Chapter 22

14 0 0
                                    

Wala sa sarili kong naglalakad at di napansin ang nagsisilapitan kong mga kasamahan na kinocongratulate ako. Ngiming nginitian ko lang sila habang hinahanap ng mata ko ang taong kanina pa hindi maalis sa isip ko.

"Iana, okay ka lang ba?"napatingin ako kay Argent nang itanong nya yun kaya tumango ako sa kanya.

"Excuse me muna."sabi ko at hinanap ko si Apollo at nang makita ko sya ay mabilis akong naglakad para abutan sya.

"Sandali lang."hinawakan ko ang kamay nya para pigilan sya at nagtataka syang humarap sakin. Kumunot ang noo ko dahil normal naman sya ngayon, pero bakit kanina, parang may kakaiba sa kanya?

"I-Iana?"nabalik ako sa huwisyo nang magtanong sya kaya napalunok ako.

"T-thank you."sinserong sabi ko at nahihiya naman syang ngumiti kaya ngumiti din ako. Masyado lang yata akong nagoover think. Wala lang yun Iana, wag kang magisip ng kung ano ano. Nanibago lang yata ako kaya ganun.

"W-welcome. G-ginawa ko yun p-para sa team. A-alam mo na baka m-mamaya magalit sila pag n-natamaan ka. T-tsaka, h-hindi ko maipapanalo yun k-kung ako yung naiwan dun."nahihiyang sabi nya kaya natawa ako at ginulo ang buhok nya. Kahit kailan talaga napakainosente ng taong to.

"A-ah sige m-maliligo m-muna ako."sabi nya kaya binitawan ko na ang kamay nya at hinayaan syang mawala sa paningin ko. Sandali naman akong napahawak sa dibdib ko dahil kanina pa ito hindi mapakali. At yun ang isa pang hindi ko maintindihan.

"Iana."natigilan ako at napalingon, nagulat naman ako nang makita si Pollux. Kanina pa ba sya dyan?

"K-kanina ka pa ba dyan?"naiilang na tanong ko, ngumiti naman sya at tumango pero parang may mali sa ngiti nya o ako lang ba?

"O-oo napanood namin ang mga ginawa nyo."napalunok naman ako at nagiwas ng tingin. Ewan ko pero parang nahihiya ako kasi baka nakita nya yung ginawa ni Apollo, teka bakit naman ako maiilang eh wala namang kami, tsaka para naman sa team ang ginawa nung isa.

"G-ganun ba?"nahihiyang tanong ko at tumango naman sya.

"Ang galing mo, hindi kami makapaniwala na napatumba mo yung mga kalaban, natatawa nga sila Calix kasi isa lang yung napatumba nila pero ikaw."lumapit sya sakin at napangiwi nang kurutin nya ang magkabilang pisngi ko. Nagulat ako ng yumakap sya sakin. At sa likod ay nakita ko sila Calix na nangaasar pa kaya sinamaan ko sila ng tingin.

"A-alam kong w-wala akong karapatan para maramdaman to, pero Iana, magagalit ka ba kung sasabihin kong nagseselos ako? Na nasasaktan ako? Kasi iniisip ko sana ako yung nasa pwesto ni Apollo? Sana ako yung nagligtas sayo? Sinubukan kong pigilan ang nararamdaman kong to pero mahirap Iana, hindi ko kaya kasi masakit. N-ngayon lang kasi ako nasaktan ng ganito."nanikip ang dibdib ko sa sinabi nya at bigla akong naguilty na ewan.

Pero sinabihan ko na sya na una pa lang, ayokong umasa sya kasi ayokong masaktan sya, ayokomg umabot sa ganto.

"P-Pollux. Sorry h--"

Marahan syang bumitaw sakin at hinaplos ang pisngi ko habang nakatingin sa mga mata ko.

"W-wala kang kasalanan, n-normal lang naman to kasi nagmamahala ako, it's just that hindi ko lang kayang itago, hindi kita sinisisi o pinagbabawalan, nagpapakatotoo lang ako, baka sakaling mapansin mo."sabi nya at hinalikan muna ako sa noo bago ako iwan doon.

Tulala akong bumalik sa dorm. Napatingin ako sa orasan at nakitang hapon na pala. Nawalan na ako ng ganang lumabas, nasasaktan ako kasi nakasakit ako ng taong mahalaga sakin pero hindi ko naman sinasadya at hindi ko naman ginusto.

Mahalaga sakin si Pollux pati ang damdamin nya pero wala akong magagawa kung hindi ko magawang suklian iyon. At mahalaga din sakin si Apollo dahil kaibigan ko sya. Dalawa silang mahalaga sakin kaya hindi ko kayang mamili at hindi ko yun gagawin hanggang sa maging sigurado na ako sa nararamdaman ko.

ArtheniaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon