THIRD PERSON
“Asan si Iana?”bungad na tanong ni Apollo sa kakapasok lang na si Calix, napailing iling naman ang isa at palihim na napangiti, iniwan nyang bukas ang pinto para antayin na bumalik si Iana.
“Wag kang magalala, hindi sya pumunta sa sentro, kinausap lang sya nung kapatid ni Seo.”sabi nito kaya nakahinga ng malalim si Apollo. Bigla namang sumeryoso si Calix dahil hindi nya rin gusto ang ideyang sinabi ni Apollo.
“Sigurado ka na ba talagangb magpapaiwan ka dito? Pano kung hindi nakagawa ng paraan si Dean para makabalik ka.”natahimik naman si Apollo at malalim na nagisip, pero wala syang ibang maisip kundi ang sinuggest nyang idea.
“Yun lang ang nakikita kong paraan para makabalik si Iana, b-bahala na pagkatapos kung anong mangyayari.”napabuntong hininga na lang si Calix dahil hindi pa rin sya makapaniwala hanggang ngayon na si Apollo ang kaharap at kausap nya.
“Pero---“natigil silang dalawa nang mahagip ng tingin nila ang isang batang babae na nagpupunas ng mata na napadaan sa harap ng bahay.
“Soo!”tawag dito ni Calix na dali-daling lumabas ng bahay, kumunot naman ang noo ni Apollo dahil hindi nya nakita si Iana na kasama nito kaya lumabas din sya ng bahay at kinausap ni Calix ang bata.
“Soo, o tapos na ba kayong magusap?”tanong ni Calix kaya nakangusong tumango ang bata.
“Kakatapos lang naming magusap, bakit po?”takang tanong ng bata.
“Ah nagtataka lang kasi ako na hindi mo sya kasamang bumalik?”kumunot naman ang noo ng bata at nilingon ang pinanggalingan nila kanina pero wala na syang nakitang kahit anong bakas nito.
“Ah, sabi nya po kasi mauna na akong bumalik dito, nalungkot yata sya nung binalik ko sa kanya yung binigay sa kanya ng parents nya.”naguguluhang sabi ng bata at agad nakaramdam ng kakaibang kaba si Apollo dahil sa narinig.
“M-may binigay ka sa kanya? Ano yun?”tanong ni Apollo at hindi pa rin maalis ang kabang nararamdaman nya dahil parang may nararamdaman syang mali.
“Ahm, yan po, yang pong hawak nyo, may ganyan rin po pala kayo?”sabi nito at tinuro pa ang vestals na nakakabit sa damit ni Calix, nagkatinginan naman ang dalawa, bagama’t nakahinga ng maluwag dahil nahanap na ang vestals ni Iana, hindi pa rin nila mapigilang magtaka kung paano iyon napunta sa bata.
“T-teka pano napunta sayo yung ganon nya?”takang tanong ni Calix kaya ngumuso naman ang bata.
“Akala nyo rin po ba kinuha ko yun? Nung una gusto ko ring kunin yun pero nung nalaman ko na binigay pala yan nung parents nyo hindi ko na—“
“Oo, ganun na nga pero, teka paano at saan mo nakuha to?”
“Ah, nakita ko pong tinapon yan ng isa nyong kapatid.”mas lalong kumunot ang noo ni Apollo dahil may hinala na sya kung sino pero gusto nya lang makumpirma.
“Kapatid? Sino naman sa kanila?”pagtatanong pa ni Calix
“Hmm, yung isa pong babae, nakita kong tinapon nya yun dun, tapos nung umalis sya kinuha ko .”sabi nito at nakaisip ng isang hindi magandang nangyayari si Apollo dahil sa mga nalalaman nya.
“A-ah, ganun ba sige—“natigil sila nang biglang umulan kaya pinauwi na nila ang bata at sumiling na rin sila para hindi mabasa, nagkanya-kanyang silong na rin ang ilang tao kaya mas tumindi ang kabang nararamdaman nilang dalawa dahil nagsisimula na ring dumilim at malakas pa ang ulan.
“Asan sila Valoria?”seryosong tanong ni Apollo kaya natigilan naman si Calix. Kahit sya ay hindi alam kung nasan ang dalawa.
“Hanapin mo sila Valoria, hahanapin ko si Iana.”nangunot ang noo ni Calix at agad na pinigilan si Apollo.