Icon's POV
Dugo.
Dugo.
Pumatak ng pumatak yung dugo sa kamay nung humawak sa patalim nitong pangit na holdaper at ang kamay na yun ay galing kay...............
Mula sa kamay ay dahan dahang tumaas yung paningin ko hanggang sa mapunta ako sa mukha nya na nakatingin lang sa holdaper.
dO.Ob
*dug dug*
*dug dug*
*dug dug*"Ne-Nemo?" wala sa sarili kong sabi.
Bakit sya nandito? Sinundan nya ba ako? At ba't nya ako niligtas?
Pilit hinuhugot nung holdaper ang patalim nya pero hindi nya iyon makuha.
Alam kong masakit yun dahil naigagalaw yung patalim sa loob ng palad nya pero bakit wala man lang akong nakitang ekspresyon sa mukha nya.
*Piniga nya ito gamit lang ang isang kamay nya. Hindi sya basta bastang ordinaryong babae. Ewan ko kung anong espirito ang sumapi Doon, basta ang Alam ko Hindi sya ordinaryong tao.*
Ito din ba yung sinasabi ng kaibigan ni Nemo na wala talaga syang ekspresyon? Dapat na ba talaga akong matakot sa kanya?
"Sino, Sino ka?" tanong nung holdaper.
"Hindi mo ba narinig yung sinabi nya?" seryosong sabi ni Nemo.
Nanatili parin akong nakatingin sa kamay nya.
Bitiwan mo na yan!! Tanga ka talaga!
"Ngayon, alam mo ba ang daan papuntang presinto?" tanong ni Nemo sa holdaper.
Nakatulala lang akong nakatingin sa kanya.
"Haha hindi nyo ako mahuhuli!!" yung holdaper. Kusa syang bumitaw sa patalim nya at aakmang tatakbo pero hindi paman sya nakakahakbang ay kaagad na syang sinipa ni Nemo kaya, ayun sumimplang, sa lakas nung pagkasimplang nya ay nawalan sya ng malay.
"Hala, nakita nyo yung ginawa nung babae?"
"Ang astig nya."
"Sya ba ang gumawa nun?"
"Baka naman tomboy yan?"
"Hala, tignan nyo yung kamay ng babae ang laki ng sugat, Andaming dugo."
At ngayon ko lang napansin na pinapalibotan na pala kami ng maraming tao.
Tumingin pa muna sakin si Nemo saka kumuha ng mineral bottle saka hinugasan ang kamay nyang may sugat. Humalo sa tubig ang maraming dugo na galing sa kamay nya. Pero kahit ganon paman ang ginagawa nya ay parang normal lang syang naghuhugas ng kamay sa harap ko dahil wala parin akong nakikitang ekspresyon sa mukha nya.
"Sa susunod wag ka nang paparada kahit saan lalo na pag alam mong delikado. Baka mapagtripan ka pa ng mga siraulo." Si Nemo. "Wag mo hayaang saktan ka nila." Saka ako iniwang tulala.
Wag mo hayaang saktan ka nila
Wag mo hayaang saktan ka nila
Wag mo hayaang saktan ka nila
Pabalik balik iyon sa isip ko.
Para kaming nasa teleserye, napakahirap paniwalaan ang mga nangyayari. Ang hirap.
Clew's POV
Oras na ng trabaho kaya nandito na kami ngayon sa AB. Kasalukoyan akong naghahalo ng alak sa paraang gustong gusto ko. Kakatapos lang ni Ice sa pagkanta nya, medyo napagod din sya dahil sa dami ng nag request sa kanya ng kanta.
![](https://img.wattpad.com/cover/209005357-288-k932862.jpg)
BINABASA MO ANG
SWITCH book 1 (Once upon a Switch) slow updates
Acción#Romance#Thriller#Action#Science Fiction A story that a very complicated life is involve, what to choose? To Love or To Sacrifice? Such a hard Decision but you need to choose. Don't be sad, Lots of love must be buried but the end of time ALL SACRIF...