Chapter 23

2.6K 115 7
                                    

Agad na napaangil sa isip niya ang kanyang wolf ng matanaw nila ang isang babae na kausap ang sekretarya ni Phillip.

That girl! Hindi pa tayo nakakaganti sa bruha yan!

Calm down,wolf.

Muli siya nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makalapit na siya sa mga ito.

"May kameeting pa po kasi si Sir Phillip kaya hindi po pwede abalahin,ipapaalam ko po sa kanya at pwede po kayo maghintay,Miss.Chui," magalang na sabi ng sekretarya ng binata.

"You let me wait here? Mainit nga dito eh. Wala ba dito yung private room for his visitor na pwede maghintay sa kanya,Yung may aircon,please lang!" maarte nitong sabi.

Halatadong nagtitimpi lang ang sekretarya sa kaartehan ng kausap nito bagamat nakangiti pa rin. Napasulyap ito sa kanya at agad na nabuhayan ng makita siya.

"Ma'am Arsha!"

Agad na napalingon sa kanya ang babae at kita niya ang pamumutla nito.

Ngumiti siya sa mga ito. "Hi,morning,Sandy!" bati niya sa sekretarya.

"Magandang umaga din po! Uh,may kameeting pa po si Sir Phillip sa loob,Ma'am Arsha," anito.

"Ganun ba,alright,I can wait there!" aniya sabay turo sa receiving area kung saan may sofa set roon.

Napalingon doon ang babae.

"Yes,Ma'am Arsha! Ipapaalam ko po kay Sir Phillip na nandito po kayo," anito.

"Hinihintay mo din siya?" untag niya sa babae na tahimik pa rin.

Tumikhim ito at taas noo na humarap sa kanya.

"Oo.."

Tumango-tango siya. "Pwede tayo umupo dun," alok niya rito roon.

Humalukipkip ito na tila hindi nagustuhan ang alok niya.

"So,it's true na girlfriend ka nga niya?"

Ngumiti siya rito. "Yes.."

Tumikwas ang isang kilay nito. "Hindi kaya magulo ang buhay niya sa klase ng career na meron ka?"

Eh siya nga itong panggulo eh!

"Naisip ko rin naman yan,Miss. Chui,kaya ko naman iwan ang career ko...para sa kanya," nakangiti niyang tugon rito.

Hindi nakaimik ang babae at iniwan na roon nakatayo.

"Gaano ka naman kasigurado na kayo talaga magkakatuluyan? Sasayangin mo lang ang lahat para sa kanya,"sabi nito na kinatigil niya sa paghakbang at nilingon ito.

Nanghahamon ang naniningkit nitong mga mata.

"Hindi man kami sa huli hindi ko pagsisihan at saka alam ko kami ang itinadhana dalawa," saad niya.

Nakita niya sa gilid ng mga mata niya ng pagtango ng sekretarya na kanina pa nakikinig lang sa kanila dalawa.

Tumawa ang babae na sinabayan pa ng pagpaypay sa sarili gamit ang isang kamay nito.

"Lyrics ba yan sa kanta mo?" tuya nito sa kanya.

Aba't bruha to!

"Alam mo ba na ang lyrics na bumubuo sa isang kanta ay base mula sa katotohanan?" nakangiti niyang tugon rito na kinatigagal nito.

Naulinigan niya ang mahinang pagtawa ng sekretarya.

"Anyway,upo ka mukhang matagal tayo maghihintay sa honey ko," aniya sabay kindat rito na sinabayan na niya ng pagtalikod rito.

Buti nga sa kanya,pahiya ang bruha...

Cool na umupo siya sa pandalawahang sofa. Napaangat siya ng tingin ng umupo sa single sofa na kaharap niya ang babae na matalim ang tingin sa kanya.

"Ako ang gusto ni Tito Gary para kay Phillip. Well,hindi pa naman kayo kasal kaya may pag-asa pa kong makuha siya sayo..kahit kilala ka pa ng buong mundo hindi ako natatakot sayo dahil wala akong gusto na hindi ko nakukuha," mapanghamon nitong sabi.

Napabuntong-hininga siya. "Okay..tatandaan ko yan sinabi mo,Miss.Chui," kalmante niyang tugon.

Inirapan siya nito at padarag na dinampot ang isang babasahin na nasa ibabaw ng center table.

Baka hindi niya alam kung sino ang tinatakot niya! Kung tutuusin kayang-kaya natin bilhin ang buhay niya!

Bakit ang tapang mo ngayon,wolf?

Hmph! Natitrigger ako ng bruhang yan eh..

Tahimik lang na tumawa siya. Agad na nginitian niya ang babae ng mapatingin ito sa kanya saka muli siya inirapan nito.

Nagkibit na lang siya ng balikat at inabala ang sarili sa pakikinig ng music ng isalpak niya sa magkabilang tainga ang earphone niya at ipinikit ang mga mata.

Wala pa naman siya tulog dahil sa...in heat nila ng wolf niya.

TPOGWD Series 10: ARSHA J. URILLIO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon