Chapter 38

12 0 0
                                    

Dani's POV

Pagkarating ko sa room namin ay sakto namang kasisimula palang ng klase namin kaya naman agad na akong pumasok at umupo sa silya ko. Kasunod ko namang pumasok ay yung katabi ko na parang kubang naglalakad na nakahawak pa sa tyan nya.

"What happened to you Mr. Meldez?" Alalang tanong nung Values teacher namin.

"Wag mo akong kausapin! Wala ako sa MOOD!" seryoso nyang sabi doon sa teacher.

Talagang walang kagalang galang, di bali, tuturoan ko yan bukas.

Pagkatapos ng klase namin ay dali dali akong lumabas at pumunta sa Office of the President dahil may paaamohin lang akong pusa.

"Oh, Nasurpresa ako sa pagdating mo ah." nakangisi nitong sabi. "Di ko inaasahan na puponta ka dito."

"Talaga? sayang naman." ako at saka umupo sa sofa na kaharap ng lamesa nya. "Bibigyan pa naman kita ng paboya kung mahuholaan mo kung bakit ako nagpunta dito." makahulogang saad ko.

"Sorry to tell you Fernandez na hindi ako manghuhula." Saad nya at nagbasa ng kung ano.

"Sayang naman yung pera..." saad ko na ikinalingon nya sakin.
"Hahaha, Andrew, Wag nyo akong gawing langgam na kaya nyong paikot ikotin sa mga palad nyo."

"A-Ano ba yang pinagsasabi mo?"

"At saka hindi din ako BOBO para maniwala na di mo alam yung sinasabi ko."

"Alodia, ano ka ba? Ano bang pumapasok sa kokote mo at nagiisip ka ng ganyan?"

"Ba't ako nag iisip ng ganito?" Pumunta ako sa likod ng mesa nya kung saan sya nakaupo at biglang binuksan yung drawer ng mesa nya at sakto namang doon nya nga nilagay yung envelope. Agad ko itong kinuha at hinampas sa mukha nya. "Isa kang nakakahiyang President sa school na to! Kung meron akong ganito kalaking pera, bibili ako ng kahihiyan!"

"Kanina pa ako nagtitimpi sayo ah!" inis nyang tugon sabay tayo.

Yan, sige ilabas mo kung anong klaseng tao ka talaga.

"Hahaha, timpi? Marunong ka pala nun? " gatong ko pa para lalong mainis sya.

"ANO BA?!" Sabay hawak nya sa dalawang braso ko ng mahigpit. "Umalis ka na nga?!"sabay tulak nya sakin.

Agad akong lumapit sa kanya at sinunggaban sya ng kwelyo at sinandal sa pader.

"Oras na may mangyari sa mga kaibigan ko at lalong lalo na sa mom ko, Hinding hindi mo magugustohan ang gagawin ko inyo ng pamilya mo!" seryoso kong sabi.

"Pffffffft........... Hahahahaha sa tingin mo matatakot mo ako?" pilit nyang kumawala sa pagkwelyo ko sa kanya pero mas lalo ko syang diniin sa pader.

"Kaya kong maging maamong tupa, pero wag nyo akong piliting maging masahol na lobo." seryoso kong tugon.

"At ano ngayon? Dapat na ba akong matakot?"

"Kung itutuloy mo yang binabalak mo, dapat lang talaga. Hindi kita tinatakot. Nakikipag usap lang ako ng MASINSINAN." ako at binitiwan sya saka naglakad paalis.

"Hindi mo ako mapipigilan Alodia, at wala kang magagawa." sya..

Napahinto ako dahil sa sinabi nya.

"Sige lang, at bawat gagawin mo sa kanila ay ibabalik ko sayo. Worse than you thought." saad ko saka tuloyan nang Umalis.

Kinuha ko yung PIN sa bulsa ko at nilaro laro sa kamay.

SWITCH book 1 (Once upon a Switch) slow updatesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon