Marahas na nilapag ni Phillip ang hawak na kopita ng maubos niya ang laman alak niyun. Hindi na niya alam kung nakailang shots na siya.
"Easy,insan..ayokong maglinis ng bubog ah,alam mo naman takot ako sa dugo at masugatan ako," untag sa kanya ni Denis.
Magkaharap sila nito sa mini bar na pag-aari nitong condo unit. Dito siya pumunta pagkatapos siya iwanan ni Arsha.
Nagsalin siya muli sa baso ng alak hinayaan naman siya ng pinsan.
"First LQ ba?" maya-maya tanong nito.
Napahigpit ang hawak niya sa kopita.
He want to understand her..pero bakit ganun naging unfair ito sa kanya.
"I'm hurt," saad niya. Hindi na siya mahihiya magsabi ng totoo sa pinsan.
"Ayokong manghimasok pero gusto kita tulungan kung...sasabihin mo sakin kung anong nangyari ?" nanantiya nitong tugon.
Tinitigan niya ang hawak na baso. Bumalik sa isip niya ang pag-uusap nila ng kasintahan. Isang iglap bigla ito nagbago. Ang dating malambing at pilya babae biglang naging....malamig at higit sa lahat..mapanganib.
Mabilis na naalala niya ang mabagsik na mga mata nito ng pigilan niya ang kamay nito sa paghampas sa drums.
Napakatalim ng mga mata nito. Tila handa ito na saktan siya kung hindi lang ito agad nakalma ng makita siya.
"Nagsisimula pa lang kayo...malulungkot ang mga fans niyo kapag nalaman nila yan," pukaw sa kanya ni Denis sa sinabi nito.
Muli niya nilagok ang laman ng kopita.
"Ikaw lang nakakaalam kaya ikaw ang sisihin ko kapag nalaman ng lahat," kalmante niyang tugon rito.
Nanlaki ang mga mata nito sa sinabi niyang iyun.
"Seryoso?!" maang nito saad.
Marahas siya napabuga ng hangin. Hindi pinansin ang naging reaksyon ng pinsan.
"May...isang bagay siya na di niya pa kaya ipaalam sakin," maingat niyang saad.
No,stop there,Helmer!
Kahit masama ang loob mo at bahagya inis para sa kanya hindi dapat sasabihin ang mga nalaman mo kakaiba sa kanya! Sa inyong dalawa lamang yun. You promise to her!
Napatiimbagang siya. Sigurado siya na may kinalaman ang pinaggaganun nito sa natuklasan niya sa dalaga.
Hindi lang marahil nito masabi sa kanya dahil sigurado din siya na natatakot ito.
Pero...mukhang hindi pa ito nagtitiwala sa kanya.
Seryoso at sinsero siya na sinabi niyang iinitindihin niya ito kung anuman ang bagay na kailangan niya malaman mula rito.
Naikuyom niya ang mga palad.
"Gaya ng ano?"
Mapait sya napangiti at napailing sa pinsan na naghihintay ng sagot sa kanya.
"Siguro iintindihin ko na lang siya..magkaiba mundo namin at baka...naninibago na siya sa mundo ko," pagsalisi niya sa naunang sinabi niya.
"May point ka dun pero...sure ka yun lang ang rason?" pagdududa nito turan.
Sinulyapan niya ang pinsan.
Tumigil ka na sa pag-inom,Helmer. Baka pagsisihan mo sa huli kapag may nasabi ka dahiL sa kalasingan mo na dapat kayong dalawa lang ang nakakaalam!
Bumuntong-hininga siya.
"I hate a being dramatic,hindi naman ako artista,"aniya na kinailing ng pinsan saka ito natawa sa huli.
" Kaya nga eh,akala ko pa naman iiyak ka at aaluin kita,how's sweet,right?!"panunudyo nito.
Sinamaan niya ito ng tingin. "Kadiri ka," tugon niya rito na kinatawa nito ng malakas.
Arsha,hon...I'll give you time..but please,come back soon. I miss you.
BINABASA MO ANG
TPOGWD Series 10: ARSHA J. URILLIO (COMPLETED)
Loup-garouPrincess Arsha Jade Urillio,ang prinsesa ng mga lobo na may angkin na ganda mapisikal man at boses. She love to sing and play musical instrument especially,the Drums. Namana niya sa ina na si Reyna Ayisha ang galing sa pagdadrums na noong nasa Mundo...