Chapter 5

2.5K 116 11
                                    

Hindi kaya magpanik si Tita Marian na wala ka pa sa studio?

Natawa na lang siya sa magiging reaksyon ng manager sa oras na magtaka ito na wala pa siya sa pinag-usapan nila. May short rehearsal kasi siya at biglaan yun dahil may guesting siya kinabukasan sa isang morning show.

Sinulyapan niya ang suot na relo. Alas y saiz na ng gabi. Hindi siya sigurado kung sa ganun oras umuuwi ang lalaki.

She want to know his name. Pwede naman niya malaman sa tulong ng dating panginoon na si Zei pero gusto niya siya na mismo ang gagawa ng paraan lalo pa at ito ang lalaking itinakda sa kanya.

Kaya nga lang. Masunget.

Well,sa una lang yan. Kapag nagkakilala na kami. Sure naman magiging kami din sa huli!

Napangisi siya. Nakikini-kinita niya na napapikit na lang ng mga mata ang wolf niya na sinabayan ng pag-iling.

Her wolf is so very shy and...shy.

Oo na,mahal na prinsesa!

Muli siya napangisi. Magkabaliktad ang ugali nila ng wolf niya. Siya na very aggressive na kabaliktaran nito!

"Sino ka? Bakit ka nasa labas ng bahay ni Kuya Phillip?!" medyo maangas na sabi ng nagsalitang iyun.

Phillip! Yun pangalan ni Mate!

"Stalker ka ni Kuya Phillip noh?! Kahit anong gawin mo hindi ka nun papatulan at saka dadaan ka muna sakin bago kita hayaan mapalapit kay Kuya!"galit nitong sita pa rin sa kanya.

Dahan-dahan siya pumihit paharap sa babaeng iyun na may nakapagkit na isang ngiti.

Ang galit at simangot nitong mukha ay napalitan ng pagkagulat.

Namilog ang mga mata nito at napanganga agad na tinakpan ng mga palad nito.

" Arsha Jade?! Idol?! Ikaw ba yan?!"mulagat na mulagat nitong bulalas.

"Hi!" friendly niyang pagkaway rito.

Mukhang fan mo pa sister ni mata.

"H-hello...h-hi..i-ikaw ba talaga si Arsha Jade?!" hindi makapaniwala at gulat pa rin nitong turan.

Nakangiting tumango siya rito kasunod niyun ang sunod-sunod na pagtili nito sabay yakap sa kanya.

Natawa na lang siya sa naging reaksyon nito.

"Ohmygod! H-hindi ako makapaniwala! Ang tagal ko na pinangarap na malapitan at makita ka ng sobrang lapit,idol!" saad nito. Maya-maya pa ay humihikbi na ito. Agad na hinaplos niya ang likuran nito dahil lumakas na ang pag-iyak nito.

"Hey,tahan na. Umiiyak ka ba dahil nakita mo na ko?" masuyo niyang sabi rito.

Humiwalay ito sa kanya at patuloy pa rin sa pag-iyak. "Opo,idol! Sobrang saya-saya ko!" anito sabay iyak muli ng malakas.

Ahm,nahahawa na ko sa kanya.

Pinunasan niya ang mga luha nito gamit ang mga daliri niya na kinatigil nito sa pagngawa. Namamanghang napatitig ito sa kanya.

"Tahan na,huwag ka na umiyak.."

Suminghot ito at agad na umayos. "Sorry,idol. Sobrang saya ko lang talaga!" naiiyak na naman nitong sabi.

"Anong pangalan mo?"

"Paula po,idol!"

"Paula. Ate Arsha na lang itawag mo sakin," aniya.

Close kayo agad..

"T-talaga po? Dito po ba kayo nakatira?"

"Actually,kapitbahay ko ang Kuya Phillip mo pero..every weekend lang ako rito," aniya.

"Talaga po! Wow! Bakit hindi sinasabi sakin ni Kuya Phillip na kapitbahay ka niya?!"

"Ahh,isang beses pa lang kami nagkita. Sa katunayan niyan hindi niya ata ako kilala," aniya.

Kulay green kasi mga mata mo nun,prinsesa.

"Hindi ah! Kilala ka ni Kuya Phillip. Alam niyang idol kita eh! Ang dami kong poster sa silid ko at isa pa.." anito sabay putol sa huling sasabihin.

"Anong isa pa?"

Nag-atubili ito.

"We can be a friends,you know. Pwede mo rin ako puntahan dito every weekend pero..ikaw at ako lang dapat magkakaalam," pakikipagdeal niya rito.

Wala ako kinalaman sa plano mo,mahal na prinsesa ha..

"T-talaga po?! Totoo?!"

"Yes! Cross my heart!"

"Hindi kasi...bilib si Kuya Phillip sayo...sabi niya ganda mo lang ang nagustuhan namin sayo!"may inis sa tono nito.

Tumango-tango siya.

" Sorry! Sana di ka naoffend sa sinabi ko,"nababahala nitong sabi.

"Don't worry,ayos lang. Friends pa rin tayo,"nakangiti niyang sabi rito.

Inabot niya ang kamay nito. "Friends?"

"Friends!"

May pinaplano ka,alam ko..

Wala siya bilib sakin. Pwes,Lagot siya sakin.

TPOGWD Series 10: ARSHA J. URILLIO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon