Dani's POV
Kasalukoyang nandito kami ngayon ni Clew at Daga sa Cafeteria at nagla lunch.
"Ice, may problema ba? Parang kanina ka pa walang kibo ah?." si Clew.
"Eh tahimik naman lagi yan si Ice eh, ikaw lang yung maingay." sabat naman ni Daga.
"Ezzz, ikaw ba kinakausap ko? Ikaw ba?"
"Hindi."
"Yun naman pala eh, so keep quite!"
"Hahahahaha Hahahahaha. Anong keep quite? Quiet yun!"
"B-Basta! Atleast magkalapit yung tunog diba?" saad ni Clew saka tumingin sakin. "Teka, ba't ang putla mo ngayon, tapos matamlay kapa, may sakit ka ba? Tsaka napano na naman yung kamaymo?" saka nya nilagay yung kamay sa noo ko. "Te-Teka, si Vegeta ba yun? Ba't parang may iba sa kanya ngayon?" si Clew.
Nilingon ko lang din ang gawi na tinitignan ni Clew, at nakita doon si Vegeta na nakatungo lang habang naghahanap ng bakanteng lamesa.
"Bakit? Ano pa bang iba sa kanya?" singit naman ni Daga.
"Manahimik ka nga! Kinakausap ba kita?" si Clew.
Nung tumingin naman si Vegeta sa deriksyon ko ay pasimple naman akong umiwas ng tingin para hindi nya mahalata.
"Pres, dito!" tawag ni Clew sa kanya.
Naramdaman ko naman agad na papunta sya sa deriksyon namin kaya minabuti ko nalang na tumayo.
"Busog na ako. Mauna na ako sa inyo, may gagawin pa kasi ako." saad ko saka umalis, kaso may kumalabit sakin, kinuha nya yung pulsohan ko.
"Iniiwasan mo ba ako?" seryosong tanong sakin ni Vegeta.
Kinalaban ko rin yung titig nya saka dahan dahang Tinanggal yung kamay nya at naglakad papalayo.
Matapos ko doon sa Cafeteria ay dumiretso agad ako sa Rooftop na lagi kong tinatambayan. Tulala lang ako habang nakatingin sa malayo.
Napatingin ako sa kamay kong may benda, pati narin sa balikat kong binalotan ng benda.
"Tss, ba't ba lahat ng katangahan sa mundo sinalo mo?" saad ko.
Cris POV
"Teka, diba si President yun?" saad ni Michelle kaya agad naman akong lumingon sa gawi na tinutokoy nya, at doon ko nakita ang eksenang hindi ko nagustohan.
"Iniiwasan mo ba ako?" napasalubong yung kilay ko dahil sa inasta ni Icon.
"Teka, Tama ba yung narinig ko?" si Lany. "Parang kelan lang nagsasapakan sila dito sa Cafeteria ah? Ano Cris, wala kabang gagawin? Tititigan mo lang ba sila ng ganyan?"
BINABASA MO ANG
SWITCH book 1 (Once upon a Switch) slow updates
Action#Romance#Thriller#Action#Science Fiction A story that a very complicated life is involve, what to choose? To Love or To Sacrifice? Such a hard Decision but you need to choose. Don't be sad, Lots of love must be buried but the end of time ALL SACRIF...