Chapter 25

17 1 0
                                    

Icon's POV

Nandito ako ngayon sa ilalim ng Puno. Nakatitig sa kawalan habang nag iisip. Bukod din kasi sa rooftop ay gusto ko din dito sa isang malaking puno na tago. Malamig saka sariwa ang hangin, matatagpoan ito sa gilid ng malaking building namin ngunit di masyadong nakikita kasi natatakpan ng maraming dahon pero kita ko naman ang kabuoan ng quadrangle.

*Bzzzzzzzzk*

*Bzzzzzzzzk*

Nagvibrate yung cp.

Agad ko itong kinuha sa bulsa at tinignan ang caller ID pero hindi nakatatak yung phone number nya. I answer it, pero hindi muna ako umimik.

"Hello? Hello Meldez?" boses ni Coach sa kabilang linya.

"Yes coach?"

"Nasan ka na ba? Kanina pa Nagsisimula yung try out wala ka bang balak manuod-

"On the way, coach." marami pa sana syang sasabihin pero agad ko nang binaba yung tawag.

Tumayo na ako at pinulot ko yung bag ko saka nagsimulang maglakad. Medyo malayo layo ang gymnasium mula dito kasi may dadaanan ka pang tatlong building, yung Cafeteria, office ng mga Officers at saka yung library Pero bago paman ang gymnasium ay mamadaanan mo pa sa hindi kalayoan yung open court.

Kasalukoyan akong naglalakad ngayon habang nakatungo. Hindi ko alam kung ilan nang building ang nalampasan ko basta ang Alam ko ay ang tinatahak kong daan ay patungong Open court.

"Ikaw kasi eh, ang ingay ingay mo, kaya tayo napalabas!"

"Ako?! Bakit ba ako yung sinisisi mo?!"

" Sino pa bang ibang sisisihin?! Alangan naman na si Ice?"

Ice?

Ice?

Parang narinig ko na yun ah.

"Tsss....."

dO.Ob

Kilala ko ang ismid na yun ah.

Dali dali kong napaangat ang ulo ko at hinanap kung saan yun nagmula, at kaagad ko din namang nakita ang inaasahan kong tao........... si Nemo.

Nakatingin ito sakin ng walang kaemo emosyon, na para bang kung makatingin ay mas nakakataas sya sakin na obviously namang nag uugod na sa kahirapan. She is just nobody!

Nilabanan ko din yung titig nya with salubong na kilay pa. Tch, anong akala nya, natatakot ako sa kanya? Tss, maghintay lang sya sa ganti ko.

Nagkatitigan kaming dalawa na para bang may namumuong kuryente sa gitna nun. Parang huminto ang ikot ng mundo nung tuloyan ko na syang malagpasan.

*dug dug*

*dug dug*

*dug dug*

Napailing nalang ako dahil sa tinuran ng dibdib ko. Subrang bilis ng pagkabog nito. Aatakihin na ba ako sa puso? Tss, dahil lang Siguro ito sa inis ko sa kanya.

SWITCH book 1 (Once upon a Switch) slow updatesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon