Chapter 7

2.4K 125 6
                                    

"Sino yang kasama mo?" agad na usisa ni Tita Marian sa kanya ng makita nito si Paula na masayang-masaya na nakikipag-usap sa mga staff ng network na kinaroroonan nila.

"She's my newfound bestfriend,"agad niya tugon rito.

" Saan mo naman napulot yan?"

Natawa siya sa tanong nito. "Kapatid siya ng kapitbahay kong masunget," tugon niya at inabala ang sarili sa binabasang script.

Mga tanong na itatanong sa kanya ng host.

"Wala ka naman kapitbahay ah?"

"Dun sa bagong bahay," aniya.

"May nakatira na pala dun. Lalaki ba?"

Napabaling siya rito. "Oo..Phillip pangalan niya,"tugon niya.

"Lalaki? Gwapo ba? Bakit di ko ata nakita kahapon?!" bigla enteresado nitong tanong na kinatawa niya.

"Hmm.."

Gwapo nga kaso masunget.

"Gwapo naman," aniya na kinatili nito ng mahina.

"Aagahan ko ang pagsundo sayo dun para makita at makilala ko!"

Natatawa na napailing na lang siya.

"Kaso,ano? Kilala ka ba niya? Well, sino ba naman hindi noh! Sa ganda at sexy mo yan Naku,walang lalaki na hindi magkakagusto sayo!"

Napabuga siya ng hangin.

Wala nga siya bilib satin eh...paano yun?

"He don't know me,green kasi ang mata ko ng makita niya ko," tugon niya rito na kinataas ng kilay nito.

"Aww..well,so,hindi ka niya nakilala as Arsha Jade?"

Umiling siya. "May deal kami ng kapatid niya. Hindi niya ipapaalam na ako si Arsha Jade sa kanya since hindi alam ng magkapatid kung ano ba talaga kulay ng mata ko?" aniya.

"Hay~ sabagay,pero ayos na yan,basta wag masyado maglalapit dun baka mamaya maniac yun kahit gwapo pa yun!"

Muli siya natawa. "Hindi naman..sa sunget nun dedma nga ang beauty ko eh," gay lingo niyang wika na kinatawa ng binabae niyang manager.

"Ate Arsha! Thank you,sinama mo ko rito!" paglapit sa kanya ni Paula.

Nginitian niya ito. "Kung kailan ka pwede isama ka,isasama kita pero syempre di nakakaabala sa  study mo,okay?"

"Opo,Ate Arsha. Promise ko nga di ba. Mag-aaral ako ng mabuti para lagi mo ako kasama!"

"Okay!"

Lumapit na ang director para simulan na ang morning show.

"Sa pagiging isang matagumpay na singer at bilang modelo ng mga kabataan ngayon na maging isang inspirasyon ng lahat bukod roon may isang bagay pa ba na hindi pa kumukumpleto sayo? Is it a love life?" pang-uusisa ng babaeng host.

Natawa siya sa huLing tanong nito.

Careful,princess!

"Palagi ko sinasagot sa mga interview ko about my love life,na ang mga fans ko ang aking inspirasyon at nagbibigay sakin ng happiness,well,ngayon may nabago na sa sagot ko na yun," pagsagot niya .

May nagtilian ilan fans niya na mapalad na nakapasok sa loob ng studio iyun.

"Wow! Guys! Mukhang maylove life na si Ms.Arsha Jade!" natutuwang anunsiyo nito sa harap ng camera.

Agh,kinakabahan ako sa sasabihin mo,prinsesa!

Natawa siya ng mahina at tumutok na sa kanya ang camera at ang lahat ng mga audience na halatang nasasabik ng marinig ang sasabihin niya.

"As of now,masasabi kong...nagustuhan ko siya sa unang pagkikita namin," nakatitig sa camera saad niya.

Nanunuod kaya yun?

Nagtilian na ang lahat.

"Nasa show business din ba o non-showbiss?"

Nginitian niya ang host.

"Non-showbiss," tugon niya na kinatili muli ng lahat.

Tumingin siya kay Paula. Nanlalaki ang mga mata nito habang takip-takip ang bibig.

Alam niyang nahulaan na nito kung sino ang tinutukoy niya.

Nginitian niya ito.

TPOGWD Series 10: ARSHA J. URILLIO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon