Chapter 22

2.6K 119 6
                                    

"Seriously?! Dun mo talaga dinala si Arsha?!" bulalas ni Denis sa kanya pagkaraan ipakita nito sa kanya ang larawan nila ng dalaga na magkahawak-kamay  habang naglilibot sa perya ng gabing iyun.

Hindi niya inaasahan na may makakakilala pa rin sa kanila kahit abala ang paligid.

Napabuga siya ng hangin. "It's her idea to go there," aniya.

Napaawang ang mga labi ng pinsan. "That's weird! Ang isang tulad niya sa isang romantikong lugar dinadala!"

Nagsalubong na ang kilay ni Phillip. Naiirita na rin sya sa nagiging reaksyon nito. Tila naman agad nahalata iyun ng pinsan.

"Hey,I just concern ,okay?! Kahit crush na crush ko yun,masaya ako para sa inyo,sa katunayan nga niyan fan niyo ko sa love team niyo eh!" agad na depensa nito.

Napailing siya. "Thanks for that..pero maniwala ka,siya ay may gusto na magpunta sa lugar na yun. Masaya siya kung saan niya gusto,iyun ang...mahalaga sa...kin," saad niya.

Napangisi ang pinsan. "Seryoso na ba,insan?"

Agad na sinamaan niya ito ng tingin na kinatawa nito.

"Why not?! Bagay kayo! Saka...mukhang naenjoy mo nga kasama mo siya eh!" pagnguso nito sa larawan na nasa screen ng tablet nito.

"Bumalik ka na nga sa trabaho mo," pagtataboy niya rito.

Naiilang na sya sa panunudyo ng pinsan. Tumawa ng malakas ang pinsan saka tumayo na at dinampot ang tablet nito.

"Hindi naman masama kiligin eh,ako din naman nakakaramdam kilig eh," pang-aasar pa nito.

Mabilis na nakaiwas ito ng batuhin niya ito ng nilamukos niyang papel.

Tatawang-tawa na mabilis na lumabas ng opisina ang pinsan.

"Ang saya-saya,ayoko lang ipahalata kasi ayos lang ako kapag kasama kita~~"pakanta pa nito bago ito tuluyan sinara ang pintuan ng opisina niya.

Napailing na lang siya muli sa pang-aasar ng pinsan. Aminado naman siya na tama ito. Nakakaramdam nga siya ng kilig.

Damn! So girly!

Agad na natigilan siya ng may eksena na hindi niya makakalimutan ng gabing iyun.

Pabalik na siya noon sa pinag-iwanan niya sa dalaga ng sandaling magpaalam siya para gumamit ng banyo at saktong nasaksihan niya kung paano na tila hangin sa bilis ang kilos ng dalaga ng iligtas nito ang pusa mula sa pagbagsak ng isang poste. Hindi siya kaagad nakakilos dahil sa kabiglaan pero sigurado siya nasugatan ang dalaga. Sa may braso nito pero ganun na lamang pagtataka niya ni wala na kahit gasgas roon!

Napakaimposible.

Hindi siya namamalikmata lamang. Ang bilis ng kilos nito.

Hindi iyun magagawa ng isang ordinaryong tao lalo na isang babae dahil kahit siya hindi niya magagawa yun!

Napaigtad ang binata ng bigla na lamang may mainit na dumampi sa pisngi niya. Gulat na gulat na napasulyap sa gumawa iyun.

Ang nakangising dalaga na si Arsha ang nalingunan niya.

"Ang lalim ng iniisip mo kaya hindi mo na namalayan nakapasok na ko!"

Gulat pa rin siya. Lalo na at ramdam pa rin niya ang halik nito sa pisngi niya. Bigla tuloy uminit ang pakiramdam niya.

Tumikhim siya ng mahamig niya ang sarili.

"Yeah,sorry..uh,you here?"

Umupo ito patalikod sa mesa niya sa kanang bahagi ng gilid niya. Tiningala niya ito at hinintay na sumagot.

"Nakita mo na yung news?"

Tumango siya kaagad. "It's alright,kahit na sinabihan ako na cheap na boyfriend," iiling-iling na saad niya.

Mga tao nga naman!

"I don't like it..."

"Don't mind them,ang mahalaga naman nag-enjoy tayo..ikaw," saad niya.

Nakasimangot na tumango ang dalaga.

Hindi na niya pinigilan ang sarili. Kinuha niya ang kamay nito at pinatakan ng halik ang likod ng palad nito. Napatitig ito sa kanya.

"I'm happy that you're happy,kahit sa palengke pa tayo mamasyal..I want to see you happy whatever you want,okay?" matiim niyang saad rito.

Damn..siniseryoso na ata niya ito pagpapanggap nila!

TPOGWD Series 10: ARSHA J. URILLIO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon