Malakas ang galabog ng dibdib ni Phillip habang nilalapag ang ipapahiram niyang damit sa kasintahan sa kama. Isang puting T-shirt at boxer shorts. Napalunok siya na nilingon ang nakasaradong pintuan ng banyo niya. Nagliliyab ang buong sistema niya at hindi niya makontrol yun.
Damn!
Marahas siyang napabuga napabuga ng hangin. Naririnig niya ang lagaslas ng tubig mula sa loob.
Damn,Helmer! Lumabas ka na kaya kaysa tinotorture mo ang sarili mo!
Napamura na lang siya sa isip na lumabas na sa silid niya. Nababaliw na talaga siya!
Aaminin niya sa sarili na nasasabik siya na maging intimate sila ng dalaga pero nirerespeto niya ito at lalo pa kakasimula lang ng relasyon nila.
Pero hindi maitatanggi na masyadong malakas ang init na lumulukob sa kanya sa tuwina at pilit lamang niya iyun binabalewala.
Napapailing na nagtungo na siya sa kusina para ipagtimpla ng kape ang kasintahan.
Muntik pa niyang mabitawan ang hawak na mug pagkalingon niya ng makita ang kasintahan na nakasandig sa hamba ng pintuan ng kusina. Bagong ligo at hell!
Parang gusto niya na din maligo sa sobrang init ng pakiramdam niya ng makita ang naging itsura ng dalaga sa suot nitong damit niya.
She's so hot and sexy!
Nakalugay pa ang basa at mahaba nitong buhok!
Napabuntong-hininga na lamang siya ng ngumiti ang kasintahan.
"That's for me?"
Agad na nilapag niya ang mug sa center island. Mahirap na baka mabasag pa dahil may nginig na ang katawan niya dahil sa tension.
The tension from desire.
"Yes..." pausal niyang saad.
Agad na lumapit na ito at umupo sa high chair.
"Thank you," anito.
Tumango siya at napadako ang tingin niya sa basang buhok nito na sa tingin niya sinuklay lang gamit lang ang mga daliri nito.
Namalayan na lamang niya ng sarili na mabilis siyang nagtungo ng kwarto niya at bitbit ang isang twalya pagkabalik niya ng kusina.
Tumingala sa kanya ang magandang mukha ng dalaga ng simulan na niyang punasan ang buhok nito.
"Mababasa ang likod mo,hindi mo pinatuyo ng maayos ang buhok mo," aniya na pilit na pinaka-casual ang boses.
Yumakap sa beywang niya ang dalaga at malambing na nagpasalamat sa kanya.
Hindi na niya napigilan ang sarili. Pinatakan niya ng halik ang nuo nito pababa sa tungki ng ilong nito.
Damn,kiss lang gagawin niya!
Pareho sila napasinghap ng maglapat na ang kanilang mga labi.
Ilang minuto din nagtagal yun bago niya pinagparte ang kanilang mga labi.
Parehong namumungay ang kanilang mga mata.
"I love you..Arsha," anas niya.
Nakita niya ang mainit na emosyon sa kulay berde mga mata ng dalaga. Katumbas ng nararamdaman niya.
"Talaga...mahal na mahal mo ako?"
"Yes,I'm so in love with you," matiim niyang saad.
"Mahal na mahal din kita," emosyunal na nitong saad.
Muli niya pinaglapat ang kanilang labi.
Halik na puno ng pagmamahal.
BINABASA MO ANG
TPOGWD Series 10: ARSHA J. URILLIO (COMPLETED)
WerewolfPrincess Arsha Jade Urillio,ang prinsesa ng mga lobo na may angkin na ganda mapisikal man at boses. She love to sing and play musical instrument especially,the Drums. Namana niya sa ina na si Reyna Ayisha ang galing sa pagdadrums na noong nasa Mundo...