Chapter 35

2.7K 137 22
                                    

Just remember,I'm here,your mother and your district..

Nagpakawala ng tahimik na buntong-hininga ang prinsesa. This is the moment of truth!

Ito na ang oras para ibunyag ang napakalaking sekreto niya.

Sinalubong niya ang seryoso at nanantiyang titig ng kasintahan. Sa likuran nito ay ang papalubog na araw. Nasa rooftop sila ng gusaling iyun.

Muli siya nagpakawala ng hininga.

We're here,mahal na prinsesa!

"Saan mo gusto ako magsimula? You can ask me now,anything.." marahan niyang panimula.

Napatiimbagang ito.

"Those two accidents...paano mo nagawa kumilos ng ganun kabilis? Yung sugat na agad na gumagaling?"agaran nitong pagtatanong na alam niya noon pa lang hinihintay na nitong masagot.

Naikuyom niya ang mga palad. Tinanaw ang kulay Kahel ng kalangitan.

" Hindi tayo...magkauri,"usal niya habang nanatili nakatanaw sa dakong paroon. Natatakot siya makita ang magiging reaksyon nito.

"What do you mean by that?" matiim ang tono ng boses nito.

"I'm not human like you at all...isang kakaibang nilalang na kayang mag-iba ng anyo," tugon niya na pilit nilalakasan ang loob.

Hindi ito umimik kaya lalo siya nakaramdam ng takot at pangamba. Pero kailangan na niya masabi ang totoo rito.

Ipinikit niya ng mariin ang mga mata. "I---isa akong lobo," sa wakas pag-amin niya sa tunay na pagkatao niya.

"Wolf? Kulay berdeng lobo ba?"

Marahas siyang napatingin dito. Nanlalaki ang mga mata niya tumitig sa seryoso pa rin nitong mukha.

"H--how did you know?"

Nanatiling matiim at seryoso ang mukha nito.

"In my dream..."

Napaawang ang mga labi niya at namamamghang napakurap-kurap siya.

"Tama ba ko?"

"H-hindi ko akalain na...na nakikita mo na pala ako...sa..sa panaginip mo," hindi makapaniwalang saad niya.

"It's a nightmare for me,"saad nito na kinatigil niya.

" I-i'm a...a monster to you?"naninikip ang dibdib na saad niya.

Ito na...ito na ang pinakahihintay niya. Ang katakutan siya at ireject nito.

Hindi ito sumagot. Nagtiimbagang lang ito. Mapait siya napangiti. Kahit hindi ito sumagot alam niya iyun ang naging tingin nito sa kanya. Kaya nga sinabi nitong isa yun bangungot!

Nanatili ang mapait na ngiti sa mga labi habang marahan na tumango-tango.

"Alam ko...na iyun ang magiging tingin mo sakin..H-halimaw,"saad niya.

" Alam mo ba kung bakit tayo pinagtagpo?"deretso niyang sabi rito. Kahit nahihirapan na siyang magpigil sa emosyon na lumalamon sa puso niya.

"N-napadpad ako dito sa mundo niyo dahil...dahil sa propesiya. Propesiya na nagsasaad na dito ko matatagpuan ang lalaking itinakda sakin. Ang..ang masakit lang dun sa isang tao ako itinakda..tulad ng aking ama na itinakda sa aking ina na isang tao tulad mo din...pero alam ko iba ang sitwasyon natin. Halimaw ang tingin mo sakin at sagot na yun sa kinatatakutan ko. Ang hindi mo ako...matanggap."

Umatras siya kasabay ng pagdilim ng paligid. Nagawa niya ipakita rito ang totoong anyo niya. Napaawang ang mga labi nito.

Umihip ang panggabing-hangin kaya inalon niyun ang makapal na kulay berdeng balahibo niya. Nanatiling matapang at matatag na tumitig ang matang-lobo niya sa binata.

Hindi ito gumagalaw. Nanlalaki ang mga mata at awang ang mga labi. Hindi mabasa ang nararamdaman nito na dumadaan sa mga mata nito.

Hindi..ayaw lang niya talaga malaman.

Nang lumipas na ang ilang minuto wala pa rin ito reaksyon. Iyun na ang hudyat para sa kanya para tuluyan na itong iwan at...bumalik sa mundo kung saan siya nababagay.

Naghihintay sa kanya ang ama at ang kanyang ina. Ang distrito na kinabibilangan kahit biguan siya na matanggap ng lalaking itinakda sa kanya may naghihintay pa rin sa kanya.

Agad na bumalik siya sa dating anyo na mabilis siyang nilapitan ng ama. Nanghihina siya parang hindi na tumitibok ang puso niya kaya bago pa man siya tuluyan matuba mabilis siya nasalo ng ama binalot siya nito ng dala malaking roba.

"You are brave princess,my princess..I'm so proud of you," bulong ng ama habang buhat-buhat siya nito paalis sa lugar na iyun.

Mariin na ipinikit niya ang luhaan niyang mga mata.

Phillip..I will love you..forever.

TPOGWD Series 10: ARSHA J. URILLIO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon