Hindi ito panaginip at lalong Hindi siya naghahalusinasyon.
Totoo.
Totoong-totoo ang nakikita ng dalawang mga mata niya na kung ano at sino ang nasa harapan niya!
Hindi siya kumukurap,he's afraid na baka pagkumurap siya bigla ito maglaho at matantong panaginip lamang iyun.
Pero...his girlfriend. His naughty and playful girlfriend is a...wolf!
Ang nilalang na katulad na nasa panaginip niya!
The hell?!
Gayunpaman,nagulantang pa rin siya sa nasaksihan sa pagbabago ng anyo ng kasintahan. Tila ba na sa isang fantasy series sila ng mga oras na yun.
Hindi maikakaila na totoo talaga ang nakikita niya.
Umihip ang malakas na hangin na siyang nagpabalik sa sarili niya.
She's scared and...hurt.
Kitang-kita niya sa malalaking mata ng lobo na anyo nito ang mga emosyon na yun...na siya din nararamdaman na niya ngayon.
He's scared..kasi baka hindi na ito magpakita pang muli sa kanya ngayon alam na niya ang tunay nitong pagkatao.
And he's hurt,too..kasi nasaktan niya ito. Hindi siya naging matatag upang iparamdam dito na...hindi siya natatakot rito. He's a big jerk to let her go na nasasaktan.
Humakbang ang mga paa niya.
"Arsha..." anas niya habang pabilis ng pabilis ang hakbang niya para sundan ito hanggang sa takbuhin na niya ang patungong elevator.
Nanginginig ang mga daliri na pinindot niya ang button..sa ground floor.
"Shit! Wait for me,baby..."
Hindi na siya mapakali. Tila napakabagal ng elevator pababa. Damn it,sana naghagdan na lang siya.
Mariin niya naipikit ang mga mata. Gumitaw sa likod ng isip niya ang mga mata ng lobo;ng kasintahan.
Halos mamuti na ang kamao niya sa pagkakakuyom ng mga palad niya.
"I'm sorry...please,wait for me,"usal niya habang sinisisi ang sarili dahil sa tagal ng kawalan niya ng reaksyon kanina.
Damn you,self!
Hindi pa man nagbubukas ng tuluyan ang elevator isiningit na niya ang sarili at pwersahan lumabas doon. Agad na hinanap ng mga mata niya ang buong paligid.
"Arsha!!!" sigaw niya kahit mukha na siyang baliw roon. Tanging mga sasakyan lang ang nandoon.
Tumakbo siya kahit wala dereksyon basta may matanaw lang siya sasakyan na paalis sigurado siya na maabutan pa niya ito.
Damn!
"Arsha!"
Palabas na siya sa area iyun ng bigla naman siya pagsulpot ng isang kotse papasok sa parking area. Nasilaw siya at inaasahan na niyang masasagasaan siya.
To his shock again. May kung ano malakas na kabig ang nagpasinghap sa kanya paiwas sa kotse iyun.
Isinandal siya nito sa malamig na pader sa isang sulok.
"Ayos lang kayo,mahal na prinsipe?"
Awang ang mga labi at gulantang na napatitig siya sa babae na siyang nagligtas sa kanya.
Kilala niya ito. Nakita na niya ito at nakilala sa wedding anniversary ng kanyang ama at madrasta.
Si Valerie. She's too fast and strong...like..Arsha.
"L-lobo ka din?" tuliro usal niya.
Masuyong ngumiti ang babae at tumango.
"Oo,mahal na Prinsipe.."
"P-prinsipe? Ako?"
Ang ngiti nito ay nauwi sa pagngisi.
"Yup,kasi isang prinsesa ang kasintahan niyo," anito.
Okay...easy mind..just calm down,my brain.
"Okay lang ba ang mahal na prinsipe?"
Agad na napabaling siya sa nagsalita.
Si Zei.
"Ayos lang ako...pero...si..Arsha?"
Nagsquat si Zei sa tabi ni Valerie.
"May oras pa naman para maging maayos ang lahat. Hindi mo naman siya susundan at muntikan ng ibuwis ang buhay kung hindi mo siya tanggap..ang tunay na pagkatao niya," tugon nito. "Yung alak na binigay ko sa inyo,mahal na prinsipe. Isa iyun alak ng pagtanggap. Kapag mas malinaw na ang niyo at kalmante na sasamahan ka namin ng aking mahal na anak sa prinsesa," anito sabay akbay kay Valerie na nakangisi pa rin.
Mag-ama ang mga ito!
"I...I can't believe all of this..I mean,you and Valerie..?"
Ngumisi si Zei. "Isa sa katangian ng mga lobo ang pananatiling bata ang pisikal na anyo," anito sabay kindat sa kanya.
"Damn...I need water," anas niya.
Natawa ang mga ito.
"Mukhang relax na siya,ama.."
"Ihahatid ka na namin pauwi. Sa ngayon palipasin niyo muna ang lahat lalo pa at...iniisip ng prinsesa na hindi niyo siya tanggap," anang ni Zei.
Nauunawaan niya. Kasalanan naman niya iyun.
"Salamat..sana hindi matagal."
"Oo naman..masyado na rin matagal naghintay ang mahal na prinsesa sa inyo kaya..mangyayari na ang happy ending niyo," Nakangisi saad ni Zei.
"I love her.." anas niya bago siya tuluyan nilamon ng dilim sa hindi malaman dahilan.
"Rest well,mahal na prinsipe," saad ni Valerie bago siya nakatulog.
BINABASA MO ANG
TPOGWD Series 10: ARSHA J. URILLIO (COMPLETED)
Hombres LoboPrincess Arsha Jade Urillio,ang prinsesa ng mga lobo na may angkin na ganda mapisikal man at boses. She love to sing and play musical instrument especially,the Drums. Namana niya sa ina na si Reyna Ayisha ang galing sa pagdadrums na noong nasa Mundo...