Chapter 19

16 1 0
                                    

"O-okay ka lang ba?"sandali akong napatingin kay Apollo nang magtanong sya. Parang kanina nya pa nga gustong magtanong pero nagaalinlangan pa sya.

"Hmm, h-hindi ko alam. S-siguro hindi?"hindi pa rin maalis sa isipan ko anf naabutan kong sitwasyon ng bahay at puno pa rin ng katanungan ang isip ko, nasan si papa. Kinuha ba sya ng lalaking yun? ng Hari? Pero para ano? Pero pano kung iba ang kumuha sa kanya?

"Gusto ko sanang magtanong kung ano ang nangyari, kung bakit nagkaganon yung bahay nyo pero baka hindi ka pa okay kaya hahayaan muna kita hanggang sa kaya mo nang magopen up, andito lang naman ako."natigilan ako at napatingin sa kanya. Ayan na naman sya sa sinasabi nyang yan. At talagang ngumiti pa sya.

Agad akong nagiwas ng tingin dahil medyo naasiwa ako. Tsaka ko lang napansin na nasa labas na kami ng gubat, at nasa harap ko na ang ilang building. Ni hindi ko man lang namalayan na kanina pa pala kami andito. Napatingin ako sa damit ko at napansin kong nakabit na ulit ang vestals ko kaya nagtataka akong napatingin sa kanya.

"A-ako na naglagay kasi parang wala ka kanina sa sarili mo. Buti nga hindi ka nadapa habang naglalakad tayo."hindi ko mapigilang matawa sa sinabi nya kaya nagtaka naman sya.

"M-may nakakatawa ba--"

"T-thank you.. Thank you sa pagsama sakin ngayon, at.. at sa pagcomfort. P-pasensya kung medyo wala ako sa sarili ngayon, p-pero salamat kasi kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko."sabi ko at napakurap kurap naman sya bago magiwas ng tingin, natawa la ako ng mahina nang halos hindi sya magkandaugaga sa paglalakad. Kaya iniwan ko na sya dun.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad pabalik sa dorm. Magaaral na lang muna ako para pagkatapos ng exams ay susubukan kong pumuslit ulit sa labas.

Natigil lang ako nang may humawak sa braso ko. Kunot noo kong nilingon si Pisces na masama ang tingin sakin. Pabalya kong inagaw ang braso ko sa kanya at ginantihan rin sya ng masamang tingin.

"Ano na namang problema mo? Wala ka na naman bang masaway at pati ako pinapakialaman mo?"inis kong tanong sa kanya pero tinaasan nya lang ako ng kilay. Kahit kailan hindi ko talaga makuha ang timpla ng supladong to, kahit kailan nakakainis talaga sya, yung tipong masarap suntukin para tigilan ka na nya.

"Hanggang kailan mo papaasahin ang kapatid ko Creed?"kinunutan ko sya ng noo pero hindi sya nagpatinag.

"Anong paasahin ang sinasabi mo dyan?"nainis kong tanong, wala naman kasi sa lugar ang tanong nya, ano bang pakialam nya?

"Alam na ng lahat dito na nililigawan ka ng kapatid ko at kung gano ka nya kagusto pero eto ilang araw mo nang kasama si Apollo tapos ngayon maabutan ko kayong magkasama? At mukhang nagkakatuwaan pa kayo--"

"Ano bang pakialam mo? Kaibigan ko si Apollo kaya anong masama kung magkatuwaan kami? Bakit ikaw ba si Pollux--"

"May pakialam ako Creed kasi kapatid ko sya. At ayokong masaktan si Pollux. Sigurado ka bang magkaibigan lang talaga kayo ni Apollo? Ganyan ka ba talaga kahit kaninong lalaki na lang? Ganyan ka ba kalandi Creed--"agad ko syang nasampal dahil sa sinabi nyang yun.

"Wala kang karapatang pagsabihan ako ng ganyan, wala kang alam sakin wala kang alam sa buhay ko o sa pinagdadaanan ko ngayon! Kaya wala kang karapatan para pagsalitaan ako ng ganyan--"

"Then why are you acting like one? Ganyan na ba ang magkaibigan ngayon? Wait, turuan ko kaya ng leksyon ang isang yun para matauhan?Hindi naman ako mahihirapan tutal hindi naman sya lalaban--" natigil sya sa pagsasalita nang tutukan ko sya ng air sword, mukhang nagulat sya dahil nagawa ko agad yun nang hindi nya napapansin.

"Subukan mo at hinding hindi kita papalampasin. Binabalaan kita wag na wag mo syang gagalawin o kahit sino man sa mga kaibigan ko, dahil kakalimutan ko kung sino ka."diniffuse ko na ang element ko at nilampasan na sya pero napatigil ako nang magsalita sya ulit.

ArtheniaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon