Icon's POV
Kinabukasan ay maaga akong nagising, mga 5:30 am siguro. Ano ba naman kayo, mas maaga to ngayon kesa kahapon. Kaya naman hindi ako masyadong nagmadali, hindi naman siguro ako malelate ngayon. Medyo nawala nadin yung sakit ng tyan ko ngayon, hayyy, salamat naman. Hindi ko na talaga kaya kapag nanatili pa yun.
Pagkatapos kong mag ayos ay dumiretso na ako sa gym namin at bumungad sakin ang teams ko at si Nemo na parang inip na sa kahihintay sakin.
"Lahat ng late, sumama sa kanya. Mag walk like a duck kayo at libotin nyo yung buong quadrangle ng limang beses." si Nemo.
"T-Teka lang naman, Ilang minuto ba akong late?" Ako. "At parang ang harsh naman nung punishment ko."
"You are 50 seconds late at ang iba naman ay kakarating lang din. And let me correct you Mr. Meldez na hindi lang ikaw ang tatanggap ng punishment na yun kundi kayong mga late." si Nemo. "Sige na, simulan nyo na, mahaba haba pa ang gagawin nyo."
Langya naman to, eh ang laki laki ng quadrangle tapos lilibotin namin ng nakawalk like a duck lang? Isa tong malaking JOKE! Tch!
Kaya kesa pahirapan kami ng Nemo'ng to, ay sumunod nalang kami sa gusto nya. Kalahati sa team ay sumama sakin, ang Kalahati naman ay Nanatili doon kay Nemo, yung hindi late.
Pagkarating namin sa quadrangle ay kaagad na kaming umupo at nagsimula nang maglakad na parang pato.
"Letsheng buhay naman to oh." reklamo ko.
"Siguro dapat ireklamo na natin sya kay coach, ano sa tingin mo Cap?" si Gallo.
"Ano ba naman kayo, kasalanan din naman kasi natin to. Pagsinumbong natin sya kay Coach, yari naman tayo dun. Eh mas ayaw nun ang late." si Ocampo.
"Tama sya, saka hindi din magtatagal at babalik naman si Coach, kaya tiis tiis muna sa ngayon." si Benitez.
"May araw rin ang Nemo na yan." Ako.
Pagkatapos naming libotin ang buong quadrangle ng limang beses ay kaagad na kaming dumiretso sa gym kung saan naabutan namin ang eksenang pinapa line up na naman yung mga kateam ko.
"Oh? Ano pang tinitignan nyo dyan? Line up na." si Nemo.
Parang pamilyar sakin to ah. Pero kahit ano pa man ay kaagad ko na syang sinunod. Pero hindi paman ako tuloyang nakapunta sa pwesto ko ay sinisimulan na naman nyang pagsisikohin ang mga nauna samin. Napapangiwi bawat isa sa madapuan ng siko sabay mapapaubo pa.
Plano ba talaga nya kaming patayin?
*BLAG!*
*cough cough*
Napaubo ako nung biglang tumama yung siko nya sa tyan ko at napaupo pa.
"Once you are a player, hindi pwedeng lumaki yung ulo nyo. Tandaan nyo, tao parin kayo. Gumalang kayo sa mga nakapaligid sa inyo. You understand me?" si Nemo.
Ako ba pinaparinggan nito?
"You can act like you wish once you are in trouble, but don't you act like you are uneducated person." si Nemo.
Ano raw?
Ako nga yata pinuponterya nito."Now give me 50 squats." Hindi lang sya bossy noh? Demanding din, ano sa tingin nyo?.
At dahil sa sinabi na naman nya, ay wala na naman kaming nagawa kundi ang sundin sya.
Pagkatapos naming magsquat ay binigyan na naman nya kami ng pain killer na gamot. Pagkatapos nun ay agad na kaming dumiretso sa likod nang gym at nagshower, saka ako lumabas at pumunta sa tapat ng pinto na pinasokan ni Nemo. Oo, tama kayo hihintayin ko sya.
BINABASA MO ANG
SWITCH book 1 (Once upon a Switch) slow updates
Action#Romance#Thriller#Action#Science Fiction A story that a very complicated life is involve, what to choose? To Love or To Sacrifice? Such a hard Decision but you need to choose. Don't be sad, Lots of love must be buried but the end of time ALL SACRIF...