Chapter 27

14 0 0
                                    

Dani's POV

Sabado ngayon at walang pasok as usual, wala ring pasok sa AB kasi bukas pa ang trabaho namin, whole day. Sabi kasi ni Bakla, yun bang nag hire agad sakin. So ngayon ay rest day ko.

"Good morning Chin-Chin." bati sakin ni Mom nung makita nya akong pababa ng hagdan.

"Good morning too, mom." saad ko saka kinusot ang mga mata.

"Oh hali ka, kain kana."

"Opo mom."

Matapos naming kumain ay umupo kami sa sofa kaharap ang tv, as usual, dapat Mr. Ben cartoon.

"Nak, wala ba kayong pasok ngayon sa Coffee Shop na pinagtatrabahoan mo?"

Agad akong napalingon sa kanya.

Yes, ang sinabi ko sa kanya ay sa Coffee Shop ako nagtatrabaho kaya ako ginagabi sa pag uwi. Alam ko naman kasing hinding hindi nya ako papayagan pag nalaman nyang doon ako nagtatrabaho, sa isang Bar. At saka wala pa ako sa saktong edad para magtrabaho, pero buti nalang at hindi nya tinatanong.

"Ahm, yes mom. Bukas pa daw whole day, dapat daw kasi may rest day din kami." sagot ko.

"Ahh... ang bait naman ng amo nyo, mabuti yan at hindi ka napapagod masyado."

"Oo nga po eh. Mom, kunin ko lang po yung mga lalabhan nating damit, ipapa laundry ko nalang." pag iiba ko. Hindi ko kasi kayang magsinungaling sa harap ng isang tao, ayaw kong ganon. Kasi ayaw ko ring ginaganon ako.

"Wag na nak, lalabhan ko nalang yan."

"Mom, I insist. Ako na, wag mo nang idagdag pa yun sa mga gagawin nyo."

"Salamat nak."

I smile then leave her.

Alam kong may nagbabago sakin, katulad na lang kanina,  marunong na akong ngumiti kahit papano. I admit nagkakaroon nadin ako ng ekspresyon kahit konti.

Pero hangga't nandito ako ayokong iparamdam sa kanya ang lungkot, ewan ko, hindi ko naman sya kaano ano pero, ayaw ko syang nakikitang nasasaktan kung pwede nga lang ay papasanin ko lahat ng problema nya. Hindi ko alam kung bakit pero yun ang gusto ko.

Siguro, dahil Ngayon ko lang maranasan ang alagaan ng isang ina.

Naglakad na ako papunta sa laundry shop.

"Good morning beautiful! Ano ang kailangan nila?" si Cola ang nagbabantay dito sa laundry shop. Of course kilala ko sya, eh ang ingay eh, mala Clew.

Inabot ko na sa kanya yung mga damit at nagbayad.

"Ay.......... Parang wala ata sa mood eh." saad nya sabay kuha nung mga damit na binigay ko. "Ihahatid ko nalang ito pagkatapos."

"Thanks."

"Oi, bago yun ah. Ano nakain mo teh?"

"Tss, sige na, alis na ako."

Mabilis Lumipas ang oras at di ko man lang namamalayan na gabi na pala. At heto nakatulog pala ako dito sa sofa.

"Mom?" tawag ko sa kanya.

Pero wala akong narinig na sagot.

May kakaiba sa bahay, subrang tahimik. Tumayo ako saka naglakad papuntang kusena kung saan ito ang paboritong lugar ni mom sa buong bahay, pero hindi ko sya nakita doon.

*dug.......dug dug*

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

May naramdaman akong ibang presensya na nakapalibot sa bahay, may mga aninong dumadaan sa bintana namin.

SWITCH book 1 (Once upon a Switch) slow updatesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon