Chapter 32

14 0 0
                                    

Icon's POV

Pagkasigaw ni miss Makaw ay kaagad na kinuha ni Nemo ang gamit nya at lumabas. Ako naman ay dahan dahang tumayo habang nasa tyan pa rin yung kamay. Pesting Nemo ang lakas manikmura ah, daig pa yung lalaki.

Dahan dahan akong umupo, pero hindi paman nakalapat yung pwet ko sa silya ay kaagad na naman na sumigaw si Miss Makaw.

"You too, Mr. Meldez get out!"

Yun pala yung gusto nya eh edi sige.

Agad akong tumayo at kinuha yung bag ko at lumabas. Nakita ko naman si Nemo sa hindi kalayoan, naglalakad sya habang nakatungo kaya namanhinabol ko sya, wala akong ibang magawa eh.

"Nemo." Agad kong bungad nung maabutan ko sya.

Hindi ko alam, pero bigla akong nainis nung hindi nya ako nilingon. Nanatili syang nakatungo.

"Hoi Nemo!" bahagya kong pang nilakasan ng kunti ang boses ko. Baka naman kasi hindi nya narinig, malay ko bang may pagkabingi pala to.

"Ano?! Wag kang sumigaw hindi ako bingi!" inis nyang saad.

Inis ang bumabalot sa buong mukha nya, at hindi ako sanay doon dahil nasanay na ako na wala syang ekspresyon. Bakit parang ayaw ko na syang nakikitang ganito? Medyo nakakabakla ah, pero kasi mas gusto yung may ngiting sumisilay sa labi nya.

"Ano na?! Naninigaw ka pero wala ka rin palang sasabihin? Tss. Sinasayang mo lang oras ko eh." saad nya saka nagpatuloy sa paglalakad.

"T-Teka nga lang Nemo." pigil ko sa kanya. "Bakit parang naiinis ka sakin?" turo ko pa sa sarili ko.

"Dapat ko ba talagang sagutin yan?" medyo may pagkasarkastiko nyang tanong.

"O-Oo, gusto ko malaman yung sagot mo."

"Ay, Oo nga naman noh. Wala ka pala nung may isang damuhong binata na ewan kung anong nakain at bigla bigla nalang nanghahablot ng notebook ng may notebook tas yon ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon dahil napalabas." pigil inis nyang litanya. "Hindi ka aware don? Gusto mo bang idetalye ko kung anong mga sinabi namin?."

"Tch! Yun lang yung inuungot mo dyan?" Nakanguso kong tugon.

Parang ang liit liit lang eh, buti nga pareho kaming napalabas at hindi sya nag iisa ngayon. Haysst mga babae talaga ang gulo!

"Anong yung lang? Anak ng boteki naman oh! Nakalimutan mo bang scholar lang ako, scholar lang."

"Edi, bumalik nalang tayo doon. Wag natin pansinin kung magalit man sya."

"Tss, Alam mo?" lumapit ito sakin nang may paniningkit na mga mata.

"A-Ano?" bahagya pa akong napaatras.

Ewan ko, pero sa kanya lang talaga ako nauutal. Para bang kailangan ko pang bantayan at isiping mabuti yung mga sinasabi ko.

"Lugaw talaga yang utak mo." saka sya tumalikod at naglakad.

What?

d».«b

Okay fine, ginagawa ko to dahil lang nakokonsensya ako sa mga ginawa ko sa kanya. Simula palang, wala na akong ibang ginawa kundi makipagtalo sa kanya at gumawa ng kung ano anong kabulastogan. At sya naman ay heto, makailang beses pa akong niligtas, hindi man lang ako nakapagpasalamat. Tch, isipin nyo na ang gusto nyong isipin kung gaano ako ka sama, pero kasi nahihiya akong sabihin yun eh. Kaya para matapos na to, susubokan kong makipagtalo-I mean, makipagbati sa kanya. Pero susubokan pa lang.

SWITCH book 1 (Once upon a Switch) slow updatesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon