Author's Note: Pasensya na po kayo kung may makita kayong weird sa spelling or grammar ng story na ito. Di po kasi ako sanay magsulat sa Tagalog. Actually, first Tagalog story ko po ito. Peace! ✌
----------------------------------------------------------------------------------------------
“Kyaah! Ayan na, hahalikan na ni Mike si Raine,” Sabi ni Janice na tili ng tili sa tabi ko habang nagbabasa ng precious pocketbook niya na hinahampas-hampas niya pa sa akin tuwing kinikilig siya, tulad ngayon.
“Pwede ba Janice. Mag-hunos-dili ka nga. Ako na naman ang ginawa mong punching bag,” sabi ko sa kanya, sabay tulak sa balikat.
“E kasi e,” sabi niya na biglang bumuntong hininga at tumingala sa langit habang sinasabing, “Ako kaya friend. Kailan ko mame-meet ang lalakeng para sa akin?” Dagdag niya pa sabay tingin sa akin.
“Ayan ka na naman sa mga fantasies mo. Janice, walang fairy tale. Kahit halughugin mo ang buong mundo, walang couple ang nagfi-fit sa linyang ‘and they live happily ever after.’ That stuff just doesn’t exist!” I pointed out to her kahit alam ko na babaliwalain niya lang uli ito tulad ng dati.
“Ah basta!” Sabi niya sabay pout ng nguso sa akin. Napailing na lang ako at bumalik na lang uli sa ginagawa ko.
‘Yun si Janice, ang kababata ng best friend ko dating si Amber. Actually, di naman kami talaga friends dati ni Janice eh. Pero nung umalis si Amber at iniwan niya kaming dalawa na walang kaibigan, we tried befriending each other na lang. So far masasabi ko na she’s my exact opposite. Model siya ng school yearbook namin habang ako ang photographer. President siya ng sports club, ako naman Science Club. Consistent honor student ako habang siya ilang beses ng muntik bumagsak kung di lang sa aming dalawa ni Amber. Mahilig siyang mag-boy hunting at madaling ma-inlove samantalang ako awkward sa boys at allergic sa love. Di ko nga alam kung bakit kami nagkasundo eh.
~Ding~Dong~Ding~Dong~Ding~Dong~
Paulit-ulit na tugtog ng grandfather clock namin sa eskwelahan na naghuhudyat ng end of another period at simula na ng bagong period. Tinakpan ko ang tenga ko hanggang sa humina uli ang tugtog nito. Paano ba naman kasi, sino ba naman ang nakaisip na maglagay ng Big Ben replica sa isang paaralan? Ang imba naman! Imbis dapat tahimik ang atmosphere sa school, mas umingay pa nga dahil dito.
“Ay hala! Mali-late na ako sa class!” Sabi ni Janice na nagpa-panic habang tumatakbo papunta sa kanyang susunod na klase. Napailing na lang ulit ako nung na-realize ko na hindi man lang siya nagpaalam sa akin bago umalis. Hahayaan ko na nga lang. Sabi ko nalang sa sarili ko.
Isinara ko na lang ang laptop ko at linigpit ang gamit ko. Wala na akong pasok kaya magba-bonding na lang muna kami ng camera ko.
As usual, doon ko na naman natagpuan ang sarili ko. Yung spot sa gilid ng simbahan na nasa tabi lang ng school namin. Ang ganda kasi ng hardin nila dun eh. Halatang alagang-alaga sila ng madre na tagapag-alaga ng taniman na iyon.
Dali-dali kong kinuha ang aking camera at kumuha na agad ng maraming shots. Sigurado, madami na namang matutuwa sa mga viewers ko kung i-post ko ang mga ‘yun sa website ko.
Unti-unti na naman akong nawawala sa sarili ko. Ganito talaga ako palagi pag may hawak akong camera. Para bang wala na akong ibang gustong gawin kundi kumuha lang ng mga litrato. Pero sabi nga nila, para daw may buhay ang lahat ng kuha ko. Yung parang, lalabas na sila sa papel sa sobrang realistic ng mga shots ko. Isa na din siguro yun sa rason kung bakit ang hilig ko sa photography. May ipagmamayabang naman daw kasi.
I was taking shots after another ng bigla nalang may dumaan sa camera lense ko na mabilis, parang nahulog mula sa itaas.
“Ahh aray!” Sabi ng isang boses sa bandang harapan ko. Binaba ko ang aking camera sa harapan ng aking mata at hinanap ang source ng boses. Nagulat na lang ako nung nakilala ko ang itsura ng taong nasa harapan ko.
“I…ikaw?” Nauutal ko pang sabi. Di ko lang kasi ini-expect na makita ang pagmumukha na yun. Lumingon ang ulo niya sa akin at bigla din siyang natigilan nung nakita niya ang mukha ko. “Uy, kaw pala. Anong ginagawa mo dito,” ika niya.
Wow! Kung makabati naman siya, wagas. Parang old friends lang kami ah. “Obvious ba? May hawak akong camera oh,” sabi ko sa kanya as I rolled my eyes on him.
Hanggang ngayon, badtrip pa rin ako sa lalakeng ‘to. Siya lang naman ang reason kung bakit ako nawalan ng best friend dati. Keeno nga pala ang name niya. Masyado niyang sinaktan si Amber. He toyed with her heart like it was nothing. Kaya mas lalo akong nagkaka-allergy sa love eh dahil sa mga lalakeng tulad niya. They don’t deserve to be loved.
“Ah, nakita ko nga. Alam mo, kung picture ko lang naman ang gusto mo, di mo na ako kailangang bantayan. Nagsabi ka na lang sana,” sabi niya na pinalabas pa ang dimples niya habang nagpapa-cute sa akin. Yucks! Kung alam lang niya, mukha siyang inodoro.
“Excuse me no. Forte ko ang nature photography. Ano ka, tsonggo para kunan kita ng picture? Well oo nga naman, kamukha mo nga din pala yun,” sabi ko na lang sabay taray sa kanya.
“Ouch, sa gwapo kong ‘to, natawag akong tsonggo?” Sabi niya na pinagmamalaki pa ang mukha niya. “Eh ikaw kaya, para kang black na pusa, emo girl,” insulto niya. Malas na lang niya dahil di man lang ako na-offend sa sinabi niya. “I happened to love cats, especially the black ones so thanks,” sabi ko na lang at bumalik na lang sa photography ko. Wala akong time para makipagtalo sa mga taong walang laman ang utak kaya mas-feel kong i-ignore na lang siya.
“Tsk! Aray naman, shit,” sabi niya na naupo na sa isang sulok habang mina-masage ang na-injure niyang paa.
“HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA,” di ko napigilang tumawa ng malakas nung mapatingin ako sa kanya. Na-imagine ko kasi nung nabangga siya sa poste eh. Nakakatawa itsura niya.
“Oh, bakit ka tumatawa na parang baliw diyan,” tanong niya na parang nao-osyoso sa reaksyon ko.
“Cause you’re funny! Wala pa akong nakitang taong kasing tanga mo dati,” bigla ko nalang nasabi sa kanya.
“Ha-ha-ha. Gee thanks! Makaalis na nga,” sabi niya na kinuha na lang ang bag niya at umalis na palayo sa akin. Nainsulto ata siya sa sinabi ko. Ay hindi, hindi! Di naman kasi nakakainsulto ang word na ‘tanga’ eh. Ang bobels ko naman minsan.
Ipinagpatuloy ko na sana ang ginagawa kong pagkuha ng litrato nung biglaan nalang humangin ng malakas at linipad pataas ang palda ko. Pinigilan ko na lang na liparin ang palda ko, yung parang napkin commercial lang.
“Hahahaha I saw that,” sabi na lang ng isang boses from out of the blue. Nagulat na lang ako nung paglingon ko ay yung hinayupak na namang lalake na yun ang nakita ko. “Akala ko ba aalis ka na? Shoo, shoo alis na kasi,” naiinis na sabi ko sa kanya.
“Oh, ba’t nagbla-blush ka?” Sabi niya pa na may kasamang malakas na tawa. Napahiya ako dun ah, pakialam ba niya na natural lang talagang pinkish ang cheeks ko. Feeler naman ang lalakeng ‘to oh.
“Aalis ka ba or isusumbong ko pa sa professor niyo na nag-escape ka sa class niya?” Sabi ko na nakaramdam na ng galit sa kanya.
“Oo na, sige na. See you at school,” sabi niya na nagpa-cute pa uli sa akin bago umalis.
Bwisit! See you, se you. As if naman gusto ko pang makita ang pagmumukha niya matapos ang araw na to? Utot niya blue! He just ignited a whole new level of hate. Humanda siya!
-----------------------------------------------------------------------------------------------
Author's Note: Sana po nagustuhan niyo at abangan niyo po ang next chapters. Based nga po pala ang story na ito sa totoong love story ng buhay ko. Ayii! LOL
BINABASA MO ANG
Allergic to Love (Completed)
Teen FictionSabi nila, Masaya daw ang love at masarap daw ang feeling na nai-inlove. Kung ganun, bakit palagi nalang heartbroken si ate at watak-watak ang family namin? Ako si Frizz…ang babaeng takot main-love. Magmadre na lang kaya ako?