May inis na may kasamang pag-aalala na hinihintay ni Phillip na sagutin ni Paula ang tawag niya na panay lang ang ring. Nakailang tawag na siya rito di naman sinasagot. Pagkagising niya akala niya nasa may guest room pa ito pero wala na ito ng madatnan niya na bakante na ang kwarto at pasado alas y saiz pa lang ng umaga iyun. Tumawag siya kaagad sa bahay nila pero ang kasambahay nila ang nakasagot at ang sabi wala sa silid nito ang dalaga.
Holiday ngayon at wala pasok sa eskwela.
"Di mo pa makontak si pasaway?" pukaw sa kanya ng pinsan si Denis na may bitbit na dalawang tasa na kape.
Pinatong nito ang isang mug na para sa kanya sa center table at pumuwesto ito sa harapan ng TV at binuksan yun.
Marahas na napabuga siya ng hangin. Pasaway talaga ang batang yun. Hindi man lang nagpaalam sa kanya!
"Uy! Si Arsha Jade Oh!" bulalas ng pinsan.
Agad na napabaling siya sa pinapanuod nito. Nilakasan nito ang volume.
"As of now,masasabi kong...nagustuhan ko siya sa unang pagkikita namin.."
Bigla na lang kumabog ang dibdib niya ng matitigan ang singer na nakatitig sa camera.
"Nasa show business din ba o non-showbiss?"
Mas lalo kumabog ang dibdib niya sa sinabi nito.
"Non-showbiss,"
Nahigit niya ang hininga. Hindi niya alam at maintindihan kung bakit parang kilala niya ang tinutukoy nito.
Her voice...her face..but..not their eyes..
"Ang swerte naman ng lalaki yun! Crush ko pa naman siya!"
Napukaw siya sa pagrireak ng pinsan.
Mabilis pa rin ang tibok ng puso niya at namalayan na lang niya nakatanaw siya sa kabilang bahay.
"May nakatira dyan sa kabilang bahay?" pagsulpot ng pinsan sa tabi niya at tumanaw din roon.
"Chicks ba?" nakangisi nitong lingon sa kanya.
"Hindi..mag-asawa," tugon niya.
Damn. Bakit ba siya nagsisinungalin?
"Talaga? Pero may anak na chicks?"
Napabuga siya ng hangin. "Dami mong usisa,bakit ba nandito ka aga-aga mo ko ginugulo?"
"May ibabalita ako sayo," anito."Di ba,sa sabado na yung wedding anniversary nina Tito Gary. Narinig ko kina mama na doon iaanunsiyo ang engagement niyo ng anak ni Mr.Chui,"inporma nito sa kanya.
Naikuyom niya ang mga palad.
"Syempre hindi ka pwede hindi pumunta dun kung ayaw mong masugod rito," natatawa nitong dagdag.
"Kailan ba siya titigil," frustrated niyang saad.
Nagkibit ng balikat ang pinsan. "Sakyan mo na lang,mahirap ipahiya ang magulang,Insan..saka ka na lang gumawa ng paraan kung paano aatras ang anak ni Mr.Chui," suhestyon nito sa kanya.
"Maganda naman si Kristine kaso nga lang...damn,masyahong sosyal! Sunod sa luho at higit sa lahay,brat,insan!"
Napailing na lang siya.
"Crush ka daw niya eh!"
"Paano mo nalaman?"
"Narinig ko kina Mama," anito.
Mabuti na lang may pagtsismoso ang pinsan niya kaya napaghahandaan niya ang paparating na problema sa buhay niya!
"Damn..bakit ba ginagawang komplikado ang buhay ko eh buhay ko nama 'to!" bulalas niya sabay hilamos sa mukha niya.
BINABASA MO ANG
TPOGWD Series 10: ARSHA J. URILLIO (COMPLETED)
LobisomemPrincess Arsha Jade Urillio,ang prinsesa ng mga lobo na may angkin na ganda mapisikal man at boses. She love to sing and play musical instrument especially,the Drums. Namana niya sa ina na si Reyna Ayisha ang galing sa pagdadrums na noong nasa Mundo...