ILIANA
"Goodmorning papa!"bati ko kay papa pagkalabas ko sa kwarto ko. Nakangiti naman syang humarap saken at binati din ako pabalik.
"Goodmorning din. Anak."nakangiting bati nya at nagpatuloy sa ginagawa nya. Lumapit ako sa kanya at tiningnan kung ano na namang ginagawa nya.
"Ano pong tawag dyan pa?"tanong ko sa kanya habang tinitingnan sya na ibuhos ang color yellow na liquid sa malaking pot at hinalo nya kaya yung blue na liquid na nasa loob ng pot ay naging green. Tinapat nya ang kamay nya sa pot at naglaglag ng water droplets kaya nagiba na naman ang kulay ng potion.
"Isa itong healing potion na pwedeng gamitin para sa lason."paliwanag nya at napatango tango naman ako. Nakalimutan ko nga palang sabihin na isang Herbalist si papa, ibig sabihin sya yung gumagawa ng mga gamot para pagalingin yung nga may sakit o nalason. Pwede rin syang matawag na doktor kasi nanggagamot sya eh.
"Okay pa, alis muna ako ah. May gagawin lang ako sa palengke."paalam ko kaya napatingin sya saken.
"O sige, umuwi ka ng maaga ha. Wag kang magpagabi baka kung mapano ka sa daan."bilin nya pero umirap ako at nagsalita.
"Papa minamaliit mo naman ako eh. Hindi ako naging si Iliana Creed para lang sa wala. At tsaka pa, kaya ko ang sarili ko no Sayo kaya ako nagmana."sabi ko at kiniss muna sya sa cheeks bago kunin ang bag ko na may lamang iilang mga potions at maliit na kustilyo na pwede kong magamit in case of emergency, tapos ay umalis na ako ng bahay.
Habang naglalakad ako sa daan ay nakita kong napapatingin saken yung ibang tao at nagbubulungan.
Huminga na lang ako ng malalim at di sila pinansin. Pero may isang hindi nakaligtas sa pandinig ko."Ayan na ang sinumpang babae. Naku, naku hindi na ako magtataka kung isang araw bigla na lang syang bumulagta dyan"napapikit na lang ako dahil pinipigilan ko ang sarili ko.
"Ay, naku ano bang himala ang ginawa ng tatay nya at nabuhay sya."Kumalma ka Iliana, hindi ka pwedeng mawalan ng kontrol sa sarili.
"Tsk, pano kaya sya nabuhay eh wala naman syang kahit anong attribute." Umiwas na lang ako ng tingin dahil kahit naiinis ako ay aminado akong yun ang kulang ko.
Nilagpasan ko sila at naglakad na palayo sa kanila. Sa totoo lang kung meron lang akong attribute, gusto ko silang patamaan kahit isang beses lang kaso yun ang problema ko, wala ako noon at alam ko kahit na wala ako non bawal pa rin yung gamitin dito sa bayan.
Pinagbabawal kasi ang paggamit ng attribute sa buong village, dahil gusto ng mga mga Prosperia ay manatili ang kaayusan at maiwasan ang gulo. Kung sino man ang mahuhuling gumagamit ng attribute ay ikukulong sa loob ng dungeon ng palasyo.
Napahinga ako ng malalim dahil nakakarindi na rin ang di matapos tapos na bangayan at pangiinsulto ng mga tao dito. Taliwas ito sa tratong binibigay nila sa mga Prosperia na akala mo ay mga diyos na sinasamba at nirerespesto ng lahat.
Hindi ko naman sila masisisi kasi kung tutuusin sila ang mga mayayaman at makakapangyarihang tao sa bayang ito.
Minsan naiisip ko pano kung meron akong attribute? Hindi ko kaya mararanasan ang lahat ng panglalait na ito?
Gusto ko lang naman mamuhay ng walang insulto ang panghahamak na natatanggap sa mga mapanghusgang tao dito.
Hindi ko alam ang kwento pero nanggaling mismo kay papa na isang normal na tao ang nanay ko. Isang bawal na relasyon ang meron sila, isang sumpa.
Namatay si mama nang ipanganak ako dahil isa iyong natural na epekto sa mga tao, yun ang paliwanag ni papa. Pero maswerte daw ako sabi ng mga kapitbahay namin..