Chapter 35

14 0 0
                                    

Dani's POV

Pagkatapos ng settlement doon sa office of the President. Ay kaagad na akong pumunta sa room at naghintay ng next subject namin pero walang dumating na teacher kaya naman nag enjoy yung mga kaklase ko.

Ako naman dahil sa walang magawa ay lumabas nalang ako ng room namin total last period naman na eh, hindi ko naman siguro ikakabagsak yun.

"Ice! Ice! Kanina pa kita hinahanap."sulpot ni Clew sa harapan ko. Hinihingal sya, na para bang ilang bundok pa yung tinakbo.

"Ba't mo ako hinahanap?" Ako.

"T-Teka lang, hi-hihinga mu-muna ako." saad nya at saka inilabas yung dila at humingal. Kunti nalang talaga at iisipin ko nang hindi tao tong si Clew.

"Ano na?" tanong ko.

"May ipapakita ako sayo." hinarap nya sakin yung cell phone nya.

Video playing

Nakita ko ang paglapit nina Fred at Cris kay Andrew, may iniabot sila kay Andrew na maliit na envelope na sa hula ko ay pera yun.

"Pahirapan mo si Alodia, gawin mo kahit ano sa kanya. Hinding hindi ko mapapalampas ang ginawa nya sa kapatid ko. Kung hindi mo sya kayang saktan, saktan mo yung mga kaibigan nya o di kaya yung mom nya! Hinding hindi ko sya mapapatawad sa ginawa nya samin ng kapatid ko." Si Cris.

"Oo, gagawin ko lahat para sayo at sa kapatid mo." Si Andrew

Video end.

"Anong plano mo Ice?" Si Clew.

"Talagang sinasagad nila yung pasensya ko."

Icon's POV

Nandito na kami ngayon sa gym, whole team ko, Syempre kasama si Nemo at si Coach.

"Hindi bat ang pinakaayaw ko ay yung late kayo? Pero anong nangyari kanina? Nasan kayo?! Bakit si Fernandez lang yung nandito?!" sabon ni Coach samin. "Time management! Yun yung pinakamahalaga sa atin! Alam nyo ba kung bakit? Kasi kakaunti lang yung oras natin sa umaga, pati rin sa hapon tapos Anong nangyari kanina?! Guys! Be responsible naman!" Bumuntong hininga sya bago nagsalita ulit. "Dalawang linggo nalang at laro na natin. Ano? Gusto nyo ba hanggang hating gabi tayo dito magpractice?"

"No coach."

"Then anong nangyari at late kayong lahat kanina? Hah?! Ano?!"

"Sorry po Coach. Hindi na po mauulit."

"Talagang hindi na! Dahil simula bukas si Fernandez muna ang magiging pansamantalang coach nyo, sya muna ang papalit sakin."

dO.Ob

Lahat kami napalingon kay Nemo na mukhang gulat rin.

Tama ba yung narinig ko? Sya yung piniling assistant ni Coach? Eh ano namang kamuwang muwang nito sa Basketball?

"Eh coach, babalik naman siguro kayo agad diba?" Si Ocampo.

"I'm not sure kung kelan."

"Lah, pano yan?"

Mukhang lahat kami ay iisa lang ang laman ng isip, Wala kaming tiwala kay Nemo.

"Gawin nyo lahat ng gusto nya. Respect her as you respect me. Liliban muna ako pansamantala dahil may importante akong gagawin. Kaya sige na simulan nyo na yung practice. Ikaw naman Miss Fernandez lumapit ka muna sakin at may idi discuss ako sayo."

Pagkatapos naming mag practice ay agad kaming dumiretso sa likod ng gym para magshower.

"Grabe naman si Coach, ipinagkatiwala ba naman tayo sa isang babae."

SWITCH book 1 (Once upon a Switch) slow updatesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon