Chapter 34

9 0 0
                                    

ILIANA
Nagising ako sa isang madilim na kwarto at mariing napapikit nang marealize na nasa clinic na naman ako, palagi na lang, mukhang suki na ako dito ah. Nabaling ang tingin ko sa pinto nang bumukas ito at pumasok ang isang healer. Inalala ko kung ano ang nangyari kung bakit nandito na naman ako, saka ako natigilan nang maalalang naiwan sa Icarus si Apollo.

Nakangiti syang lumapit sakin at tiningnan ang kalagayan ko bago sya tumango.

“Wala namang problema sayo, pwede ka nang bumalik ngayon sa dorm mo, nahimatay ka lang naman dahil sa pagod at stress kaya wala kang dapat ipagalala. Pero pwede ka ring dito magpahinga kung gusto mo.”sabi nya kaya nagisip ako, ni hindi ko  alam kung dapat pa bang pumunta ako sa dorm.

“S-sa dorm na lang ako magpapahinga.”sa huli ay yun na lang ang nasabi ko at bumangon na pero natigilan ako sa sinabi nya.

“Yung palang kasama mo nung kahapon? Naku, taga-Icarus pala ang isang yun?”nangunot ang noo  ko sa sinabi nya at nagtatakang tiningnan sya, paano nya nalaman?

“P-paano mo nalaman?”takang tanong ko

“Ay yun ba? Kumalat na sa buong Arthenia ang tungkol sa pagpapanggap nya, hindi rin nila alam kung sino ang source, pero may isang estudyante na napasyal sa Pandora at nakakita ng mga taga-Icarus, may dinukot daw silang babae at narinig nyang kasabwat daw nila si Apollo.”natigilan ako sa narinig at paulit-ulit na umiling hindi dahil tinatanggi ko ang sinabi nya kundi dahil sa pagaalala.

“Buti na lang pala at sinunod ko sya na wag gamutin yung sugat nya. Tsaka tama lang yun sa kanya isa pala syang traidor.”doon nanlaki ang mata ko at hindi ko napigilang hawakan sya sa magkabilang balikat para kumpirmahin kung totoo ang sinabi nya.

“A-anong sinabi mong hindi mo ginamot?”

“Y-yung mga s-sugat nya, s-sabi nya k-kasi w-wag ko daw gamutin, h-hayaan ko lang daw, nagtaka naman ako pero sabi nya gusto nya daw natural na gumaling, w-wala rin syang ininom na kahit anong healing potion dahil tinanggihan nya, n-nagtaka nga ako k-kung bakit pinili nya pa ring magstay dito kahit hindi naman sya nagpagamot.”natigilan ako nang maalalang nasiko ko sya sa tyan kaya pala parang nasaktan talaga sya. Nanunubig na naman ang mata ko dahil sa pagsisisi at pagalala.

Nagmamadaling lumabas ako ng kwarto, maghahanap ako ng paraan kung paano sya mapuntahan doon, sana hindi pa huli ang lahat. Nang makalabas ako ng clinic at nakasalubong ko ang nagmamadaling si Astra, mukhang nagulat pa sya ng makita ako, maya maya ay agad akong lumapit sa kanya at mariin syang tiningnan.

“B-buhay pa s-sya diba?” alam kong alam nya kung sino ang tinutukoy ko kaya sandali nya akong tiningnan sa mata at hinawakan ang kamay ko saka pumikit, pagkadilat nya ay puno ng pagaalala ang mukha nya habang nakatingin sakin.

“He’s b-barely a-alive Iana, a-at m-mukhang p-plano n-nyang ubusin… h-hindi sya mag-magtatagal k-kapag g-ginamit nya pa ang attribute nya…”sabi nya kaya mas tumindi ang kabang nararamdaman ko.

“D-do you still remember the necklace? Y-yung nakita kong suot mo n-nung nasa Pandora tayo? N-nakilala mo  na  ba ang may-ari?”napamaang ako nang maalala ang bagay na  iyon.

“A-ang H-hari.. Ang hari ang may-ari nyan."

“A-Astra, k-kung ganon..” anak ng dating hari si Apollo, samu’t saring rebelasyon ang nalalaman ko ngayon at kahit papaano ay nakakaya ko pa ring harapin at sana huli na ang bagay na to.

“T-tama ka, a-at sana m-mabuhay s-sya, lalo na ngayong nagkakagulo na rin sa bayan at palasyo.”kumunot ang noo  ko, paanong..

“A-ano? Anong nangyayari?”bakit ang daming nangyayari at sabay-sabay pa?

ArtheniaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon