Dani's POV
Palabas kami ngayon ng hospital at kasalukoyang nag aantay kami ng kotse.
"Ahm magsi-Cr lang ako" paalam ko habang Hindi tumitingin sa kanya.
Mahirap nang maiwan, wala pa naman akong kilala sa taong kakilala ng katawang to.
"Okay hihintayin nalang kita dito anak" nakangiting sabi nya pero hindi ko na sya pinansin at tumalikod na.
Agad akong pumasok ulit sa hospital at pinuntahan ang katabi ng kwarto ko. The room of Daniella Cyrine Ozar which is me.
Pagkapasok ko ay agad kong nakita ang kabuoan ng kwarto, maliwanag, may bulaklak pa sa desk ng lampshade at ang supot na katabi nito na paniguradong ang laman ay yung mga gamit ko bago mangyari ang indecent.
Inilapag ko sa desk ang kanina ko pa dalang prutas ng basket at Kinuha yung supot. Siguro naman kahit ito nalang yung madadala ko, marami akong ala-ala sa gamit ko kaya mabuti pa ito nalang pwede kong madala.
Bahagya kong Tinitigan ang katawan kong walang malay. May Naramdaman akong inis dahil sa pakiramdam ko ay inaagaw sakin yung buhay ko pero wala na akong magagawa kundi ang mabuhay sa ibang buhay.
.............
Tahimik ako Buong byahe at nakatingin lang sa window ng sasakyan habang tulala. Madalas akong napapabuntong hininga sa tuwing naiisip kong may ibang pamilya ako, iba na ang kasama ko, at iba nang bahay ang uuwian ko. Di ko na makakasama si Kuya. I will miss him.
Tumigil ang kotse at agad na kaming bumaba at hinarap ang isang sakto lang kalaking bahay. Hinila ako nitong kasama ko papasok, at agad na bumongad ang masamang tingin ng isang kaedad ko na babae at isang nakakatandang kapatid siguro nito.
I also glare at them na ikinairap nung babae.
What's the problem?- isip ko.Eh ang sama ng tingin sakin nitong dalawa, sipain ko kaya to?
"Mabuti naman at dumating na kayo" sabi nung medyo may edad nang lalaki na naglalakad pababa ng hagdan..
"Ah oo Dong," nakangiting sabi nitong mommy ko daw sabay tango pa.
Nakita ko ang pagkunot ng noo nitong medyo may edad nang lalaki na nakatingin kay mommy ko kuno.
"Eh ano pang hinihintay mo? Magluto kana at nagugutom na kami! Para namang may pakialam ako dyan sa anak mo!" Pabulyaw nyang sabi.
Di ko gusto ang bulalas ng dila ng matandang to ah akala mo kung sinong hari na nag uutos sa isang mababang katulong? Tsk tsk tsk.
"Anak pumunta kana doon kwarto at may pasok kapa bukas" utos nito sakin.
Siguro dahil sa pagod ko ay di na ako nagdalawang isip na hanapin ang kwarto ng katawang to at nag pahinga.
Nilibot ko ng paningin ang buong kwarto at agad napansin ang maraming picture frame na nakapalibot dito sa kwarto.
"Ano naman kayang dahilan kung ako nagkakaganito?" Wala sa sarili kong naisambit.
I really damn miss big bro, sa ganitong oras nag aasaran at nagsasapakan pa kami.
*Zzzzzzzzzz* vibrate ng isang cellphone na nasa tabi ko.
Agad ko itong Kinuha at tinignan kung ano. Cellphone siguro ito ni Chin², it's an alarm to sleep na. Kaya agad na akong pumunta sa banyo, naligo at nagbihis para matulog.

BINABASA MO ANG
SWITCH book 1 (Once upon a Switch) slow updates
Action#Romance#Thriller#Action#Science Fiction A story that a very complicated life is involve, what to choose? To Love or To Sacrifice? Such a hard Decision but you need to choose. Don't be sad, Lots of love must be buried but the end of time ALL SACRIF...