"Hindi ko gusto isangkot ang pribado kong buhay sa isang sikat na tao para lang gumawa ng kwento at hindi masunod ang gusto niyo,Dad,"untag niya sa ama.
Nagdududa pa rin ito sa nalaman nito. Gusto talaga nito ang anak ni Mr.Chui para sa kanya..maybe for the sake of their company.
Hindi naman niya kailangan ng tulong ng iba para lang mas mapalago ang business nila. Magagawa niya palaguin iyun ng mag-isa na hindi na kinakailangan pang makipagmerge sa pamamagitan ng marriage arrangement!
Tahimik lang ang ama habang nakaupo ito sa likod ng desk nito at siya naman ay kalmante lang nakaupo sa kaharap nito.
Maya-maya pa ay bumuga ng hangin ang ama. Indikasyon na sumusuko na ito.
Gusto niya mapangiti pero...hindi ngayon. Hindi sa harap nito.
"Alright...pero ano ba ang maitutulong niya sa business natin?"
Hindi niya nagustuhan ang sinabi iyun ng ama.
"Dad,ang pakikipagrelasyon ko sa kanya ay hindi isang business," mariin niyang saad na kinatigil ng ama. "Alam ko na alam niyo kung paano magmahal ng totoo,"dagdag pa niya na lalong nagpatahimik sa ama.
Magmahal?
Is that still lying,Helmer?!
Naikuyom niya ang mga palad.
"Alright..but still. If it is not work with your relationship with her,I'll find another one for you and this time you can't say no..for the sake of our business," maawtoridad nitong sabi.
Gusto niya mapailing sa paninindigan ng ama. Gusto niya ito sumbatan. Minahal naman nito ang madrasta niya na walang kinalaman sa business!
This is so ridiculous!
Kaya ang dapat mong gawin ayusin mo ang kwentong sinimulan mo!
Pwede din naman mauwi talaga sa seryosohan eh since in love naman sayo si Arsha Jade!
Bigla na lang bumilis ang tibok ng puso niya.
Hindi niya alam. Masyadong...nakakapanibago!
Damn.
"What do you mean?" untag niya matapos sabihin sa kanya ni Arsha Jade ang gusto nito mangyari.
Nakauwi na sila matapos nilang mananghalian sa kanila. Naging civil naman ang ama niya sa dalaga kahit halatadong inoobserbahan sila nito at nagpapasalamat na lang siya na totoo talaga ang pinapakita ng dalaga...lalo na sa kanya.
She's so sweet...and..so in love with him.
Damn.
"Nagtrending ang nangyari kagabi at alam ng lahat na ako yun at..you are my humor non-showbiz boyfriend,"tugon nito.
Hindi niya alam ang sasabihin.
" Ako ang bahala. Hindi mo naman kailangan magsalita saka ako naman ang pipili ng itatanong ng host eh,saka ayaw mo yun mas mapapaniwala natin ang Dad mo ang tungkol satin?"
She's right,anyway.
"You are right..pero ayoko lang magulo ang private life ko," aniya.
Ngumiti ang dalaga. "Don't worry,after the interview. Magpapahinga muna ko,gusto ko magpokus sa relasyon ko sayo,"anito na sinabayan pa ng pagkindat na kinamaang niya.
" What do you mean?"
"Well,sabihin na natin gagawin ko ang lahat para mauwi sa totohanan ang pekeng relasyon ito..because you are mine now," anito.
Nahigit niya ang hininga ng halikan siya nito sa pisngi niya kahit mabilis lang yun.
"My manager wants you meet and he's coming later,so..dito muna ko sa bahay mo,okay?" anito sabay upo sa sofa niya at inabala nito ang sarili sa harap ng TV.
Tuliro lang siya nakatayo roon.
Napakabilis ng tibok ng puso niya.
She's so dangerous for him.
Ang bilis ng karma niya sa ginawa niyang ito!
Pero aminin mo na nagugustuhan mo yun,Helmer.
BINABASA MO ANG
TPOGWD Series 10: ARSHA J. URILLIO (COMPLETED)
WerewolfPrincess Arsha Jade Urillio,ang prinsesa ng mga lobo na may angkin na ganda mapisikal man at boses. She love to sing and play musical instrument especially,the Drums. Namana niya sa ina na si Reyna Ayisha ang galing sa pagdadrums na noong nasa Mundo...