Chapter 27

2.7K 116 7
                                    

Kuntento na pinagmasdan ni Prinsesa Arsha ang buong paligid. Isang napakalawak na Arena para sa nalalapit niyang concert. Isang buwan bago iyun maganap pero ngayon pa lang pinaghahandaan na nila iyun.

Pakiramdam ko iyun na ang huling concert mo,mahal na prinsesa..

Napangiti siya. Naiisip na rin niya iyun. Kahit kakasimula pa lang ng relasyon nila ni Phillip sigurado naman siya sa huli pipiliin niya ito kaysa sa career niya matanggap man siya nito o hindi.

Pero sana manaig pa rin ang love ni mate para sayo,mahal na prinsesa..

"Ipapakita sayo ang sitting arrangement kung may gusto kong setup na baguhin just tell me,okay?" pukaw sa kanya ni Tita Mariane.

Agad na tumango siya rito. Kasulukuyan nasa may entablado sila at doon nga ay tinanaw niya ang kalawakan ng lugar.

"It's going a big day.."

"Yes,indeed..hindi ko nga inaasahan na ito ang hihingin mo para sa birthday mo," anito.

Napangisi siya rito. "Gusto ko makasama ang mga tao na nagmamahal sakin sa tuwing kaarawan ko,alam mo yan," aniya.

"Oo nga. Every year ginagawa mo ito at ang kinikita niyun dinodonate mo but this time is a big concert," mangha saad nito.

Totoo yun imbes na magcelebrate siya ng solo o mamasyal at magbakasyon sa lugar na magaganda. Iyun ang ginagawa niya. Iba nga lang sa pagkakataon ito.

"Siguro related din ito kay Papa P!"

Napailing siya sa tinuran ng manager.

"Oh,speaking of gwapo,he's here!"

Agad na napalingon siya sa nginuso ng manager. Nauna pa ito lumapit sa mate niya at binati.

Matamis na nginitian niya ang kasintahan ng makalapit ito sa kanya.

Hinalikan siya nito sa gilid ng nuo niya at kinilig naman ang naroroon na kasama nila.

"Done to check here?"

Agad na tumango siya. "Yes."

Nilingon nito ang buong venue. "Ngayon pa lang nakikita ko na mapupuno ng mga fans mo ang lugar na ito," anito saka bumaling muli sa kanya. "I'm so proud being your boyfriend,Arsha," matiim nitong saad.

"And I am lucky to have you in my life,Phillip..Ikaw ang kukumpleto sa buong pagkatao ko,"tugon niya rito.

Hinapit siya nito palapit sa katawan nito at natawa siya ng magtilian ang mga nandoon nangunguna na ang binabae niyang manager.

"Pwede ka na ba umalis? Tara? Hindi pa rin ako sanay na nakakarinig ng tilian," usal nito na kinatawa niya ulit.

"Okay,paalam muna tayo sa kanila," aniya.

Inalalayan siya nito makababa sa stage.

Hindi naman kaagad nakawala ang kasintahan sa mga kasamahan niya at tunay na nakikisama ang binata sa mga taong na tumutulong sa kanya at iyun ang mas nakakapagpainit sa puso niya dahil pinapahalagahan din nito ang mga tao pinapahalagahan niya.

Napangiti siya ng makitang tumatawa ito sa pagbibiro ng mga staff nila isa na dun ang manager niya.

Naglakad-lakad muna siya hanggang sa makarating siya sa di kalayuan sa may stage.

Magiging saksi ang lahat na pupuno sa lugar na ito sa gabing iyun.

Last concert for the future life with our mate,right?

Tumango-tango siya. Napalingon siya ng maging alerto ang senses nila ng kanyang wolf.

Marahil masyado siya naengross sa paligid kaya hindi niya agad nila naramdaman ang pagbagsak ng isang poste ng ilaw.

Napasinghap siya ng nahagip niyun ang braso niya dahilan upang magkasugat at dumugo iyun.

Mahal na prinsesa!

Sapo niya ang nasugatan braso.

"Arsha!!!"

Mabilis na nakalapit sa kanya si Phillip. Marahil shock pa siya kaya hindi niya namalayan ang pagdating nito. Puno ng pag-aalala na sinuri nito ang sugat niya na nagdurugo.

"You bleeding! Let's go to the hospital!"

No no no...

"H-hindi na,maliit lang naman ito," tanggi niya na hindi inaalis ang pagkakatakip sa nasugatan niyang braso.

Matiim na tinitigan siya ng binata pero nandun pa rin ang pag-aalala sa mga mata nito.

"Let me see it kung maliit lang..it's bleeding,Arsha.."

No---way...

Inaamin niya ngayon lang siya kinakabahan at tanging mate lang niya ang nagpaparamdam sa kanya ng ganun emosyon.

"Arsha.."

Hindi na siya nakatanggi ng alisin nito ang kamay niya sa braso at salubong ang mga kilay nito na tinitigan ang braso niya.

Naipikit niya ng mariin ang mga mata.

"Ohmygod! Anong nangyari ?! " humahangos na lumapit sa kanila si Tita Mariane kasunod din ang mga kasamahan nila.

Napalunok siya habang nakatitig sa seryosong mukha ng binata.

"May dugo ka?! Ayos ka lang ba,Arsha!"

Agad na hinila siya palapit sa katawan ng binata at kinubli nito mula sa manager niya ang nasugatan niyang braso.

"Dadalhin ko ho muna siya sa hospital,she's got a little wound," saad nito sa manager niya na hindi na nagawa pang usisain ang sugat niya. Mabilis na giniya siya nito paalis sa lugar na iyun.

"I...I can't go to the hospital," mahina niyang saad.

"I know,we're going home and take a rest," tugon nito.

Hindi na siya umimik at nakahinga siya ng maluwag.

Anong sasabihin natin sa nalaman niya? Sasabihin na ba natin?

TPOGWD Series 10: ARSHA J. URILLIO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon