"O bakit may sugat yang pisngi mo?"pambungan sakin ni Adrian nang makasalubong ko sya sa palengke. Katatapos ko lang maubos ang Hermosa ni aling Lema kaya mga pagkain naman ang binebenta ko ngayon at heto tinutulungan ako ng magaling kong kaibigan na maibenta lahat ng ito.
"Wala to, nabunggo lang ako sa corner ng kama kanina kakamadali kasi tanghali na ako nagising."naisip ko na wag sabihin sa kanya ang nangyari kagabi dahil ayokong mag-alala sya at kung seryoso talaga yung taong yun na saktan ako hindi malayong idamay nya rin si Adrian, at hindi ako makakapayag, kaya mas mabuti nang ako na lang ang nakakaalam nun.
"Iana, alam kong gwapo ako pero nakakangalay rin."napakurap-kurap ako at agad nabalik sa huwisyo nang makita kong kanina pa sya humihingi sakin ng sukli kasi may bumili pala. Awkward na nginitian ko yung customer at nung makaalis ay humarang si Adrian sa harap ko habang nakapameywang.
"Iana, sabihin mo may problema ba? May nangyari ba kagabi?"napalunok ako at iiwas sana ng tingin sa kanya pero mas lalo lang madadagan yung curiousity nya kaya umiling ako at ngumiti.
"Masyado kang paranoid, walang nangyari tsaka sige na nga gwapo ka na kaya nat---"natigil ako sa pagsasalita nang may mahagip akong pamilyar na tao. Hindi ako pwedeng magkamali.
"Aba mabuti naman at inamin mo rin na nagagwapuhan ka---Iana!-"
Hindi ko na inisip ang binebenta ko dahil tumakbo na ako agad para sundan ang taong yun, hindi ako pwedeng , sya yung lalaki kagabi! Mas binilisan ko ang paglakad at medyo nahirapan ako kasi masikip pero hindi ko pinayagang mawala sya sa panignin ko.
"Iana! Iana! Ano bang problema? Iana!" hindi ko na muna pinansin si Adrian dahil baka mawala sa paningin ko yung lalaki, hindi pwede, dapat makita at malaman ko kung sino sya.
Hindi ko mapapalampas ang ginawa nya kagabi, kailangan ko syang makilala at makausap.
Wala na akong pakialam kung tinitingnan at sinasabihan na ako ng masama ng mga taong nababangga ko, ang importante ay mahabol ko sya. Hindi sya pwedeng mawala sa paningin ko.
"Excuse me. Sandali lang."
Abot-kamay ko na sana sya pero may dumaang mama na humihila ng kariton kaya natabunan ang paningin ko. Pinilit kong isiksik ang sarili ko sa dagat ng mga tao pero muntik na akong matumba nung nasiko ako ng isang lalaking dumaan.
"Iana!"buti na lang at nasalo nya ako kundi matatapakan ako ng mga tao. Teka asan na sya? Nilibot ko ang paningin ko pero hindi ko na sya makita. Nasan na sya?
"Iana? Ano bang problema, sino bang sinusundan mo?" sorry Adrian hindi muna kita masasagot ngayon.
"Asan na sya?"naiinis kong bulong.
"Sinong sya Iana?"
Nilibot kong muli ang paningin ko at nanlaki ang mata ko nang makita ko sya sa di kalayuan, kaya hindi ko na sinayanag ang pagkakaton na yun. Halos tabigin ko na ang lahat ng tao sa daan ko para lang maabutan sya at hindi naman ako nabigo.
Suot-suot nya parin ang itim na coat at mabilis ko iyong hinila para mapatigil sya sa paglalakad, at kinabahan ako nang mapatigil sya at kunot-noo akong nilingon.
"Ano bang problema mong bata ka? Ba't nanghihila ka?"agad na nanlaki ang mata ko dahil isang nakaposturang mayaman na matanda pala yun. Medyo napaatras ako at agad na nag-sorry dun. Sinamaan nya lang ako ng tingin bago maglakad palayo.
Medyo nakahinga ako ng maluwag kasi hindi nya na pinalaki yung ginawa ko.
"Iana! Iana! Ano bang nangyayari sayo?"nabalik lang ako sa huwisyo nang hawakan ni Adrian ang balikat ko. Pero imbis na sagutin sya ay umiling lang ako para hindi na sya magduda pa lalo.