Chapter 18

26 0 0
                                    

Icon's POV

"We will wait for her." agad na sabi ni Dad nung mapansin nyang naiinip na ako.

Eh asan na ba kasi yung Nemo'ng yun? At pinaghihintay pa kami. Di ba nya narinig ang sinabi ni Dad na follow me at the President's Office right away? Oh sadyang di nya lang naintindihan yun...

"Tsk, tsk bobo nga naman."

Bumukas ang pinto, saka iniluwa si Nemo na deritsong nakatitig kay Stephen take note, parang lumiwanag yung mga mata nya ah.. May gusto pa ata kay Stephen eh.... Eh anong paki ko? Hahahahaha asa naman syang papansinin sya nyan.

"Please take your sit Ms. Fernandez." si Dad.

Dahan dahan namang umupo si Nemo sa upoan n:-Oa may destansya sakin ng kunti.

Di parin nawala ang pagkunot ng noo ko habang nakatingin sa kanya. Eh sa naiinis talaga ako eh. Lalo na pagdating sa pagmumukha nito.. NAKAKAASAR!!

StephenDadAndrew Secretary
table

Ako

Nemo

Ganon ang arrangement namin.......

"May I hear now what's the reason why are you two fighting inside the Cafeteria. Wag na wag kayong magsisinungaling dahil marami ang nakakita sa ginawa nyo!!" turo samin ni Dad.

Pareho kaming di umimik at naghintay na may magsalita sa isa samin, pero wala.

Tahimik

Tahimik

Tahimik

"So ano? Naging pepe na ba kayo dahil sa mga suntokan nyo? Ano? Masakit? You Meldez!" napaangat ang ulo ko at tumingin kay Dad. "Hindi ka na talaga nadala no? Patuloy ka parin sa paghahari dito sa School kahit talsik ka na as President, para kang si Vegeta eh! So ano ngayon? Edi nakahanap ka na ng katapat mo? At babae pa talaga ang sumapak sayo ah, tapang." lumingon sya kay Nemo. "What's your name again Hija?"

"A-Alodia po." normal na sagot ni Nemo, walang coldness at wala ring nakakainis na tuno. Nakatitig din sya kay Dad na para bang subrang kalma lang nya.

"Since none of you would like to tell me about what happened, then I choose you to tell me the whole detail." si Dad.

What?! Eh pano kung magsinungaling to?

"That's unfair Prime!" singit ko.

"Ano namang unfair doon Meldez? Tinanong ko kayo kanina kung anong nangyari pero ayaw nyo magsalita, ngayon naman na pinili ko si Ms. Alodia para magkwento ay saka ka sasabat? Ano ka ba naman Meldez?!" si Dad.

"Eh pano kung magsisinungaling sya tas papaniwalaan mo lahat ng kalokohan nya? Eh pano ako nun?" pagmamatigas ko.

"No, let me first hear her side before you."

"No, hindi na kailangan. Sya naman talaga yung nauna eh!"

"Tss.." tumingin ako sa umusal nun kaya nagtama ang paningin naming dalawa ni Nemo, tas unti unting umangat ang gilid ng labi nya na mas kinainis ko.

"See? Kitang kita na gumanti lang sya sakin! Tignan mo mukha nya." Turo ko sa mukha ni Nemo. "Kapani paniwala ba lahat ng sasabihin neto? Hindi! Sya ang nagsimula ng lahat Prime. Sya lang..."

"Defensive masyado."

Napalingon ako sa nagsalita, it's Empaktang Nemo again.

"Manahimik ka nga!" sigaw ko sa kanya.

SWITCH book 1 (Once upon a Switch) slow updatesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon