Chapter 34

8 0 0
                                    

Icon's POV

Malakas ang simoy ng hangin ngayon dito sa  sinisilungan kong kahoy. Nakasandal ang likod ko sa kahoy habang nakapikit ang mga mata.

"Drale tulongan mo ako!" sigaw nung babae sa isip ko.

"Ano ba?! Itigil nyo yan!!"

"Drale, tandaan mo lagi na mahal na mahal kita."

A weight of tears falls from my dudgeon.

Katagang hinding hindi ko makakalimutan. Mga narinig ko nung huli kaming magkasama. Kung sana may nagawa ako nun edi sana buhay pa sya ngayon.

Herawa.

Dali dali kong pinunasan ang mga luha ko at tumayo na para pumasok sa next subject namin. Pagkarating ko naman sa room ay tahimik lang sila, pero halatang pinipilit lang talaga.

"Ba't ngayon ka lang?" tanong nung katabi ko pag upo ko sa tabi nya.

"Namiss mo ako agad?"

"Tinatanong kita ng maayos, sagotin mo ako ng maayos!"

"Mali ba yung sagot ko? Baka naman yung tanong mo mali."

"Pilosopohan ba gusto mo?"

"Tch, eh bakit ka ba nagtatanong?"

"Ewan kung ba't ako nagtatanong, ikaw alam mo ba?"

"Pfffft........." naudlot yung tawanan ng mga kaklase ko nung tignan ko sila ng masama.

Tch, wala talagang kwentang kausap to, kahit kelan. Alam nyo kung wala lang akong utang na loob sa babaeng to, baka sinabit ko na to sa kung saang pwede.

"Umayos na ako, kaya umayos ka na rin!" kunot noo kong saad. "Ba't ka nga nagtatanong?"

"Ewan."

"Ano ba?!"
Hindi ko talaga maintindihan ang babaeng to kahit kelan, magulo! "Ano na nga?"

"Ewan."

"Anak ng! Umayos ka nga!"

"Tinatamad ako magsalita."

Eh may tupak talaga noh? May tao bang ganon? Hayssst.

Kumuha nalang ako ng pen at papel at inabot ito sa kanya.

"Aanhin ko yan?" walang gana nyang tanong.

"Diba tinatamad ka magsalita? Edi isulat mo." kamot ko sa batok ko.

"Tss." ismid nya.

"Oo na hindi ko na uulitin, magsasalita ka na ba?" pilit kong pinapakalma yung boses ko.

"May by partners kanina na ginawa....." sya.

"So sinali moko sayo, ganon ba?"

"Syempre hindi, ano ka, sinuswerte? Pero wag kang mag alala 1590 points lang naman yun kaya okay lang." si Nemo. "Break time na pala baka hindi mo rin alam." saad nya saka umalis.

1590.....

1590.....

1590.....

dO.Ob

"Pesting Nemo yun ah." bulong ko nalang.

Dani's POV

Pagkapasok ko palang sa cafeteria ay sumalobong sakin ang mga ngiti ng mga taong nakapansin sa pagpasok ko.

Tss, heto na nga ba ang ayaw ko sa lahat eh.

SWITCH book 1 (Once upon a Switch) slow updatesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon