Chapter 4 ( First day)

33 1 0
                                    

Dani's POV

Nakaharap na ako ngayon sa isang malaking gate na may marka sa taas na Meldez Academy. Lumapit ako dito.

"ID po ma'am"

"Anak ng----- gulat kong sambit.

Agad kong napansin ang guard sa gilid, agad ko namang hinubad ang ID sa leeg ko at binigay yun sa kanya.

Inilipat lipat nya yung tingin nya sa ID ko at sakin ng maraming beses, he seems so confuse. At kumunot ang noo na bumaling sakin.

"Miss pinagloloko mo ba ako?"

"Bakit ko naman gagawin yun?"

"Ewan ko, baka naman kasi impostor ka?"

"Ano ba! Pwede bang ihatid mo nalang ako sa section ko?!"

"Ay sorry Ms. Fernandez di lang kasi ako makapaniwala na kayo ho iyan" nakangising sabi nya.

Napairap nalang ako sa kawalan at walang ganang humalukipkip.

"Ah, balita ko ma'am may amnesia ka raw kaya naiintindihan kita"
Hindi rin chismoso ang isang to noh? Tss. "Sumunod nalang po kayo sakin ma'am"

Pagkarating ko sa room namin ay may teacher na sa harap, Natigilan ito sa pagdiscuss ng mapansin ako sa pinto.

Tumingin ito sakin at ibinaba ng konti ang glass nya at sinuri ang kabuoan ko. Sa wari koy nasa 38 na siguro sya at medyo strikta.

"M-Ms. Fernandez?" Tanong nya.  d'.'b

dO.Ob reaksyon ng mga kaklase ko ata.
At doon nagsimulang makiusyoso ang mga buboyog.

"Balita ko, nagtangka daw syang mapakamatay"

"Eh akala ko ba namatay? Balita talaga tsk tsk"

"Buhay pa nga"

"Hay kakaiba sa kanya, pansin nyo?"

"Medyo di ko nga sya agad nakilala eh"

"Gumanda sya girl"

"Wahhh ang cool nyang tignan"

"Gusto kong makipagkaibigan sa kanya"

"Enough!! tumahimik nga kayo, nakakarindi yung mga boses nyo!!" Inis na sambit nung babaeng nandito nakaupo sa harap. Ohw, okay, Maganda sya, sexy, medyo maldita at kaedad ko ata. Mahaba ang buhok, mestisa, at sa tingin ko di nya ako gusto dahil subra kung samaan ako ng tingin------

"Why are you late miss Fernandez?" Anang teacher na nasa harapan ko.

"Kasi di ako maaga? Ma'am?"

"Bastos ka ah--- okay, pasalamat ka't nabalitaan ko yung nangyari sayo-- Umupo kana!!"

Umupo ako sa pinakahuling upoan at nangalumbaba.

Discuss
Discuss
Discuss

Break...... for 15 minutes.

Wala akong magawa sa labas at ayaw ko ring lumabas kaya sinubsob ko nalang ang mukha ko sa desk at at Pumikit....

"Ohw nandito na pala yung toy natin"

"Oo nga eh ilang araw din natin hindi nabugbog, na ngangati na nga yung kamay ko eh"

"Sinabi mo pa, nakakabagot kaya maghintay"

"Hoy gumising ka, ikaw yung pinag uusapan namin!" Sigaw nung babae na hinampas pa yung mesang tinutulogan ko...

SWITCH book 1 (Once upon a Switch) slow updatesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon