Hindi maikubli ni Phillip ang mamangha habang pinapanuod si Arsha Jade sa pag-autograph ng poster nito. Marami iyun at tila hindi man lang nangangawit ang dalaga sa pagpirma ng mga iyun.
Nag-angat ng mukha ang dalaga sa kanya. "What?"
"Left-handed ka pala," amuse niyang saad.
Magkaharap sila nito sa pabilog ng mesa na nakapwesto sa harapan ng bahay niya.
Napangiti ang dalaga at iyun na naman ang kabog ng dibdib niya. Lihim na lamang siya napabuntong-hininga.
"Hmm,gusto mo din ba ng autograph ko?"
"Ayoko," tugon niya.
"Bakit naman?" untag nito at kunwa'y nalulungkot. Hindi naman siya nabahala dahil nasa kislap ng kulay berde mga mata nito na nagbibiro lang ito.
Tumitig siya sa mga mata nito.
"Akala ko kulay brown talaga ang mga mata mo," usal niya.
"Ikaw at si Tita Marian lang ang nakakaalam ng totoong kulay ng mga mata ko," anito.
"Bakit naman?" kuryuso niya turan.
Nagkibit ng balikat ang dalaga. "Siguro kapag gusto ko lumabas na hindi pagkakaguluhan ng nakakakilala sakin dahil iba ang kulay ng mga mata ko?"
"You're beautiful face is easy to recognize,brown man o berde yan mga mata mo,they will know na ikaw pa rin si Arsha Jade," tugon niya na kinangiti ng dalaga.
"So,narecognize mo ako kaagad na ako nga si Arsha Jade nung una tayo nagkita?"
Hindi siya kaagad nakaimik. Naguluhan pa siya niyun pero alam niyang iisa nga ang babaeng kapitbahay niya at ang kilalang singer.
"I'm confuse at the first time..." matapat niyang sagot.
Tumango-tango ang dalaga. "Yeah,if I know na wala ka nga pala bilib sakin..in short hindi ka interesado sakin," pasaring nito sa kanya na kinamaang niya.
"How did you say that..?"
Nagkibit ng balikat ang dalaga. "Paula said," anito.
Nagsalubong ang kilay niya at napabuga ng hangin.
"Alright...that's true," pag-amin niya.
"Until now?"
"Ahm,you're kind and..well,we have a lot of times to getting to know each other,right? Hanggat nagpapanggap tayo magkarelasyon," aniya na hindi tumitingin sa mga mata ng dalaga.
Alam niyang nakatitig sa kanya ang dalaga kaya ganun na lang ang pagkailang niya.
Bakit parang ang hirap sa kanya na sabihin na nagpapanggap lang sila?
"Hindi ba magiging seryoso yun?"
Napaangat siya bigla ng tingin sa dalaga sa tanong nito.
"Arsha...hindi pa ko pumasok sa isang relasyon. Like I said,this is my first time...to have a girlfriend kahit na palabas lang yun," saad niya.
"Paano kung magdemand ako na seryusohin na lang natin?" deretsahan nitong sabi.
Napaawang ang mga labi niya.
"I know you seducing me,Arsha...that's your plan to make me fall for you,right?"
Napangiti ang dalaga. "Paano mo naman nasabi yun?" kaila pa nito.
"Because you in love with me.." simple niyang sagot.
Hinawi nito ang buhok na tumabing sa kabilang pisngi nito at tila nang-aakit na inipit iyun sa likod ng tainga nito habang nakatitig ito sa mga mata niya. Ang masaklap pa naaapektuhan siya niyun!
Damn!
"Naaakit ka ba sakin?" playful nitong saad habang nakatitig sa kanya.
Shit!
Pinaningkitan niya ito ng mga mata. "Crazy...tapusin mo na yan ginagawa mo," tugon niya sabay tayo niya.
Bigla na lang kasi uminit. Ewan ba niya!
Tumawa ang dalaga at pinukulan niya ito ng masamang tingin.
"Date mo naman ako," sabi nito habang nakatingala sa kanya ang maganda nitong mukha.
Napabuga siya ng hangin. Kunwa'y napipilitan lang siya. "Saan mo gusto?"
"Sa amusement park!"
"Baka pagkaguluhan ka?"
"Eh...pwede naman magdisguise eh! Saka Ikaw din kilala ka na din ngayon ng lahat!"
Oo nga naman.
"Alright..tapusin mo na yan," aniya.
"Yehay! Idi-date niya ko!" tila bata nitong turan.
Bago pa man makita nito ang pagngiti niya agad na tinalikuran niya ito.
"I love you,honey!"
Napalakas tuloy ang sara niya sa pintuan ng marinig ang sinigaw na iyun ng dalaga.
Kinapusan din siya ng hangin. Nasapo niya ang dibdib na kulang na lang ay lumabas ang puso niya sa sobrang pagwawala niyun.
"Damn...bakit ba niya ginagawa sakin 'to?" pikit-mata niyang anas.
Ang masarap na pakiramdam na ito lamang ang nakapagdulot sa kanya.
BINABASA MO ANG
TPOGWD Series 10: ARSHA J. URILLIO (COMPLETED)
LobisomemPrincess Arsha Jade Urillio,ang prinsesa ng mga lobo na may angkin na ganda mapisikal man at boses. She love to sing and play musical instrument especially,the Drums. Namana niya sa ina na si Reyna Ayisha ang galing sa pagdadrums na noong nasa Mundo...