Chapter 33

13 0 0
                                    

Dani's POV

Kakatapos lang namin sa trabaho ngayon.

"Ano nga yung nangyari kanina, magkwento ka naman." si Clew.

Kanina pa ako kinukulit nitong si Clew. Gusto nyang magkwento ako tungkol sa mga nangyari kanina.

Tss, eh tinatamad ako makipag usap ngayon, lalo na ang magkwento. Katamad magsalita.

"Oh sige sabihin mo nalang kung bakit magkasama kayo ni Vegeta kanina."

"Nauna akong lumabas..." pagsisimula ko.

"Oh tapos?" excited na tanong ni Clew.

"Katamad nga magsalita."

"Ice naman eh!" dismayado nyang sabi. "Tuloy mo na, nasimulan mo na eh."

"Tss, oh sige." pagsuko ko. Eh mukhang hindi naman ako titigilan nito. "Ayun, nauna nga akong lumabas ng gym, naglalakad ako nung bigla ko nalang narinig na sumigaw syang 'Mali! Mali!'" ginaya ko pa ang paraan ng pagkasabi nun ni Vegeta.

"Hahahahaha, talaga? Parang timang naman eh. Hahaha, oh tapos?"

"Kaya naman nung narinig ko syang sumigaw nun ay napahinto ako sa paglalakad at nilingon sya, pero mukhang hindi nya ako napansin eh kasi patuloy lang sya sa paglalakad. Malalim yata iniisip nun." Tumigil ako saglit at nilagok yung isang baso ng alcohol na iniabot sakin ni Clew. " Nung nagsalita ako, nagulat rin ako nung bigla syang napatalon sa gulat. Hindi naman siguro pangit tong si Alodia diba, pinaganda ko na kaya to."

"Eh ano bang sinabi mo at nagulat sya ng ganon?"

" Nagtanong lang naman ako kung may sira ba talaga yung utak nya. Isipin mo, nagsasalita sya mag isa, sumisigaw pa."

"Hahahahaha talagang tinanong mo sya ng ganon? Hahaha, ayos ah, sayang di ko nakita mukha nya. Teka lang." Si Clew. "Kung malalim nga yung iniisip nya tas nagulat sya nung makita ka nya, ibig sabihin Hindi nya inaasahan na ang taong iniisip nya ay sumolpot bigla sa harapan nya!"

"Huh?" clueless kong tanong.

"Ibig sabihin, ikaw yung iniisip nya! Haha, tama!"

"Tss, mali ka dun. Bakit naman nya ako iisipin? Eh parang kanina lang nung sabihin ni Coach na babalik na nang Hongkong si Prime, nakita ko yung lungkot sa mga mata nya."

"Ayssst, baka yun nga ata teh, eh minsan lang kasi yan umuwi si Prime tapos mawawala ng matagal. Siguro nga, ayaw ni Vegeta na umalis yung dad nya kaso wala syang magawa."

Bigla ko nalang naalala yung sinabi ni Vegeta kanina sa rooftop. Pero ang hindi talaga mawala wala sa isip ay yung huling sinabi nya. Pano kaya kung hindi nangyari yun noh?.

Tanongin ko kaya si Clew tungkol sa nakaraan nya posible kayang may alam to? Siguro naman oo, kasi mukhang matagal na syang nag aaral doon eh.

"Clew, before ba naging ganyan si Vegeta ay may mga kaibigan sya?" tanong ko. Nako curious ako eh. Hindi talaga mawala wala sa isip ko yung mga sinabi nya kanina. Parang may parte sa kanya na nag uugnay sa nakaraan nya kung bakit sya nagkaganyan. "Yung Alam mo na, yung pagiging Cold nya."

"Si Vegeta? Bakit mo naman natanong?" Bigla nalang nag iba ang ekspresyon ng mukha nya na may panunokso. "Teka, interesado ka na ba sa kanya Ice?"

"Isa ka pa eh." napakamot ako ng ulo. Dahil sa imbis na matinong sagot yung gusto ko, tinukso pa ako. "Sigunda ka doon sa Vegeta'ng yun, lugaw yung utak."

SWITCH book 1 (Once upon a Switch) slow updatesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon