Chapter 43

13 0 0
                                    

Stephen's POV

Nandito ako ngayon sa mansyon at kasalukoyang busy sa mga papeles na nakakalat sa mesa ko.

*Knock Knock*

"Who's that?" tanong ko habang nakatuon parin ang tingin sa mga papel.

"Young Master, may invitation po na iniwan sa harap ng gate." butler.

"Wala bang pangalan na nakasulat kung kanino galing?" Ako.

"Adder, Young Master."

dO.Ob

Agad akong napaangat ng ulo at tumingin sa pinto na nakasara parin.

"Hand it to me." Ako.

Agad namang Bumukas yung pinto at saka pumasok sya at inabot sakin yung invitation card na nakabalot pa sa kulay pulang papel.

"Out of my sight." Utos ko sa kanya. Agad syang tumungo saka umalis.

Tumingin ako sa envelope at saka binuksan ito at kaagad bumungad sakin ang sulat kamay. Hindi ito invitation card kundi isang subre ng mananakot at pagbabanta.

Dati nyo na akong pinatay, pero heto ako't buhay.
Nagbalik ako para ibaon kayo sa Hokay!

-Adder

"Aba't, buhay ka pa palang gago ka." nakangisi kong bulong.

Adder - A small Venomous Eurasian snake that has a dark Zigzag pattern on its back.

He was once my gangmates, kasama namin sya ni Dani sa lahat ng gulo at away. Pero hindi ko inaasahan na isang araw, malalaman ko nalang na He was a spy coming from a Very Powerful person, at hanggang ngayon Hindi ko parin nahahanap ang taong nasa likod ng Problema na to. Oo, pinatay na namin sya dati ni Daniella, impossible namang nagkaroon ng himala.

Kagaya ng ahas na yun, marami syang galamay, pero hindi naman ako magpapatalo, hindi ko hahayaang mangyari yun. Oo, isa syang matinik na tao, pero kahit anong gawin nya, hindi nya kami matatalo ni Dani.

Tumayo ako at pumunta sa kwarto ni Dani. Kung saan, wala parin syang malay kahit magaling na yung mga sugat nya. Hindi ko maintindihan kung natural lang ba tong nangyayari sa kanya o ano. Nagugulohan ako.

Lumapit ako sa kama nya at umupo.

"Sis." Unang salita ko palang ay kaagad nang tumulo yung luha ko. "Sis, please bumangon ka na dyan. Hindi ko kakayanin to mag isa, hindi ko to makakaya kung wala ka...... Gusto na kitang asarin alam mo ba yun? Gusto ko ulit pumunta sa Carnival kasama ka, maglalaro tayo dun hangga't gusto natin. Alam kong gusto mo yun kahit hindi mo inaamin." Ako.
"Tatakpan mo pa nga yung bunganga ko pag naiingayan ka na, dahil sigaw ako ng sigaw habang nakasakay sa Viking at Roller Coaster, saka ikaw mismo ang sasapak sa mga multong nananakot sakin sa horror house." Nakangiti ako habang ina alala ang mga araw na masaya kaming magkasama. "Gawin na natin yun ulit. Pwede ba?"

Kinuha ko yung kamay nya at binalot ito ng mga kamay ko.

"Kaya gumising ka na, Lil sis.... please."

Icon's POV

"Nemo?" nandito ako ngayon sa gym. Subrang dilim ng paligid dahil hating gabi na. Nakatalikod kasi si Nemo sakin kaya ko sya tinawag, at saka nagtataka ako kung bakit sya nandito.

SWITCH book 1 (Once upon a Switch) slow updatesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon