Chapter 26

3K 121 13
                                    

Namumutla at hindi makatingin sa kanya ang babae na siyang umasikaso ng bulaklak na natanggap ni Arsha na inakala nito na siya ang nagpadala.

"Sakin nakapangalan ang resibo,tama? Ako ba ang nakaharap mo at pumirma nito?"malamig at seryoso saad niya sa babae.

Kanina pa rin hindi mapakali ang may-ari ng flower shop.

" u-uh,Mr.Helmer,pasensya na hindi ko kasi alam na...ginamit pala ang pangalan niyo,"puno ng paumanhin turan ng may-ari.

"I can sue you,anyway," may banta saad niya na kinaputla lalo ng babae.

"S-Sir..p-pasensya na po. S-sa inyo daw po i-ipangalan k-kaya po iyun po ang nilagay ko," mangiyak-ngiyak na saad ng babae.

"Sino nakausap mo?"

"B-babae po eh..h-hindi ko po alam ang pangalan p-pero maganda,maputi at...singkit po ang mga mata niya,"agaran tugon nito.

Hindi na niya kailangan pag-isipan kung sino ang isinasalarawan nito.

Kristine..

"Mr.Helmer,pasensya na ho talaga! Baka naman po pwede na lang po pag-usapan,ginawa lang ho niya ang trabaho," pagdepensa ng may-ari sa umiiyak ng empleyado nito.

"I want this flower!"

Agad na napabaling siya sa bagong lapit na babae sa kanila. Isang matamis na ngiti ang ipinukol sa kanya ng kasintahan.

Nagningning sa pagkamangha ang kulay berde nitong mga mata.

"Yes,Ma'am.." agad na pag-asikaso rito ng may-ari.

Nakasuot ng green cap ang dalaga at nakalugay ang mahaba nitong buhok. Nakawhite v-neck tshirt at kupas na maong na kupas. Napakasimple nito sa suot nito pero lutang pa rin ang kagandahan nito.

"Hey,huwag ka na umiyak,here," pag-abot nito ng puting panyo sa babaeng empleyado na tahimik lang na umiiyak.

Natigilan ang babae tila nag-aalangan at parang pilit na minumukhaan ang kaharap nito sa kabila ng pag-iyak pa rin nito.

Napabuntong-hininga siya saka niya hinapit sa beywang ang dalaga at pinatakan ng halik ang gilid ng nuo nito.

Agad na umiwas ng tingin ang babae sa kanila.

"It's Kristine," usal niya pagkaraan.

Nakangiti pa rin ang dalaga. "Well,no wonder. Patay na patay kaya yun sayo," anito.

Nagsalubong ang mga kilay niya sa naging tugon nito. "Tss,hindi ka ba naiinis? Last time ginawan ka niya ng hindi maganda tapos ngayon siya ang may pakana ng prank na yun," may diin niyang saad.

Nagkibit ito ng balikat. "She's just in love with you," simple nitong sagot sa kanya.

"Ma'am,heto na po," pagbalik ng may-ari at agad na natigilan ng makita yapos niya ang dalaga. Tila agad nito nahulaan kung sino ang babae nasa harapan nito ngunit hindi na kumibo pa.

"Salamat!"

"H-huwag niyo na po bayaran,Ma'am!"

Napabuga siya ng hangin. "Thanks for that.." aniya sabay baling sa babae.

"I'm sorry,Miss..and thank you for telling me the truth,good day," aniya sabay giya na niya sa kasintahan palabas ng flower shop.

Kipkip ng dalaga ang bulaklak.

"Next time,let me give you flowers,hon,naunahan mo lang ako ngayon," aniya.

"Okay!"

Inalalayan niya ito makasakay sa kotse niya bago niya isinara ang pintuan pinatakan muna niya ng mabilis na halik ang mga labi nito.

Nginisihan niya ang dalaga na napasinghap sa ginawa niya at mabilis na umibis para sumakay na sa drive seat.

Inabot niya ang kamay nito at pinagsalikop niya ang kanilang mga daliri at dinala sa ibabaw ng hita niya habang magkahugpong ang kanila mga kamay.

"Magluluto ako ng lunch natin,okay?"

"Hmm,lunch date? For real na?!"

"Yes with full efforts and love," aniya sabay dala niya sa mga labi ang hawak niyang kamay rito.

Ngayon nakompirma na ang kutob niya hindi niya palalampasin ang ginawa ng babae.

Pipilitin niya na maging mabait pa sa babae sa ginawa nito dahil alam niyang ayaw na ng palakihin pa ng kasintahan ang isyu iyun. Pero hindi siya matatahimik kung hindi niya makakausap ang babae.

Sisiguruduhin niya wala sinuman ang makakapanakit sa kasintahan.

Kapalit man niyun na maging magulo ang buhay niya dahil sa klase ng buhay na meron ang kasintahan niya. Poprotektahan niya ito kahit na ba marami pa rin ang nagmamahal dito pero sisiguruduhin niyang mangunguna siya sa mga iyun.

TPOGWD Series 10: ARSHA J. URILLIO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon