Chapter 6 ( I set them free)

30 0 0
                                    

Dani's POV

Nandito ako ngayon sa kwarto ko, kakarating ko lang galing school, half day lang daw kasi kami kaya dumiretso ako agad dito sa bahay.


Naligo ako at nagbihis Pagkatapos ay humiga sa kama para pagpahinga, imidlip ako saglit at pagkagising ko ay agad na akong bumaba tas nanghalughog sa ref at kumain sa sofa kaharap yung TV, kinuha ko yung remote at Inilipat sa cartoon network ang channel.

Kung di nyo na itatanong, idol ko si Mr. Bean, sya lage ang inaabangan ko sa channel na to, di kasi sya boring panuorin eh kahit tatanga tanga sya. Isa rin sa gusto ko sa kanya ay mabilis syang nakakagawa ng paraan sa kahit anong bagay, at doon ko sya ginaya he's my fool genius. Hahahahahah.

Matapos yung balabas ay bumalik na ako sa kwarto at umupo sa kama at nagbasa ng libro.


"Kamusta ang school nak?" Tanong ni mommy sabay tabi sakin.
d^_^b pumasok pala sya na di ko man lang napansin.

"Okay naman po"


Habang tinitignan ko sya at agad nahagip ng paningin ko ang mga pasa nya sa braso.

"Na pano yan?" Tanong ko sa kanya.


Ngumiti lang sya ng tipid at di sinagot ang Tanong ko.


"Nak nga pala birthday mo na next month, anong gusto mong mangyari gagawan natin ng paraan" pag iiba nya.



Birthday mo na pala Alodia. Nag isip ako saglit. Ano bang gusto mo Alodia? Or ........... kung ano ang gusto ko?


"Ahm, wala pa akong maisip eh" kahit naman po sabihin ko ang gusto ko ay wala rin kayong magagawa.

Ngumiti ako sa kanya pero hindi abot sa mata.

*knock knock*


Tumayo ako at pinagbuksan ang taong kumatok then I see Dong my step father kuno. Alam nyo para akong bida sa isang pelikula na puro kuno ang mga nakapalibot sakin. Tulad ng mom ko kuno, step sister ko kuno. Haysst ang gulo ng buhay ko. d-.-b


"Bakit po?" Tanong ko sa kanya.


"Maguusap lang kami ng mom mo" walang gana nyang sagot.

Wow lang no! Kinausap ko sya ng maayos tapos sasagutin nya ako ng ganon.

Tas ayun pumasok sya sa kwarto ko na walang pahintulot amoy alak pa ata eh.


"Labas lang po muna ako" sabay labas.


Kabadtrip eh, teka ba't parang ang tahimik ng bahay, nasan kaya yung dalawa?.

Pumunta ako sa dulo , kwarto ata yun ni Era. Kumatok ako pero parang walang tao sa loob kaya binuksan ko na. Pagkapasok ko ay agad Bumungad sakin yung mga iilan sa nabili kong gamit at nakahilata ito sa kama nya.

Tsk tsk tsk kaya pala may kulang sa mga gamit ko. Tch! di na ako mag aaksayahang kunin yun, nakakacheap kaya yun. Tsk nangunguha pa talaga ah, kala mo kung sinong umasta, magnanakaw rin pala.

"Sayo na yan, hiyang hiya naman ako eh." Bulong ko.


"Dong bitiwan mo ako!!" rinig kong sigaw ni mommy mula sa kwarto ko.


Agad akong tumakbo papunta sa kwarto ko at walang pahintulot na pumasok. Tas agad Bumungad sakin yung scene na hawak hawak ni Dong sa leeg si mommy kaya mabilis ko syang tinulak dahilan para mabitawan nya si mommy at mapaupo sa sahig.


SWITCH book 1 (Once upon a Switch) slow updatesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon