Kapag frustrated ang prinsesa wala makakatinag sa kung ano gusto niya gawin tanging makakapaghinto lang sa kanya ang kung mapuputol ang hawak na drumstick. Walang palya ang bawat hampas niya sa mga iyun kung di lang matibay ang instrumentong yun baka nabutas na yun o nasira na.
You scaring me now!
Hindi pinakinggan ni Prinsesa Arsha ang hinanaing ng wolf niya. Akala niya sapat na magkaroon siya ng understanding na mate pero...ayaw niya. Aaminin niya natatakot siya! Naduduwag siya gusto niya bumalik na lamang sa mundo kung saan doon siya nababagay.
Ang hirap. Napakahirap sa kanya. Pagkatapos ng gabing iyun. Ang mainit at puno ng pagmamahal na halikan nila ni Phillip. Inatake siya ng takot.
Natatakot siya. Natatakot siya baka hindi siya nito matanggap kahit na sinabi nito na iintindihin siya nito..pero magkaiba sila. Isang tao ang lalaking itinakda sa kanya..at ang isang tulad nito ay mahina.
Hinuhusgahan na natin siya agad kahit wala pa naman,mahal na prinsesa.
Mas lalo inatake ng frustration ang prinsesa sa sinabi iyun ng kanyang wolf.
May gigil na ang bawat hampas niya sa instrumento hanggang sa may kamay na pumigil sa isang pulsuhan niya. Mabilis na napaangil siya sa pangahas na gumambala sa kanya.
Agad na natigilan siya. Bigla niya naramdaman ang paghinto ng pagtibok ng puso niya ng makita ang pagkabigla at pagkabahala sa mga mata ni Phillip sa tinuran niyang iyun pero agad din naman ito nakabawi mula roon.
"What's wrong...?" mahina at mahihimigan ang pagkabahala sa tono nito.
Agad na iniilag niya ang mga mata rito. Binawi niya ang kamay na hawak nito. Doon lang niya naramdaman na masakit na pala ang palad niya sa higpit ng pagkakahawak niya sa drumstick na bigay sa kanya ng amang Hari.
"You're not okay,I know..kanina pa kita pinapanood," saad nito.
Marahas siya bumuga ng hangin at napapikit ng mga mata.
"I want to be alone ..ayoko sa lahat inaabala ako kapag nagdadrums ako," mariin niyang saad.
Hindi tumugon ang kasintahan.
"Tell me,what's wrong?" maya-maya untag nito.
Mapait siyang tumawa at tumayo,hinarap ito.
Salubong ang mga kilay nito at kunot ang noo. Naguguluhan sa inaakto niya.
"Gusto mo talaga malaman kung ano problema ko?"
Mahal na prinsesa!!!
"Ikaw...Ikaw ang problema ko," saad niya sabay talikod rito.
"Bakit bigla ka nagkaganyan? Okay naman tayo kagabi ah! May ginawa ba ko na di mo nagustuhan? Yung hinalikan ba kita? Pero tinugon mo naman and you said I love you,too!" galit na sambulat nito na kinatigil niya sa paghakbang.
"Ipaintindi mo sakin,hon...ayoko ng ganito tayo,please..." malumanay na nitong sabi pagkaraan ng ilang sandali.
Masakit. Ayaw din niya ng ganito pero...
"Bigyan mo ko ng oras..gusto ko muna...mag-ipon ng lakas ng loob bago ko ipaalam sayo ang lahat-lahat," aniya sabay mabilis na lumabas ng bahay na hindi na hinihintay pa na makasagot ang kasintahan.
Agad na natigilan siya ng makita ang dating panginoon sa labas ng bahay niya.
"Maganda na makalanghap ka ng sariwang hangin at sa black forest marirelax ka," nakangito sabi nito sa kanya.
Gusto niya maiyak. Mabuti na lang nandyan ang dating panginoon para damayan siya.
BINABASA MO ANG
TPOGWD Series 10: ARSHA J. URILLIO (COMPLETED)
Hombres LoboPrincess Arsha Jade Urillio,ang prinsesa ng mga lobo na may angkin na ganda mapisikal man at boses. She love to sing and play musical instrument especially,the Drums. Namana niya sa ina na si Reyna Ayisha ang galing sa pagdadrums na noong nasa Mundo...