Chapter 22

14 0 0
                                    

Dani's POV

"Bitawan mo ako!!" sigaw ni Fred saka inagaw nya yung braso nya.

"Ice?!" familiar na boses.

"May araw ka rin sakin! Tandaan mo yan!" inis na saad ni Fred saka lumayo. Agad naman na sumunod sa kanya si Franco.

"Ice?" lumapit sakin si Daga. "Sino yung kausap mo?"

Agad ko namang nilingon yung deriksyon kung saan dumaan sina Franco, para sigurohing wala na sila saka ako bumaling kay Daga.

"Wala yun." saad ko saka naglakad kaya sumabay sya sakin.. "Bakit ang aga mo ata?" Hindi ako palatanong pero mas ginusto ko na para maiba ang usapan.

"Ikaw naman, parang di ka pa nasanay na lagi akong early bird ah."

"Tss, early bird? Eh ngayon nga lang kitang nakitang maaga eh."

"Ayssst... Ito naman.. Basag trip agad eh." He mug.

"Tss.. ayosin mo kasi yang trip mo, hindi ka magugustohan ni Clew nyan pagnagkataon---

"Hoi! Ice naman eh. Wala akong gusto dun!"

"Eh ba't lagi mong inaasar?"

"Ako? Inaasar ko ba yun? Hindi naman ah. Porke ba Hindi magkasundo may gusto na agad? Ha? Ganon ba yun?"

"Hindi." sagot ko. "Pero depende."

"Hoi, Anong depende yang pinagsasabi mo?"

"Wala."

"Anong wala? May gusto ka yatang sabihin eh."

"Tss, wala nga. Ang kulit eh."

"Hehe, sige mauna na ako."

Ayun, napakiramdaman nya siguro na nag iiba na yung mood ko, kaya umalis.

Pagkarating ko naman sa room namin ay saktong kakarating lang din ng mga kaklase ko pero wala pa yung teacher namin.

"Sino nga ulit yung feeling maganda na nanakit kay Pres?" rinig kong tanong ni Cris sa mga kasamahan nya.

Teka! Ako yata yung pinariringgan eh.

"Edi sino paba? Edi yang babaeng kala mong subrang ganda!" mas nilakas pa nila yung pagpaparinig, na as if namang may pakialam ako.

"Besh akalain mo, sya lang yung tang inang nangahas na gawin yun sa kanya-

Kinuha ko yung headphone ko sa bag at pinasang sa tenga.

What is that the look in your eyes
Why are you crying
Tell me now, Tell me now
Tell me, why you're feelin' this way
I hate to see you so down, oh baby

Is it your heart
Oh, that's breakin' all in piece
Makin' you cry
Makin' you feel blue
Is there anything that I can do---

SWITCH book 1 (Once upon a Switch) slow updatesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon