Dani's POV
Nasa ganon parin akong posisyon nang maagaw ng paningin ko ang mukha ni Vegeta. Ay nakaramdam ako ng awa sa kanya sa pagkakataong to.
He is in deep pain. Mukhang kilala nya yung gustong manakit sa kanya. And worst, mukhang may nakaraan sila nun.
"Hmm.. Alam nyo bang hindi umiilag yung bala ng baril na hawak ko ngayon?" seryoso kong sabi. "Magbibilang ako hanggang tatlo at kapag pumotok to at may natumbang isa sa inyo ibig sabihin lang nun ay nagsisinungaling kayo."
Agad silang Nagkatinginan sa isat isa. Isip isip mga ugok, wala rin naman akong planong paalisin kayo ditong hindi nagmamakaawa. Gusto ko lang kasing makasigurado kung nagsasabi ba sila ng totoo at hindi sila nag iimbinto.
"Isa" simula ko.
"Seryoso ka ba talaga?" bulong ni Vegeta sakin. Pero hindi ko na iyon pinansin.
"Dalawa."
"Nagsasabi talaga kami ng totoo." Yung isa. "Ba't ayaw nyong maniwala?"
"Okay, mukhang nagsasabi nga kayo ng totoo." dahan dahan ko binaba yung isa kong hawak na baril at nilaro laro ito paikot ikot sa kamay ko. "Ngayon, alam nyo naman siguro ang daan pabalik diba?"
Tumango ito sakin bilang sagot.
"Oo, papakawalan ko kayo." Ako. "Pero sa isang kondisyon."
"Ano yun?" Yung taong nasa gitna.
"Maghubad kayo!" ako.
"ANO?!" si Vegeta. "Hoi Nemo! Seryoso ka ba dyan?" Napalingon naman ako kay Vegeta.
"Muka ba akong nagbibiro?"tanong ko na nagpalunok sa kanya ng ilang beses. Bakla ata to eh. "HUBAD!!" baling ko doon sa tatlo.
Bagay lang sa kanila to, kung tutuosin kulang pa nga.
"Saan po ba? Sa pang itaas o sa baba?"
"LAHAT!!" sigaw ko ulit sa kanila.
dO.Ob reaksyon nila.
"AYAW NYO?!" Ako. "Anong gusto nyo, kumain ng bala?"
Agad silang gumalaw at sinimulan na ang paghuhubad. Una sa jacket, sa t-shirt, tapos sa pang ibaba. Nang tumigil na sila ay ang naiwan nalang ay yung mga underwear nila. Medyo Nanginginig pa nga sila dahil maginaw talaga dito.
Ang lalaki ng mga katawan ng mga to tapos pagtutulongan nila itong Damuhong Vegeta? It's not fair!
"SABI KO LAHAT!" Ako.
"Hoi Nemo! Naririnig mo ba yang sinasabi mo?" si Vegeta.
"I'm aware." Ako. "Bilis! Hubarin nyo yan!!"
At mabilis naman nilang hinubad agad yung boxer at saka brief.
Mga uto uto.
Gusto kong tumawa Pero pilit kong pinipigilan ito. Eh kasi naman nakakatawa yung mga mukha nila, parang nahihiya sila na natatae na hindi mo maexplain. Basta para nakakatawa talaga sila. Lumapit ako kay Vegeta at binigay ang isang baril ko.
"Aanhin ko yan?" tanong nito na nakatuon parin yung atensyon sa tatlo.
"Alangan naman na gamitin mo yan sa sarili mo, itutok mo sa kanila." Turo ko doon sa tatlo.
Nung makuha na nya ang isa kong baril ay kaagad akong lumapit sa kinaruruonan ng tatlo na nakahawak pa sa mga ari nila, tinatakpan nila ito. Tuwid silang nakatindig.
BINABASA MO ANG
SWITCH book 1 (Once upon a Switch) slow updates
Aksi#Romance#Thriller#Action#Science Fiction A story that a very complicated life is involve, what to choose? To Love or To Sacrifice? Such a hard Decision but you need to choose. Don't be sad, Lots of love must be buried but the end of time ALL SACRIF...