Chapter 16

2.6K 118 10
                                    

Wake up...princess!

Nagmulat ng mga mata si Prinsesa Arsha at sumalubong sa kanya ang nakangiti na si Paula.

"Good morning,Ate Jade!"

Agad na hinanap ng mata niya si Phillip at mukhang nahalata iyun ng dalaga.

"Kausap siya ni Tito Gary," anito.

Nginitian niya ang dalaga.

"Seryoso po ba talaga yung sinabi ni Kuya Phillip kagabi?"

Hindi kaagad nakaimik ang prinsesa. "Ahm,siguro siya na lang magsabi sayo," tugon niya rito na agad naman naintindihan nito.

Umupo ito sa gilid ng kama namamangha.

"Boto ako sayo para kay Kuya Phillip! Bagay na bagay kayo! Swerte kaya ni Kuya kasi isang tulad mo ang nagkagusto sa kanya!"

Natawa siya sa sinabi nito.

"Salamat.."

Bago pa muli magsalita ito nagring ang celpon nito at nanlaki ang mga mata.

"Si Tita Bading!"

Niloud speaker nito ang tawag.

"Hello,nandyan pa ba sa inyo si Arsha? Hindi siya umuwi rito sa bahay! Alam ba niya na trending siya ngayon!"

Sabay na napatingin sila ni Paula.

"Trending?! Wait,check ko!" agad na pinatay nito ang tawag.

Napailing na lang ang prinsesa. Minsan talaga hindi magkasundo ang dalawa.

"Oh no..."

Iniharap nito sa kanya ang phone nito.

Is that Arsha Jade carried by her rumor non-showbiz boyfriend?

Nakagat niya ang pang-ibaba labi.

"Paano naman nila nasabi na ikaw yun?"

"Marahil nabanggit mo yung salitang idol...malamang may nakahalata sa isa sa mga bisita niyo naroroon," aniya.

Nanlaki ang mga mata ng dalaga. "Naku,Ate Jade,sorry..kasalanan ko ito!"

"Hindi...ayos lang. Malalaman din naman nila ang tungkol sa pagkakaroon ko ng boyfriend pabor yun sa parte ng Kuya mo," nakangiti niya sabi rito.

"Sabagay! Naku,kailangan ko mag-isip ng love team niyo ni Kuya Phillip!"

Muli nagring ang phone nito.

Ang manager niyang muli.

"Bweset ka talagang bata ka! Pinatayan mo talaga ako! Nasan si Arsha Jade! Pinuputakte na ko ng mga reporter!"bungad agad nito.

Napairap si Paula. " Kalma ka lang,Tita Bading..everything is gonna be alright,okay?!"

"Paano ako kakalma! Nasaan siya! Kakausapin ko sya!"

Napabuga siya ng hangin saka na siya nagsalita.

"Good morning ,Tita Marian!"

"Walang magandang umaga ngayon,babaita ka! Sabi ko iwas isyu eh! Kitam mo ginawa mo!"

"Tita Marian,kalma ka nga lang dyan..don't worry,magpapainterview ako...kami," dugtong niya sa huling salita.

"Kami?"

"Oo..yung rumor boyfriend ko," nakangisi niyang saad.

"Arsha Jade!!!!"

Gusto ko atakehin sa puso para sa kanya!

"Seryoso yun,Tita Marian..I'll talk to him about it at saka ipapakilala ko siya sayo,okay?!"

"I can't believe of this! Seryoso ba talaga ito?!"

"Seryoso yun,Tita Bading!"

"Heh! Kung hindi dahil sayo hindi mangyayari ito! Dapat nga may TF yun eh!"

"Duh~ love ako ni Ate Jade eh," tugon ni Paula.

"Magkita tayo sa isang bahay mamaya,he's with me,okay? Anyway,Phillip nga pala ang pangalan niya! Bye!"

Natatawang pinatay niya ang tawag.

"Ang cool nito!" bulalas ni Paula.

Sabay sila natawa ni Paula.

Naiexcite siya sa mga susunod na mangyayari at sisiguruduhin niyang mahuhulog ang loob ng binata sa kanya.

TPOGWD Series 10: ARSHA J. URILLIO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon