan na natin siya.."

TPOGWD Series 10: ARSHA J. URILLIO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon