Icon's POV
"Ms. Fernandez, ba't mo ba kasi nagawa yun? Pano kung di na yan magising?"
"Hala, mukhang namaga pa talaga yung parte na sinipa mo."
"Lagot talaga tayo kay Prime pag nalaman nya to."
"Hindi ko kasalanan yun, okay? Hindi ba kaya nya nagawa yun ay dahil sa inyo? Ano?! Gusto nyo bang bugbogin ko rin kayo?!"
"H-Hindi po. Pasensya na."
"Kung hindi nya ginawa yun, hindi nya matatanggap yan. He deserves it."
"Parang kiss lang naman eh."
"Gusto mo bang mamatay?"
"S-Sabi ko nga tatahimik na."
"Eh, pano nga kung ma comatose yan?"
"Hindi yan. Makapal mukha nyan."
"Oi, parang gumalaw sya ng kunti."
d-.Ob
dO.-b
do.ob
"Ba't ang ingay nyo?" garalgal kong tanong. "T-Teka, nasan ako?" Agad kong nilibot yung paningin ko at napagtantong nasa clinic ako at narito rin yung mga kateam mates ko including Nemo.
"Hay, Salamat naman at nagising ka na Cap, kala namin comatose ka na." si Ocampo.
Unti unti kong hinawakan yung panga ko at doon nadama ang masakit na parte. Tumayo ako mula sa pagkakahiga at tinignan ng masama si Nemo.
"Eherm. Lalabas muna kami." paalam ni Ocampo. Pero di ko sila pinansin at itinuon lang kay Nemo ang paningin.
"Ano?" taas kilay nyang tanong.
Tignan mo nga tong babaeng to, sya na nga yung may kasalanan, sya pa yung nagsusungit.
"Dapat pa nga magpasalamat sya." bulong ko. Dahil sa dinami dami ng babae sa mundo, sya yung una kong nahalikan. Subrang dami kaya naghahabol ng halik galing kay Icon Meldez, tapos itu tornado kick nya lang ako?
"Wag kang mag dabog dyan sa isip mo. Sabihin mo sakin ng deritso." si Nemo.
"Ikaw! Ba't bigla bigla ka nalang nangto torture?! Alam mo bang masakit?!" sumbat ko.
"Wow, ako pa yung may kasalanan? Ganon? Parang ikaw pa yung biktima at ako yung suspect. Bakit? Gagawin ko ba sayo yan kung hindi ka bastos?"
"Ako? Bastos? Hindi ako bastos."
"Eh anong tawag dun sa ginawa mo?"
"Tch! Kasalanan mo kasi yun. Napasubo ako kaya ko nagawa yun. Pwede bang magpasalamat ka lang sa halik ko?"
"Thanks your ass!"
"Wag mo akong murahin!" turo ko sa kanya.
"Ano bang expect mo na maging reaksyon ko? Matuwa? Papalakpak ng malakas at pasasalamatan ka?"
"Oo."
"Oo your ass!"
"Nakakadalawa ka na ah!"
"Eh ano naman ngayon?"
"Aiissh, lumabas ka na lang, mahigh blood pa ako sayo."
"Tss, buti pa nga, baka kasi tuloyan kong basagin yang bungo mo dahil sa kapal ng mukha mo."
BINABASA MO ANG
SWITCH book 1 (Once upon a Switch) slow updates
Action#Romance#Thriller#Action#Science Fiction A story that a very complicated life is involve, what to choose? To Love or To Sacrifice? Such a hard Decision but you need to choose. Don't be sad, Lots of love must be buried but the end of time ALL SACRIF...