Final Chapter

2.7K 114 6
                                    

Thank you so much sa lahat na nagtyaga magbasa ng huling series na ito..lalo na sa paghihintay sa mabagal na updates. Thank you muli sa inyo. I will miss this series😭😭😭

Pumainlanlang ang malakas na tawa ni Phillip ng bumagsak siya sa makapal na nyebe. Habol-habol niya ang hininga. Sa lugar na iyun kung saan sila namumuhay ng kanyang kabiyak na si Arsha Jade Urillio-Helmer. His princess. The beautiful wolf.

Nababalutan ng makapal na yelo ang buong paligid. Napangisi siya ng tumunghay sa kanya ang mukha ng lobo kung kaya tumigil ang pagpatak ng nyebe sa mukha niya.

Inabot niya ang bandang leegan nito at dinama ang kulay berdeng balahibo nito roon. Mainit at tila bulak sa sobrang lambot niyun.

Masaya siya. Napakaswerte niya dahil mas pinili nito makasama siya sa mundo na kinalakhan niya. Lalo ang iwan ang career nito para sa isang mapayapa at tahimik na pamumuhay nila sa Englatera.

"You know,I always love you and protect you,my beautiful wife," usal niya habang nakatitig sa mata ng lobo.

Bumaba ang mukha ng lobo at agad na niyakap niya ang mga braso sa leegan nito.

"I love you so much,my princess...I love you  so much until...forever," anas niya.

Hindi niya pagsisihan na nilisan niya ang mundo nakasanayan at ang pamilya niya para makasama ang kabiyak. Iyun lamang ang sakripisyo na magagawa niya para sa asawa na wala pa sa kalahati na pagsasakripisyo nito.

Tinabunan ng kamay niya ang mga mata ng sumilip ang haring araw sa likod ng mataas na bundok na nababalutan ng nyebe. Agad na napangiti siya ng may mga braso na pumulupot s kanya mula sa likuran niya. Nilingon niya ang asawa at napangisi ng makitang nakabalot lang rito ang manipis na kumot.

"Morning,princess.."

"Morning,my prince," malat ang boses nitong tugon.

Pumihit siya at niyakap ito. Napahinga siya ng malalim ng maramdaman ang init at ang malambot nitong katawan.

Yakap-yakap niya ang babaeng itinakda sa kanya ng tadhana. Magkaiba man ang kanilang uri ng pagkatao. Iisa naman ang kanilang mga puso. Pag-ibig ang nagbuklod sa kanila. Pag-ibig ang tumanggap sa tunay na pagkatao nito at pag-ibig rin kung bakit sobrang saya niya.

Nangako siya sa magulang nito na aalagaan at mamahalin niya habam-buhay ang prinsesa ng mga ito.

"Dito ang mundo na pinagmulan ni Prinsesa Arsha. Ang distrito na kinabibilangan niya. " anang ng Anda ng distrito iyun na siyang naglibot sa kanya.

Lubos ang pagkamangha niya na masilayan ang mundo na pinagmulan ng kasintahan.

"Natutuwa ako na sa isang mabuting lalaki itinakda ang aming prinsesa," maligaya sabi sa kanya ng Reyna.

Napakaganda ng reyna..tulad niya ay isang tao na pinili na makasama ang Hari at iwan ang mundo nila.

"Pangako,mahal na Reyna. Gaya ng pagmamahal niyo sa Hari...hihigitan ko pa iyun para sa inyong mahal na prinsesa.."

"Dapat lang. Mahirap na pareho pa naman tayo ng mundo pinagmulan kaya dapat lang bigay todo ang pagmamahal natin sa kanila," tugon ng Reyna na kinatawa niya.

"It's still early..." usal niya pagkaraan.

"Hmm,I feel you," pilya nitong sabi.

Ngumisi siya sa asawa. "Malamig ang lugar na ito kaya.. Sorry ,everyday like this...and want you," pilyo din niya tugon na kinatawa nito.

Masaya na bumalik sila sa kanilang silid na siyang saksi sa kanilang mainit na pagmamahalan.

The end.

TPOGWD Series 10: ARSHA J. URILLIO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon