Nanatili akong nakayakap sa tuhod ko habang nakatingin sa kawalan, hindi ko pa rin lubos maisip na nangyayari ang mga ito sakin. Matapos nyang sabihin yun ay iniwan nya ulit ako ditong magisa habang halos sasabog na ang isip ko sa mga nangyayari at nalalaman. Sobra-sobra namang balik ang epekto ng hiling na yun pero hindi ko yun pinagsisihan dahil ngayon kahit sobrang naguguluhan ako at nalaman ko ang totoo.
Ayokong magtagal dito dahil hindi ko pa sila kilala at hindi ko alam ang kakayahan nila. Ayoko dito dahil masama ang mga tao dito ayon sa narinig ko sa ibang tao.
Ayoko dito dahil nandito ang mga taong nagtatangka sa buhay ko. Ayoko dito dahil hindi ko kayang tanggapin na isa ako sa mga taong kinamumuhian nila dahil parte ako ng grupong to. Ayoko dito dahil hindi ito katulad ng Arthenia, walang kalayaan at nakabase sa parusa ang gagawin ko.
Pero kahit anong pagaayaw ang gawin ko hindi pa rin nun mababago ang katotohanang dito ako nababagay, nandito ang totoong pamilya ko pero hindi ko maramdaman ang pamilyang sinasabi nila.
Bakit Iana may pamilya ka ba sa Parthenia? Si papa at Adrian ang pamilya ko doon pero nawawala ngayon si papa at hindi ko alam kung nasan sya at nagtatampo ako sa kanya dahil hindi nya sinabi sakin ang tungkol dito.
At si Adrian, hindi ko na alam kung anong nangyayari sa kanya, pero naglihim din sya sakin.
Sa Arthenia? Hindi ko alam kung meron pa akong kaibigang madadatnan doon, dahil simula nang malaman ko ang lahat ay parang nawalan na ng saysay ang lahat sa buhay ko.
Kaya ngayon hindi ko alam kung saan ako lulugar, hindi ko alam kung sinong matatakbuhan ko, kung sinong lalapitan ko. Tama si Cassandra sana hindi na lang ako nabuhay.
Natigil ako sa pagmumuni nang marinig kong may pumasok, pero hindi ko na ito pinagtuunan ng pansin, napatingin lang ako sa kanya nang lumuhod sya kaya magkaharap na kami ngayon. Parang lumundag ang puso ko nang makita ko sya.
"Ano bibitayin na daw ba ako?"pagbibiro ko pero kumunot lang ang noo nya at napailing.
"Kaya mo bang tumayo?"nagulat ako sa tanong nya kaya natagalan bago ako sumagot.
"Bakit anong meron?"tanong ko at mukhang hindi na sya makapaghintay dahil inalalayan nya na akong makatayo kaya nagtatakang napatingin ako sa kanya.
"Tara na habang wala pa yung bantay."sabi nya at akmang hihilahin ang kamay ko pero iniwas ko ang kamay ko na ipinagtaka nya, matamlay ko syang tiningnan kaya napakunot ang noo nya.
"Ikaw ang nagdala sakin dito diba? Kaya bakit mo ko itatakas? Ano may sira ba yang ulo mo o ano?"naiinis ako sa kanya pero mas nangibabaw ang pagaalala nang maalala ang sinabi ng tunay kong tatay kanina, ang mapahamak si Apollo ang pinakahuling bagay na gugustuhin kong mangyari.
"Wala tayong oras para magaway o magasaran, makinig at sumunod ka na lang ng maayos, Iana please."sabi nya pero umiling ako, ayoko nang maging pabigat kahit kanino.
"Ayoko. Ikaw ang umalis, hayaan mo na lang--"natigilan ako nang bigla nya akong buhatin at nagmadali sya sa paglabas ng kwartong yun, nagpupumiglas ako pero mas humigpit ang pagkakahawak nya sakin, sandali akong napatingin sa medyo may kadilimang hallway, puro itim, gray at ibang dark colors lang ang nakadisplay na nakapagpatayo ng balahibo ko dahil ang creepy tingnan.
Inis kong tiningnan si Apollo dahil wala pa rin syang planong ibaba ako kaya siniko ko sya sa tyan kaya napadaing sya at sandaling napatigil. Ewan ko kung O.A lang sya o ano pero mukhang nasaktan sya dun eh ang hina-hina nang siko ko. Nagpumiglas ako kaya nakakababa ako kaagad tsaka maluwang na ang pagkakahawak nya sakin. Nagalala naman ako nang makitang sinapo nya ang bandang tyan nya yung pero agad din akong tiningnan.