Chapter 25

2.8K 116 11
                                    

Nakatanggap ng red flowers si Prinsesa Arsha mula kay Phillip kaya naman sobrang saya niya. Iyun ang kauna-unahang beses na nakatanggap siya ng bulaklak mula sa isang lalaki. Sa mismong lalaking itinakda sa kanya. May kasama iyun sulat.

Gusto nito na makipagkita sa kanya sa isang restaurant. A dinner date. Kaya ngayon,excited na siya habang hinihintay ito dumating.

Weird lang sa pakiramdam..

Hindi lang tayo sanay.

Ewan ko,mahal na prinsesa. May kakaiba kasi.

Pinagkibit na lamang niya ng balikat ang sinabi ng wolf niya.

Tantiya niya kinse minutos na ang lumipas pero wala pa ang binata. Well,maaga pa naman.

Luminga-linga siya. Pakiramdam taLaga niya may nagmamasid sa kanya pero nasa isang private restaurant naman siya. Baka mga waiter lang yun.

Kaya nga ang weird ng pakiramdam ko ngayon.

Lumipas na ang maraming minuto wala pa rin ang binata. May lumapit na waiter at agad na tinanong siya nito kung gusto na niya ihain sa kanya ang nakaserve ng dinner nila.

Agad na nagtanong siya rito ng oras.

"Pasado alas diyes na po,Ma'am.."

What?! Isang oras na siya late ah!

Nginitian niya ang lalaki. "Salamat," aniya.

Nag-aalangan na iniwan siya ng waiter.

Lumipas pa ang ilang sandali nagpasya na siyang umalis.

I don't want to hate him baka may nangyari sa kanya!

Nag-aalala siya kaya mabilis na nagtungo siya sa bahay nito pero wala naman roon ang binata.

Kaya naman sa bahay ng mga magulang nito siya pumunta.

Agad na nabura ang pag-aalala niya ng makita ang kotse roon ng binata.

Hindi naman siguro niya nakalimutan Yung dinner date niyo eh noh..

Natigilan siya ng marinig mula sa loob ng bahay ang isang pamilyar na boses.

Ah,that woman!

Pinakinggan niya ang ingay sa loob at mukhang masaya nag-uusap ang lahat sa loob.

Pabibo yung bruha...let's go inside baka nakalimutan tayo ni mate dahiL sa bruha yun..

Agad na winaksi sa isip ni Prinsesa Arsha ang posibilidad na iyun.

"Ate Jade?!!!"

Mabilis na nakalapit sa kanya si Paula.

"Buti dumating ka! Kanina pa nagpapakitang gilas si Ms.Intsik!" hila-hila siya ng dalaga papasok sa loob ng bahay at agad naman napabaling sa kanila ang lahat.

They are having a happy dinner!

"Kuya! Nandito si Ate Jade!"

Agad na nilapitan siya ni Phillip. Natahimik naman ang babaeng bida ngayon gabi.

"Arsha.."

Nginitian niya ito at binati muna niya ang magulang nito saka niya binalingan ang kasintahan. Pinagpaalam niya sa mga ito ang binata na kakausapin sandali at sa may hardin sila nagpunta.

Kinakabahan ako sa ngiti mo,mahal na prinsesa.

"Hindi ka dumating?" untag niya rito.

Agad na nagsalubong ang kilay ng binata.

She's a princess and no one dare na paghintayin siya ng ganun katagal. Pero naiinis siya!

Calm down...pareho tayo mananagot niyan.

"What do you mean?"

"We have a dinner date,right? Isang oras ako naghintay sayo dun," mahina at kalmante man pero mahihimigan ang inis roon.

Nanlaki ang mga mata ng binata. "May dinner date tayo? Saan?"

"Nakalimutan mo..." akusa niya rito na may lamig sa boses.

Agad na inabot ng binata ang kamay niya.

"Paano? Hindi ko talaga alam ang sinasabi mo,hon..wala taLaga,kung aaayain man kita personal ko sasabihin yun sayo," todo paliwanag nito.

Sabi na eh..weird talaga kanina eh!

"May nagpadala ng red roses sakin at nakalagay sa card na may dinner date tayo," malamig pa rin niya saad.

Naipikit ng mariin ang mga mata nito at umiling.

"No,wala ako pinadala ganun,hon. Believe me," anito.

"It's a prank..." anas niya.

Apologetic na niyakap siya ng binata. "Kung sino man ang gumawa nun humanda siya sakin," mariin nitong saad.

Napabuga siya ng hangin. "Naiinis ako.."

Humigpit ang yakap nito sa kanya. "I know,hon..and that's scaring me now na makita kang ganyan," may pangamba sa boses nito.

"Okay..mawawala din ito."

"I'm sorry for what happen. Ako bahala sa gumawa niyun sayo," mariin nitong sabi.

Kinabukasan,agad na nagtrending ang paghihintay niya sa restaurant na iyun.

"Kung sino man hudyo ang nagprank sayo niyan,kakalbuhin ko talaga siya!!!" nanggagalaiti reaksyon ni Tita Marianne.

"Hindi sinipot ni Mr.Helmer ang sikat na singer na kasintahan niya si Ms.Arsha Jade"

Nais niya matawa sa caption na iyun sa ilalim ng larawan niya na kuha ng mga oras na naghihintay siya ng gabing iyun.

Mukhang planado iyun.

I hate human meat pero kung sino man siya,sisikmurain ko na lang makaganti lang sa kanya!

Napabuga siya ng hangin. Agad na napabaling siya sa pagbukas ng pintuan.

"Hon..."

Agad na nginitian niya ng matamis ang kasintahan.

"That's news is crazy.." may galit sa tono nitong saad.

"Kaya nga eh! May gusto sumira sa relasyon niyo dalawa!" si Tita Marianne.

"Magpapainterview ako para matapos na ang kalokohan ito," seryoso sabi ng kasintahan.

"It's alright,lilipas din yan," aniya.

"No,I want to clarify to everyone na hindi iyun totoo na hindi kita sinipot at may siraulo lang na gusto sumira satin dalawa," mariin na kontra ng binata.

"Magpapainterview ako," baling nito kay Tita Marianne na sang-ayon sa gusto ng kasintahan.

How's sweet. Very protective..

TPOGWD Series 10: ARSHA J. URILLIO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon