Joseph's POV
"Tch! Nakakainis naman eh. Wala na tuloy akong kasabay na umuwi, ang arte kasi ng Masungit na yun eh, parang may dalaw." pagmamaktol ko habang hindi parin umaalis sa pwesto ko kanina.
"Oy Daga, sino hinihintay mo?"
dO.Ob
Si Ice.
"Hindi ka pa pala umuuwi?" kamot batok na tanong ko sa kanya.
"Hindi pa."
"Eh, may ginawa pa ba kayo?"
"Wala naman."
Tignan mo nga tong babaeng to, isang tanong isang sagot lang eh.
"Eh bakit ngayon ka lang?" Ako.
"Eh kasi dumaan pa ako sa locker ko at inilagay doon ang mga gamit ko tapos dumaan pa ako sa gym para icheck kung may tao pa ba saka ako pumunta dito at nakita ka." si Ice. "Ngayon, ang tanong ko naman yung sagotin mo. Sinong hinihintay mo? Si Clew ba?"
"W-Wala noh." pagsisinungaling ko, eh kasi paaaminin na naman ako nito kung may gusto ba ako sa Clew na yun.
"Tsk tsk tsk, ang ayaw ko sa lahat ay yung mga sinungaling."
"OO NA! Gusto ko sanang sumabay kay Clew eh, pero di sya pumayag."
"Hahahahaha, talaga? Bakit?"
dO.Ob Tumawa sya.
"Anong bakit?"
"Ba't mo gustong sumabay sa kanya? May gusto ka na dun no? Ano? Aminin mo na kasi."
"W-Wala nga."
"Weeeeeeh?"
"Naman Ice ehh. Ba't ba natin sya pinag uusapan------
"Tulong!!! Joseph! Nasan ka tulongan mo ako!!!" rinig kong may sumigaw.
*BLAG*
Malakas yung pagkakabangga nya sakin kaya naman sumimplang sya, ako naman, masakit lang yung balikat.
Natinag ako nung marinig ko syang humagolhol. Agad akong lumapit sa kanya pero bigla syang nagulat.
"Wag po please--- Joseph." At bigla nya akong niyakap. Nung nakita ko yung mga mata nya ay punong puno ito ng takot, Oo, binabalutan sya ng takot.
Ba't sya umiiyak? Anong nangyari sa kanya?
"Clew, Anong nangyari?" rinig kong tanong ni Ice.
Umangat naman ang ulo nito at tinignan si Ice.
"Ginawa na nya Ice........ (huhuhu) ginawa na nya........" sagot naman nito habang umiiyak. Hinagod ko ang likod nya para patahanin sya.
Actually, wala akong maintindihan sa pinagsasabi nya.
Kumalas ako sa yakap nya at hinawakan ang mukha nya at tinitigan sya sa mata."Law...... ligtas ka na..... wag ka nang umiyak." Tumango lang ito bilang sagot.
"Ayan na sila....." Agad akong napalingon sa tinitignan ni Ice, at nakita ang dalawang lalaki na mala pinagpala talaga ng kapangitan.
Tumayo ako at dinala si Law sa likod namin ni Ice.
"Kung ako sa inyo hindi na ako mangingialam para hindi na kayo masaktan." sabi nung isa.
"Talaga?" si Ice. Kung makikita mo sya ngayon ay parang normal na tao lang yung kausap nya, walang bahid ng takot o kung ano. "Kung ganon, mabuti pang umalis nalang kayo para hindi mangyari sa inyo yang pinagsasabi mo."
BINABASA MO ANG
SWITCH book 1 (Once upon a Switch) slow updates
Acción#Romance#Thriller#Action#Science Fiction A story that a very complicated life is involve, what to choose? To Love or To Sacrifice? Such a hard Decision but you need to choose. Don't be sad, Lots of love must be buried but the end of time ALL SACRIF...