Chapter 20

32 1 0
                                    

Icon's POV

"Ano ba kasing nangyari sayo, bakit may sugat ka?" dad.

Nandito kami ngayon sa Clinic at kasalukoyang nagpapalinis ng sugat ko. Papalabas na dapat sana ako ng School eh, kaso nakita nya ako at Syempre ito ding sugat ko. Gustohin ko mang pigilan si dad pero wala akong magawa kundi sundin sya. Kaya nandito na kami sa Clinic ngayon.

"Wala nga diba?! Paulit ulit lang eh!" inis kong saad.

"Ikaw talagang bata ka, kahit kailan, ang tigas parin ng ulo mo noh?!"

"Tsss."

"Ano?! Sasabihin mo ba o hindi? O kailangan ko pang tanongin si Miss Alodia!"

dO.Ob

Mabilis akong napatingin sa kanya.

"Ano namang kinalaman nun dito?" patay malesya kong sabi.

"Nakita ko kasi sya na nauna bago pa kita nakita, siguro naman nakita ka nya diba?" Dad.

"Tss, wala yung pakialam sakin at ganon din ako sa kanya, kaya panong nakita ako nun?" gatong ko pa.

"Eh sabihin mo na kasi!"

"Wala nga diba? Wala. Paulit ulit talaga dad?"

"Ewan ko sayong bata ka!" Si dad saka naglakad paalis.

Tss. Ang kulit talaga eh.

"Mr. Meldez, Icon hindi sa nangingialam ako ah pero kasi nag aalala lang po yung dad nyo, kaya po ang ibig nya lang ipahatid ay nag aalala lang sya ng subra kasi hindi ka nya nabantayan. Siguro kung nandoon lang sya ay gagawin nya lahat hindi ka lang masaktan." Bumuntong hininga muna sya bago nagpatuloy. "Alam mo kasi, Lahat ng may malasakit sayo ay normal lang na mag alala, lalo na kung espisyal yung taong yun sayo. Katulad lang ng dad mo nagiisa kang anak kaya napakahalaga mo sa kanya." Si miss Bell. Nurse sya dito sa Clinic kung hindi nyo naitatanong. Ilang taon narin syang nagsisilbi dito at sya lang ang nakakausap kong matino dito mula nung iniwan nila ako.

Ano daw? Tutolongan ako kung may malasakit sakin? Tss malabo yun lalo na saming dalawa ni Nemo... Tch.

"Ahm.... Pwede po bang magtanong?" Ako

"Hmm. Ano yun?"

" Niligtas ka na ba ng kaaway mo?" curious kong tanong.

"Ahm.... Hindi pa eh. Kasi kung totoo ka nyang kaaway, hindi nya gagawin yun. Mas gusto pa siguro nyang mapahamak ka."

dO.Ob

Eh bakit nya ginawa yun? Bakit nya ako iniligtas?

"Kunyari po, nag iisa ka lang tas nung napahamak ka na ay biglang susulpot yung kaaway mo para iligtas ka, ano po ang unang una na iisipin nyo?"

"Medyo malalim ah---- Ganito kasi yan. Hindi lahat ng kaaway mo ay kaaway rin ang tingin sayo. At hindi lahat ng itinuring mong kaibigan ay kaibigan din ang tingin sayo." Kumuha muna sya ng benda bago itinuloy yung sinasabi nya. "Pero sa sitwasyon na sinasabi mo. Ang iisipin ko ay ba't sya nandito? Sinundan nya kaya ako?. Kasi Possible ring palihim ka nyang sinundan. O kaya naman---- bakit mo nga ba natanong hijo?" pag iikot nya ng benda sa braso ko.

dO.Ob

"Po? Ahaha wala lang po." napapahiya kong tugon.

dO.Ob biglang ekspresyon nya

"Bakit po?"

"W-Wala hijo. Oh ayan ah tapos na. Sa susunod mag iingat ka't para hindi na mag alala ng ganon ang dad mo."

SWITCH book 1 (Once upon a Switch) slow updatesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon