Chapter 11

21 0 0
                                    

"Pagpasensyahan nyo na si kuya ha? Medyo naiistress lang ata yun kasi nagfifinal wrapping na sila para sa Welcome Party."sabi ni Pollux kaya umiling ako. Natural labg naman talagang ganun sya kaya hindi na magbabago yun.

Naglalakad lakad kami ngayon palabas ng hall dahil katatapos lang namin kumain. Hindi nga namin masyadong naenjoy kasi nakiupo si Mr. President at sa tabi ko pa talaga kaya masyadong awkward.

Umalis na nga si Valoria at mukhang magmumukmok na naman sa dorm kaya hinayaan ko na lang.

"By the way speaking of. May partner na ba kayo sa party?"tanong ni Calix kaya napatigil ako sa paglakad.

"Nireject ako ni Iana kasi bestfriend nya daw yung kapartner  nya. Tsk, gusto ko pa man din sya kapartner ko."nakangusong sambit ni Pollux kaya binatukan sya ni Calix.

"Wag ka ngang O.A Pollux! Daming babaeng nagyaya sayo eh. Nagdadrama ka pa!"pangaasar nito kaya natatawang umiling na lang ako.

"Uy hindi naman ah. Nahihiya naman ako kay Apollo! Eh halos lahat ng freshies at Juniors sya ang bukambibig!"nanlalaking mata na binalingan ko ng tingin ang nanahimik na si Apollo na nahihiyang tumingin samin na para bang nilabas ni Pollux ang pinakatatago nyang sikreto.

"Diba Apollo? Teka nakapili ka na ba sa kanila?"napangiti ako at inasar sya. Hindi ako makapaniwala na babae pa ang magyaya sa lampang katulad nya.

"A-ayoko sa k-kanila."nahihiyang nagiwas sya ng tingin kaya napataas ang kilay ko at napatingin sa dalawa na nagkibit balikat lang. Oh mukhang may dilemma ang isang to.

"O ba't naman ayaw mo? Ang gaganda naman ng mga babae dito ah. Tsaka sila pa mismo ang nagyaya sayo ba't ayaw mo pang pumili?" kahit nagtataka ako kung bakit ganon. Kind of weird.

"Nako kung hindi mo naitatanong, Iana. Kahit tatanga at lalamya -lamya yang si Apollo, isa rin yan sa pinakamatalino ditl. In fact, naglalaban silang dalawa ni Pisces sa 1st place. Kaya palaging mainit ang dugo sa kanya nung isa."

Okay that explains everything. I think secondary lang yung pagiging smart-ass nya dahil kung tutuusin bumabase sa looks ang mga babae. At hindi naman maitatanggi na gwapo tong lalaking to. Napangiti ako dahil ngayon hindi na lang si Adrian ang gwapo sa paningin ko. Well these guys with me now are undeniably handsome but as friends.

Nginitian ko si Apollo nang makitang nakatingin din sya sakin. Agad naman syang nagiwas ng tingin at halatang nahihiya.

"Nako nako. Kung ako sayo Apollo mamili ka na sa kanila. Wala kang magiging partner sa Party. Bahala ka."pangaasar ko pero bumuntong hininga lang sya dahilan para matawa kaming tatlo. Walang mangyayari kung palaging syang mahihiya nang ganyan.

"Aw shit may klase pa pala ako. Sige una na muna ako." Paalam ni Pollux kaya napatingin ako sa kanya at tinanguan sya.

"Ah, dadaan pa pala ako ng suit ko para sa Friday. Sige una na muna kami ha."paalam nj Calix kaya tinanguan at nginitian ko sila. Kumaway naman sila habang naglalakad palayo.

"Pare-parehas lang naman sila. At tsaka hindi ko gusto na sila pa mismo ang magyaya sakin. Kasi diba dapat lalaki ang gagawa nun?"bigla naman akong napatingin sa kanya dahil sa sinabi nya. Lihim akong napangiti sa hindi malamang dahilan. Maybe because what he said was true?

"Edi wala kang partner sa Friday? Gagraduate ka na next year. Sayang naman."napabuntong hininga naman sya at niyakap ang magkabilang tuhod habang nakatingin sa lake na nasa harapan namin ngayon.

"Okay lang naman sigurong walang kapartner. Ikaw, anong house yung bestfriend mo?"takang tanong nya habang nakatingin sakin kaya natigilan ako at napangiti habang naalala si Adrian.

ArtheniaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon