Chapter 29

12 1 0
                                    

Clew's POV

Maaga akong gumising kinaumagahan, naghanda ako ng pagkain at prutas. Gusto ko kasing puntahan muna si Ice at kumustahin ang mommy nya sa hospital bago ako pumunta sa school.

"Miss, anong room po yung babaeng isinugod dito kagabi na Fernandez yung apelyedo?" tanong ko sa nurse nung makalapit ako sa cubicle.

"Check ko lang po ma'am-- room 242 po ma'am."

"Sige Salamat."

Nung mahanap ko na yung pinto na may 242 ang nakalagay ay kaagad akong kumatok.

Bumukas yung pinto at Bumungad sakin si Ice. Mugto yung mga mata nya.

"I-Ice? Okay ka lang ba?" Alalang tanong ko at sinagutan nya lang ng tango.

Pinapasok nya ako at kinuha yung mga dala ko.

"Anong nangyari sa kanya? Ice." tanong ko.

"Binaril sya, maraming dugo ang nawala sa kanya pero sabi ng Doctor stable naman na daw sya."

"Nagising na ba sya?"

"Hindi pa eh. Mukhang kailangan nya talaga ng mahabang pahinga."

Tumahimik ang buong kwarto nang wala nang isa samin ang nagsalita pa.

"Ice, Umuwi ka kaya muna. Kumuha ka muna ng mga gamit sa bahay nyo. Ako muna ang magbabantay sa mommy mo." basag ko sa katahimikan namin.

"Okay lang ba sayo?"

"Oo naman, ikaw pa."

"Eh baka malate ka."

"Okay lang, kung malelate man ako, sa next subject nalang ako papasok." d^____^b

"Sige. Sure ka ah?"

"Oo nga, bilisan mo nalang." d^_^b

Dani's POV

Pagkarating ko sa bahay ay kaagad akong naligo at nagbihis, saka kinuha yung mga importanteng mga kailangan ni Mom.

Dapat pa ba akong magdala ng mga towalya? Sabon saka mga lotion?

Tss, naman kasi eh, hindi ako sanay na ako ang maghahanda ng mga gamit. Tch, bahala na.

Ilang minuto din akong umikot ikot dito sa bahay bago bumalik sa hospital.

Pagkababa ko ng kotse ay kaagad akong tumakbo papunta sa Room ni Mommy. Ayaw ko kasing malate si Clew dahil sakin.

Room

"Clew, salamat sa pagbabantay sa kanya habang wala ak---- Prime?" Agad kong nasambit nung makita ko si Prime na nakaupo sa single chair. Hindi ko sya agad napansin.

Tumungo ako nung ngumiti sya sakin, sign as respect.

"Ice, mauna na ako. Ingat ka dito ah." si Clew.

"Thanks."  Ako, saka sya Inihatid ng tingin palabas.

"Prime, salamat po sa pagdalaw. Pasensya na pot hindi ko sya mapapapunta bukas." Alangan naman kasi na pilit patayoin diba?

"It's okay, hindi yun ang pinunta ko dito. Miss Alodia, I went here because I need to talk to you." si Prime. "I heard a lot about you."

"Po?"

"Yung pagligtas mo sa anak ko sa rooftop."

Kweninto pala ni Vegeta sa kanya lahat.

SWITCH book 1 (Once upon a Switch) slow updatesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon